The soonest Lea left my clinic tila automatic na dinala ako ng mga paa ko papunta sa kaniya. Sinundan ko siya sa may parking, hoping I'll persuade her na bumalik siya, at magsorry for being so full na parang dinidiktahan ko na siya.
But it's too late, sumakay na siya ng sasakyan niya, kaya dali dali naman akong sumakay ng sasakyan ko at sinundan siya.
Habang nagmamaneho, I can't help but to feel guilty sa inasal ko. We barely know each other pero kung makaasta ako akala mo kung sino. I was never like this to my other patients. Pag ayaw nila, I try hard na maghanap ng ibang better option. But with Lea's case, I want to save her. To cure her
Is it because she look like her? Hindi ko rin naiintindihan sarili ko when I'm infront of her, nakikita ko si Moe sa kanya, kaya gustong gusto ko rin siyang isave.
Then she stopped her car a few meters away from apartment units. Dali-dali siyang bumaba at saka sinalubong ng isang matandang babae. From my view inside my car ay parang nagtataas ng boses ang matanda while Lea's head bowed.
Napakunot nalang ako ng noo, Is she in trouble? Hindi siya puwedeng ma stress, she had chest pain last night. Kung bababa ako baka mas lalo lang magalit si Lea saken.
A few moments later ay pumasok sila sa loob. Medyo naging kampante ako dahil sa tingin ko'y medyo auos naman na ang lahat. Papaalis na sana ako ng biglang makita ko si Lea palabas ng bahay, may mga damit na itinatapon sa labas, and Lea is begging.
Pinapalayas siya? Nakakunot lang ang noo ko habang tinitignan siya, i want to approach her and help her. Umalis naman na yung babaeng matanda at iniwan si Lea na pinupulot ang mga gamit.
I badly want to run to her. I can see from my car kung paanong nagpipigil siyang umiyak. I am about to go down my car at lapitan siya, but then my phone buzzed, it's from my secretary. Di ko namalayan na kanina pa ito tumatawag. There are about 5 missed calls, and so I'd assume na importante nga ang tawag niya.
I answered her call and yes I'm right it's inportant, gustuhin ko mang lapitan si Lea but I have an urgent surgery. I sighed and looked at her, feeling helpless.
*
Three steps from the entrance door, I took a deep sigh and proceeded. Inside the hall, a colleague approached me and greeted me. "I'm glad na nakarating ka sa auction," bati niya sa akin.
"Yeah, medyo natagalan nga, I finished my surgery pa kasi." I said and smiled.
"I want to check the paintings baka may magugustuhan ako and mailagay ko sa clinic ko." I said and chuckled, I really like paintings, lalo na if it is made not just by hand but when you see it you can feel na the person really paint it with heart.
The sea of people were in mirthful mood and so am I, while looking at the paintings and artworks on the hall. I heard from Dr. Benitez that these pieces would be auctioned later para sa benefit ng mga may het illness na bata. I walked around and on the left side of the gallery was a corridor painted in white at lahat ng mga nakasabit dito, kung hindi lamesa na may buong pamilyang kumakain,ay isang masayang pamilya during their everyday living framed on a heart border. A smile drawn into my face, I think I found the piece for my home and clinic.