[Carlos' POV]
tumagal ng tatlong araw ang test saka ako bumalik. para kunin yung DNA results. 3 araw ako nakabantay kay bea. pero hindi pa sya nagigising. pero nakabantay naman si sandra sa kanya. kapag minsan ako naman ang nakabantay at pinapauwi ko sya sa bahay para mamahinga.
* on the clinic *
nurse, ok na po ba ang test? -carlos
kayo po ba si mr. carlos villanueva? -nurse
oo ako nga! -carlos
pasok po kayo rito para makausap si doktora. -nurse
at pumasok naman nako. curious na curious ako malaman yung test. kaya pinuntahan ko agad si doktora.
* on office *
dok, ano po ba ang results? -carlos
hindi nagsalita si doktora at ibinigay nya sakin yung dna results. na nakalagay na negative! hindi ako makapaniwala sa naging resulta.
dok , ang ibig sabihin po ba nito hindi ko anak ang anak ko? -carlos
magkaibang magkaiba po kayo ng dugo ni bea. kaya po malabo pong anak mo sya. -dok
pagkatapos ng test ay lumabas ako at di ako makapaniwala sa resulta. hindi ko mapigilang maluha sa katotohanan na hindi ko anak si bea. pero nasan ang anak ko? kung hindi ko anak si bea. pero hindi naging sapat yun para maniwala ako kaya nagpunta ako sa ibang doktor. pero.. negative parin ang lumabas. napakasakit tanggapin na hindi ko anak si bea.
[Victoria's POV]
nananalangin ako para sa kagalingan ni joanna.
"panginoon, alam ko po naging pabaya akong ina kay joanna, pero sana panginoon, mapatawad ako ng anak ko, sa lahat po ng pagkukulang ko sa kanya bilang ina niya, sana tanggapin pa po nya ko bilang ina nya. panginoon, wala po akong ibang hiling kundi ang gumaling at magising na ang anak ko para maayos na ang lahat" -dasal ni victoria habang umiiyak.
ng biglang may humawak sa balikat ko. pagtalikod ko si gabriel pala yun.
wag kanang umiyak victoria! -gabriel
sa tingin mo ba mapapatawad pa ko ni joanna? -victoria
oo naman! pakiusapan mo lang yang anak natin magiging ok na ang lahat. mapapatawad ka niya victoria. -gabriel
saka ako niyakap ni gabriel. nagsisisi na ako sa ginawa kong kalupitan kay joanna. kaya sana sa paggising nya makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya.
[Sandra's POV]
nandito lang ako sa ospital at nakabantay ka bea. nandito ako sa tabi niya.
"anak, sana magising kana, sana maging ok ka na. miss na miss ko na yung boses mo" -umiiyak na sabi ko kay bea.
ng biglang pumasok si carlos at umiiyak. nagtataka naman ako kasi ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng ganun.
carlos may problema ba? -sandra
pero umiiyak parin sya.
carlos bakit hindi mo ko pinapansin, may problema ba? -sandra
inaya nya ko sa labas para kausapin ako ng masinsinan. at mukang confidential to kaya sumunod ako.
bakit ba carlos, bakit ka umiiyak? -sandra
may hawak syang tatlong envelope at binibigay nya sakin yun. kaya binuklat ko yung laman. nakita ko na DNA test ang laman kaya binasa ko.
BINABASA MO ANG
My Only Hope
Historical Fictiondalawang ama. dalawang ina. dalawang anak. dalawang pamilyang paglalapitin ng tadhana upang malaman ang katotohanan. pero paano nila malalaman ang katotohanan? paano nila matatanggap ang katotohanan? kung sa kabila ng lahat ay masaya na silang nabuh...