Shit Happens

6.7K 282 47
                                    

/'A single moment of misunderstanding is so poisonous, that it makes us forget the hundred lovable moments spent together within a minute.'
-Anonymous/




Rhian

"Ikaw talaga bata ka, ano ba kasi pinag-gagawa mo at nilagnat ka ng sobra? Kagabi pa yan, hanggang ngayon hindi pa humuhupa."

Oh yes, nilagnat po ako.
Yes ulit, dahil alam na nating lahat ang dahilan.

Nakabalik na kami ni Glaiza from our epic honeymoon. Speaking of my gorgeous wife, she's in St. Lukes right now for an emergency open heart operation to one of her VIP patient.
We arrived at around 8 pm last night at since then, inaapoy na ako ng lagnat. According to Dr. De Castro, normal reaction lang daw ito ng katawan since may changes sa landscape ng private part ko.

"Ma, ito na po yung bagong towel."

"Salamat Maine."

Nasa kwarto kami ngayon at abalang-abala si Mama sa pagpunas ng braso at likod ko, si Maine naman ay nakasandal sa jamb ng pinto at mapanukso ang bawat tingin.

"Dapat kasi hindi muna bumalik ng trabaho si Glaiza, alam niyang may sakit ka tapos umalis pa rin. Mag asawa na kayo Denise, dapat ikaw na ang inuuna niya bago ang trabaho."

"Ma naman, lagnat lang po ito, yung patient niya, life and death operation yun. Isa pa, nagdadalawang isip din siya umalis kanina, ako yung nagpumilit, hindi din siya matatahimik dito sa bahay eh, yun pa naman napaka-concern sa mga pasyente niya."

Medyo kumalma ang expression ng mukha ni Mama, nagpatuloy siya sa pagpunas ng aking binti. Saglit itong natahimik na parang nag-iisip ng malalim.

"Denise, kailan ililipat ni Glaiza ang mga gamit niya dito?"

"Hindi pa po namin napag-uusapan Ma, dati po kasi nasabi niya na dun kami sa unit niya mag....."

Biglang pumakla ang timpla ng mukha ni Mama, napayuko naman si Maine. Umiling-iling ito at bahagyang nagdabog.

"Anong sa unit niya? Umayos kayo Denise, hindi ako papayag, dito kayo sa puder ko. Hindi ko nga pinayagan ang kapatid mong bumukod, ikaw pa kaya. Malaki tong bahay natin at kayang-kaya kahit magsi-anak pa kayo."

"Opo Ma, kakausapin ko po."

Nagkamot ako ng batok, ayoko ko din naman lumayo sa pamilya ko but at the same time, ayoko pangunahan si Glaiza. I remember na napag-aralan namin sa isang wedding seminar na dapat kahit gaano ka minor ang decision, dapat nadi-discuss niyo as a couple.

"Naiintindihan ko na gusto niyo maging independent, gusto niyo magsarili sa buhay, pero sana Denise, pati na din ikaw Maine, sana wag niyo naman ako iwanan, malulungkot ako."

Nagkatinginan kami ni Maine at agad itong tumango, lumapit ito kay Mama at marahang hinimas ang likod.

"Mama, hindi po kami aalis ni Alden, alam niyo naman ang asawa kong yun, Mama at Ate's boy, hindi yun mabubuhay ng malayo sa inyo. Kaya wag na po kayo malungkot."

"Oo nga Ma, ill talk to Glaiza. Im sure she'll understand."

Niyakap ko siya at pinagtulungan namin ni Maine na pagaanin ang loob niya, may sakit ito sa puso kaya hindi maganda na nagdadamdam ito.

------------------------------------

Rhian

"What the hell? No!!!"

Glaiza step on the break in full force, if not for the leather seatbelt, maybe tumilapon na kami sa windshield. We're on our way to her dentist. Kanina pa ako tuma-timing para makabwelo at nang maka-bwelo na nga, ito naging reaction niya.

Incognito YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon