Mansion of Perez's
Gumising ako ng maaga since may gaganaping role play ngayon sa stage kaya kailangan maaga at kailangan daw magpractice.
From: Unknown Guy
Goodmorning Jill! Papasok ka na?
Nasa huling sintas na ako nung mabasa ko yung mensahe ng lalakeng nagtetext sakin.
To: Unknown Guy
Ano bang pake mo kung papasok ako
From: Unknown Guy
Ahh, wala naman. I just want to know. At ang harsh mo talaga!
Binalewala ko nalang yung message niya at sumakay na ako ng dyip. "Totoo talaga yung sinasabi nung favorite page ko! Bagay talaga kasi si M at si J!" kinikilig na sabi ng harapan kong babae.
"Oo nga! Ihhhh! Bagay kami ng boyfie ko!" napabagsak ang balikat ko sa mga tinuran nila. Hanggang dito ba naman?
Pero nasaan kaya si 'M'? Nasa ibang bansa pa ba siya o di kaya artista siya? O nakilala ko na siya? Well, stop this Jill. Hindi naman talaga totoo yung mga nandoon sa fb na kaekekan.
From: Unknown Guy
Huwag kang mag-alala mahahanap mo rin ako. :)
Biglang nagsitaasan ang balahibo ko. Andito kaya siya? Arghh, nevermind. Nakababa na ako ng jeep. Dumiretso na ako sa classroom. 1 hour pa bago magklase. Bakit ba sobrang early ko?! Pagkaupo ko nakita ko naman si Mike na naka headphones at natutulog.
Napatingin ako sa mukha niya. Ang gwapo pala niya talaga no? Grabe, parang adonis na 'to eh. Nung nagpaulan ata si Lord ng kagwapuhan eh sinalo niya lahat. Grabe!
"Alam mo bang may multa ang pagtitig sa natutulog?" halos mapasigaw ako sa gulat nung mapagtanto kong gising pala siya! Hala!
Bigla naman akong napatakip sa mukha at tumalikod sa kanya. "S-sino bang may sabi na nakatingin ako sayo?" nakatakip pa rin na sabi ko. Narinig ko naman siyang tumawa.
"Wala naman akong binabanggit na pangalan. At lalong lalo nang hindi ikaw yun. Pero, umamin ka eh." nakangiti pa rin niyang sabi habang nakatingin sa mukha ko. Halatang kanina pa nga siya gising. Aish! Nakakahiya!
Ilang segundo pa ata ang tinagal para magkatitigan kaming dalawa at ako na ang unang bumawi non. Para akong na-hihipnotismo sa mga titig niya. Para niya akong kinokrontol. "Ahh, Jillianne---"
BINABASA MO ANG
Loving M
General FictionNagmahal ako ng lubusan, pero bakit ako ngayon ang nasasaktan at nahihirapan? Sabi nila, "give and take" pero bakit lagi nalang ako 'yung nagbibigay at nagpapaubaya? Bakit wala na akong matanggap na comfort? At sabi nila, itinadhana kami para sa is...