Magpagaling ka
"Musta na kayo ni Charlene?" usyoso ni Mike. Nakayuko pa rin ako at hindi pa rin nakikiramdam sa magpinsan. Pero nung marinig ko ang pangalan ni Charlene. Tila pinipiga ang puso ko.
"O-okay lang." napatingin ako sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa'kin at nakangiti. Kinakabahan.
"Hoy! Para kayong mga ano dyan! Ahh, Sonson, eto pala si Jillianne, basta Jill nalang itawag mo. At Jill, si Sonson. Emerson. Insan ko." nakangiting pagpapakilala ni Mike. Tumango lang ako kay Emerson.
Hindi pa rin nagbabago yung hitsura niya. Hanggang ngayon, ang guwapo pa rin niya. "Ahh, maiwan ko muna kayo. Kukuha lang ako ng maiinom." lumabas si Mike at nakayuko pa rin ako. Tila nahihiya.
"Musta na pala sa school?" napaangat ang tingin ko sa kanya. "Ahh, ehh, ganun pa rin." sagot ko at
tumungo sa kanya. Nakita ko naman siyang napatango.Dumating na si Mike na may dalang mga drinks. Nagkuwentuhan pa sila nang nagkwentuhan. Habang ako, hindi alam kung saan lulugar. Puro kabaliwan lang nila yung usapan.
"Ahh, sige, una muna ako. Tawag na ako ni mom eh." sabi niya at tumingin muna sakin at ngumiti. Napangiti rin ako. Heto na naman 'tong puso kong naghuhumerentado sa kaba. Lumabas na siya ng room at natira nalang kami ni Mike.
"Okay ka lang ba?" madilim na sabi ni Mike. "Alam mo bang kanina pa ako nagtitimpi sa'yo?" tila naman ako nagulat sa sinabi niya. Ano bang ibigsabihin niya?
"Ba't hindi mo magawang kalimutan si Emerson? Ba't siya? Ba't hindi mo itatak sa utak mo na may Charlene na siya! Si Charlene ang mahal niya! At hindi ikaw yun!" napapitlag ako. What is he talking about? And bakit niya alam yung tungkol sa nakaraan ko kay Emerson?
"Nevermind. Ihahatid na kita." madilim na sabi niya at naunang lumabas ng kwarto at ako'y tulala pa rin sa mga nangyayari. Totoo, ba't hindi ko nalang itatak sa sarili ko yung lahat na may iba na siya. Na hindi ako yung pipiliin niya at kahit kailang hindi man niya mamahalin.
BINABASA MO ANG
Loving M
General FictionNagmahal ako ng lubusan, pero bakit ako ngayon ang nasasaktan at nahihirapan? Sabi nila, "give and take" pero bakit lagi nalang ako 'yung nagbibigay at nagpapaubaya? Bakit wala na akong matanggap na comfort? At sabi nila, itinadhana kami para sa is...