His Parent's
Now playing: Kay Tagal by Mark Carpio
Habang pataas ng pataas ang apak namin sa hagdan ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Papunta kaming roof top, sobrang kaba talaga yung nararamdaman ko ngayon. Parang tambol sa lakas ang tibok ng puso ko ngayon. I just let out a deep sigh and hope that everything would be just fine.
Ba't ba ako kinakabahan? Kaibigan lang naman kami ni Mike eh? I should not expect na, iba yung pagpapakilala ni Mike sa'kin. Napa-iling iling ako. Naramdaman ko namang mas pinisil ni Mike ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, nakangiti siya.
"Don't be afraid Jill, mababait yung parents ko." he said in assurance. Then, I felt my heart beat in slowmo. Ngumiti nalang rin ako to agree on what he said.
Then, mismong floor na ng rooftop ay nakita ko ang dalawang maganda at gwapong mukha ng mga magulang ni Mike. Sobrang seryoso nila at tila ako kinabahan. Sinamaan ko ng tingin si Mike pero ngumiti lang siya.
"Ahh, good afternoon po Mr. and Ms. Perez!" I tried to be jolly pero mukhang hindi patinag 'tong parents niya. "Mom, dad?" dinig kong sabi ni Mike. Nakatayo pa rin kaming dal'wa. Sabi ko na nga ba eh!
Nabigla nalang ako nung biglang tumawa ng malakas ang mga magulang ni Mike. Haluh? Nabaliw na ata. "HAHAHAHAHAHA!" nagkatinginan kami ni Mike. Nagkibit balikat lang siya habang ako ay nakangangang nakatingin sa kanila.
"You should've capture you're faces! That was sooo epic!" tawang sabi ng mom ni Mike. Narinig ko namang napabuntong hininga si Mike. Napatawa rin ako. Sobra namang joker netong mga magulang ni Mike. Nadala ako ah!
Pero, ba't parang ang sosyal naman ng pagpapakilala ni Mike sa'kin? At ba't sa mga magulang lang niya? Nakakapagtaka naman 'tong si Mike!
"Umupo na kayo ijo at siyempre, soon to be anak ko na rin." nakangiting sabi ng nanay ni Mike. Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"PO?!"
"Ahh, mom, pagpasensiyahan niyo na 'tong wifey ko. Sobrang praning!" natatawa at naiiling na sabi ni Mike. Napatingin ako sa kanya. Ano? Wifeeeey?!
"Ahh, I understand ijo." napatingin ako kay Mike. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Tumingin naman siya sa'kin ng 'go-with-the-flow-nalang!' look. Kaya napaharap ako sa mga magulang niya.
"Ahhh, hehe, pasensya na po Ms. Perez sa inasta ko ah? Nabigla lag talaga ho ako, may IBA kasi dyang hindi nagsasabi eh." nakangiti ko pa 'ring sabi at in-emphasize yung salitang IBA.
BINABASA MO ANG
Loving M
General FictionNagmahal ako ng lubusan, pero bakit ako ngayon ang nasasaktan at nahihirapan? Sabi nila, "give and take" pero bakit lagi nalang ako 'yung nagbibigay at nagpapaubaya? Bakit wala na akong matanggap na comfort? At sabi nila, itinadhana kami para sa is...