Saan ba dapat magsimula? Sa panahong hindi pa? O sa panahong katatapos pa lang at kailangan ulit umpisahan?
Mahirap intindihin ang katagang yon at alam 'kong konti lang ang makakaintindi.
Pero, tanong ko yun sa isip ko, 'bakit ko kailangang maipit sa sitwasyong hindi ko naman inaasahan na dadating sa buhay ko?'
Mahal ko siya, minahal namin ang isa't isa, bakit kailangang magkagan'to lahat para maiwang ako nalang ang nagmamahal sa kanya?
Masakit pero kailangang tiisin, natapos na ang kailagang tapusin at kailangan ko pa bang mag-umpisa ulit?
Kasi pag inumpisahan mo, siyempre matatapos rin, siyempre may katapusan rin ang naumpisahan mo.
Kaya nga nakapag-tataka eh. Bakit tinawag na 'happy ending' kung sa huli ay matatapos rin?
Pero, gusto ko pa rin magkaroon ng isang araw at walang katapusang kuwento ng aking pag-ibig.
Pero lahat may katapusan at hindi permanente.
At dun ko nalamang, walang permanente sa mundo... Lalo na ang pag-ibig...
Ako si Jillianne Crisostomo, at ito ang storya ko.
BINABASA MO ANG
Loving M
General FictionNagmahal ako ng lubusan, pero bakit ako ngayon ang nasasaktan at nahihirapan? Sabi nila, "give and take" pero bakit lagi nalang ako 'yung nagbibigay at nagpapaubaya? Bakit wala na akong matanggap na comfort? At sabi nila, itinadhana kami para sa is...