[5]

16 2 0
                                    

His twin

Natapos na rin kami sa wakas sa project namin netong si Mike. Sobrang ganda ng pagka-discuss niya tila lahat ng mga kaklase at yung guro namin ay sobrang bilib sa kanya.



"That was a great discussion Mr. Perez and Ms. Crisostomo! Wow! Class, please give them a round of applause!" pumalakpak naman yung mga kaklase namin. Napangiti rin ako. Napatingin ako kay Mike, nakangiti siyang nakatingin sa'kin. Sumaludo naman ako sa kanya, tumawa naman siya.



Bumalik kami sa kanya kanya naming upuan. Natapos rin ang morning class namin. Kaya, naisipan namin nina Sheena, Angeline, at ako na pumunta lang muna sa likod ng school. "Jill! Musta na sa puso mo si Emerson?" mapanuyang tanong ni Sheena. Napatawa ako sa sakit.




"Si Emerson? Eto, kumakain." tumawa naman ng malakas si Angeline. "Alam mo Jill? Sobrang pilosopo mo na ngayon ah?" pikong sabi ni Sheena. Wala namang masama kung sasagot ako diba?



"Kinumusta mo si Emerson sa puso niya eh, malamang sasagot siya." tawang sabi ni Angeline sabay batok sa kanya. At, ayun nagbatukan sila. Pero, maswerte ako dyan sa dalawang yan, kahit mga baliw.

Uwian na at bigla nalang nag vibrate yung cellphone ko. At, tama ang hinala ko, wala namang ibang mag tetext sa'kin kundi yung makulit na 'to. Tamad kong binuksan yung message niya.


From: Unknown Guy

Oh, ba't bored ka?


Napatuwid ako ng tayo. Meaning, nandito lang siya sa paligid ko. Baka naman ligaw na kaluluwa 'tong nagtetext sa'kin? Naku! Takot pa naman ako sa mga multo!


To: Unknown Guy

Eh ano naman sa'yo? At, teka! Stalker kita 'no?!




From: Unknown Guy

Haha! xD ang bilis naman talaga ng sense mo Jill! Hindi naman ako stalker, nakatingin lang naman ako sa'yo.


Nagsitaasan ang balahibo ko. Asan siya? Napalingon lingon ako at wala namang bakas ng taong 'to ang mapaghihinalaan ko. This guy is too creepy!.



To: Unknown Guy

Mas nakakatakot ka pa sa shake, rattle, and role eh! Magpakilala ka nalang sa'kin!



Loving MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon