/'A baby is something you carry inside you for nine months, in your arms for three years, and in your heart until the day you die.'/
-Mary MansonI dashed my way through the crowded street with huge paper bag on both hands, im in Binondo and since its weekend, grabe ang bugso ng tao. Mga anim na kanto pa ang lalakarin ko since sa bandang World Trade Tower nakapark ang kotse. Napaka-sticky na ng pakiramdam ko sa tagaktak na pawis, Rhian requested for some authentic hand stretch wanton noodles. So here I am, being the loving wife that I am, pinagpapawisan sa init ng panahon at init ng sabaw na hawak ko.
After 15 minutes, nakaupo na din ako sa drivers seat, I turn the aircon in max cool and wipe my face with the 'Good Morning' towel, nasa second trimester na ang pregnancy ni Rhian and what can I say, araw-araw na lang na ginawa ng diyos, inaaway niya ako. Nakakarindi, lahat ng gawin ko mali, kunting problema iiyakan niya, sabi ni Papa pagpasensyahan ko na lang daw kasi ganyan din dati si Mama ng pinagbubuntis ako. Masusubukan talaga ang pasensya ko ngayon, hay naku.
RING RING RING
Rhians calling, i started the engine first and pay the parking fee before sumagot.
"oh bakit ang tagal mo sumagot?"
"uhm...kakalabas ko lang kasi sa parking Rhi, grabe ang nila....."
Hindi pa nga ako tapos magsalita eh dumakdak na ng dumakdak ang Misis ko, grabe halos mabingi ako sa lakas ng boses niya, nilayo ko ang phone sa tenga ko pero naririnig ko pa rin ng malinaw ang litanya niya, parang naka-loud speaker.
"Ang tagal mo naman De Castro, saan ka ba bumili sa South Korea? Baka sa kupad mo eh hindi na mainit ang sabaw ha, dapat mainit yan, wag ka mag aircon sa kotse para hindi lumamig. Naman eh, kanina ka pa umalis eh tanghaling tapat na, kung saan-saan ka pa seguro dumaan."
Naninigas ang bagang ko sa inis, heto na nga ako, amoy araw at amoy tao sa pagmamadali tapos ganyan pa siya. Lord tulong po.
"Rhian, Misis, im on my way na, kalma lang ha, masama sa baby yan, just please calm down."
Im trying my best to soften my voice kahit gigil na gigil na ako. Sabi ni Kean, hingang malalim lang daw at isipin ang baby.
"Ay ewan, just be home as soon as possible."
She end the call at agad kong naitapon sa dashboard ang phone ko. Hay buhay.
-----------------------------
Glaiza
"What the hell....anong ayaw mo Rhian?"
"Nawala na yung craving ko sa noodles...iba na hinahanap ng sikmura ko Glai...uhm"
Nag-aapoy sa inis ang tenga ko, halos makipag-patayan ako sa daan para lang mabilhan siya ng noodles na ito, nagdrive pa ako ng naka-off ang aircon para hindi lumamig ang sabaw tapos sasabihin niyang ayaw na niya.
"Alam mo ba ang pinagdaanan ko para sa noodles na yan Rhi? I spent 4 hours for that thing, could you at least show some appreciation and eat it."
I shouted in a dominant and irritable voice. Tumayo ito ng lamesa at nagdabog papuntang kusina, pagbalik nito ay may dala nang kutsara, mapakla ang muka niyang binuksan ang styro bowl at pinilit higupin ang mainit pa namang sabaw, namumula ang mata nito at tila paiyak na.
Sumandal ako sa upuan at napa-buntong hininga, she look so pitiful na parang napipilitan lang talaga. Looking at her, parang dinadaganan ang puso ko, yes im pissed pero hindi ko din naman kayang makita sa ganitong situation ang asawa ko. I slowly make my way to her side at pinigil ang kamay niya sa pagsubo, I pull the chair on the side at naupo sa tabi niya, halata na ang baby bump ni Rhian at nakaka-proud sa pakiramdam na magiging Mommy na ako.
BINABASA MO ANG
Incognito You
FanfictionSPG WARNING: 🔥🔥🔥 Highest Rank : #1 in Rastro (5/11/2018) #1 in girltogirl (6/25/2018) #1 in gdc (1/12/2019) Faith brought them together but love will keep them grounded. Coming from totally different backgrounds and beliefs, follow the whirlwin...