The Deal
Pinagpapawisan akong dumating sa meeting place namin. Isa isa ko silang sinapak sa inis. Buti nalang at hindi ako nilapa ng kakambal ni Mike. Para siyang lobong mangangain ng buhay. Nakakatakot ang aura niya. Ang dilim ng mukha at tila walang ekspresyon.
"Eh Jill naman! Alam mo namang ang titindi ng mga yun! Lalong lalo na si Matt! Naku!" reklamo ni Arthur.
"Eh ba't nagpapa-apekto kayo sa kanila? Hindi pa nga kayo inaano tumatakas na kayo." kalamado kong sabi sa kanila.
"Jill, hindi madali yung mga yun at tsaka, marami silang back up. Sumunod nalang tayo sa kanila. At, si Matt? Naku!" reklamo ni Justin.
"Nakakatakot siya sa totoo lang. Walang nag-aambang kumalaban sa kanya kundi ikaw lang Jill. Kaya mag-ingat ka nalang. Baka hanggang ngayon, hinahanap ka pa rin." paninigurado ni Anne. Napabuntong hininga ako. Nalintikan na. Mukha palang nangangain na ng buhay, sa akto pa kaya? Di kaya mas malala?
"Lahat pa naman pinapahirapan nun. Ano pala yung ginawa mo sa kanya kanina?" tanong ni Angelo. Ngumiti ako.
"Binugahan ko siya ng vape tapos tumakbo." balewalang sabi ko. Nagsitakbuhan naman silang lahat at mamaya ay may mga dala dala na silang mga panangga at kahoy pati rosayo at mga anting anting kuno.
"H-hoy! Ano 'tong mga kalokohan ha?!" inis kong sabi habang isa isa nilang sinasabit yung mga anting anting at kung ano anong kwintas sakin. Pinahawak rin nila sakin yung mga tubo at panangga.
"Magdasal dasal ka na ngayon Jill, sobrang tinding kasalanan ang ginawa mo. Mas malaking karma ang dadating sayo!" kuma-kanta kanta pa yung mga tomboy na baliw.
Tinapunan pa ako ng mga dahon dahon nina Angelo. "Nawa ang iyong kaluluwa ay maging ligtas sa kapahamakan." nakapikit pa nilang lahat na sabi at dumapa na parang mga muslim.
"Alululululululululu" kumanta pa sila at sumayaw palibot sakin. Napabagsak ang balikat ko sa kabaliwan nila. "Mga baliw." napa-iling-iling ako.
BINABASA MO ANG
Loving M
General FictionNagmahal ako ng lubusan, pero bakit ako ngayon ang nasasaktan at nahihirapan? Sabi nila, "give and take" pero bakit lagi nalang ako 'yung nagbibigay at nagpapaubaya? Bakit wala na akong matanggap na comfort? At sabi nila, itinadhana kami para sa is...