*4 months later*
"16,500...16,550...17,000"
April's POV
Napangiti ako nang mabilang ko lahat ang pera na naipon ko sa loob ng 4 months. 17,000.....YIIIEEHHHHH~~
Nagpagulong gulong ako sa kama dahil sa tuwa. Finally~ One week na bago ang concert ng Bangtan dito at ngayon ko lang napagsama sama ang lahat ng ipon ko. Ngayon lang kaya hindi ako nakabili ng ticket nung opening ng ticket selling. Ansaya diba! -_-
Buti nalang magbebenta ulit sila ng tickets mamaya kaya gogora ako sa SM later~ charot. Anong oras nga ba ang ticket selling?
"Unnie, anong oras po ang ticket selling mamaya?" Message ko sa isa sa mga trusted spazzers ko.
"2pm be" Reply nya.
Napatingin ako sa orasan. 11:00 na ng umaga. Shemay maghahanda na ako! Baka maunahan ako nung ibang ARMYs! Balita ko, para talaga silang mandirigma last ticket selling. May nagsuntukan pa nga eh! Jusko~
Pumasok na ako sa banyo para maligo. Habang naliligo, di ko maiwasang mag-hum. Bakit parang good mood ako ngayon? Yung tipong ang ganda lang ng paligid at para may lumilipad na unicorns sa paligid. Kingina -_-
Nagbihis na ako pagkatapos maligo (alangan naman pumunta ako sa mall na nakahubad -_-) saka naglagay ng kaunting powder at lip tint. Inayos ko rin ang buhok ko into a messy bun and tapos na.
Pagbaba, nakita ko si mama na umiiyak habang nanonood ng something sa laptop.
"Ma, okay ka lang?" Tanong ko. Humihikbi kasi sya eh.
Tumango naman sya at niyakap ang laptop. "Hansssuuunggggggg"
Hala? Sinilip ko ang laptop at nakita kong pinapanood pala ulit ni mama yung Hwarang. Napakamot naman ako sa ulo. "Ma, aalis muna ako"
Tumango-tango sya saka ngumawa ulit. Hayyy~ Nakita ko naman si Bembem na galing sa kusina kaya sinenyasan ko siyang bantayan si mama. Tumango lang ang lolo nyo na naka poker face.
Lumabas na ako ng bahay at naghintay ng jeep. Ilang minuto ang nagdaan pero wala paring jeep na dumadaan. Kingina hindi naman strike ah? Napatingin ako sa relo ko at halos magwala ako nang makita kong 12:30 na. Shemay!
"April?"
Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita kong si Grey yun. Walang emosyon ko syang tiningnan. After nung nangyari at mga pinagsasabi nya sa convenience store ni auntie, di ko na sya kinausap ulit at di narin sya nagpakita sakin. Nabalitaan ko nalang kinabukasan na umalis na pala sya doon. Wala rin naman akong pakialam.
"April, gusto ko lang mag sorry sa lahat ng nasabi ko that night. I admit that--"
"Tama na Grey" I cut him off. "I don't need your apology. Wala rin naman akong pakialam. And that was like 4 months ago. Wala akong pakialam sa sinabi mo.....at sayo"
Napayuko sya sa sinabi ko. Di nya ako madadaan sa pagpapaawa nya no!*sniff sniff*
Napatingin ako sa kanya nang marinig ko yun. Teka! Siya ba yung sumisinghot na parang humihikbi?!
"Oy!" Kalabit ko sa kanya. Kingina umiiyak ba to?
"Waaaaaahhhhhhhhhhh!" Nanlaki ang mata ko nang ngumawa sya doon na parang bata.
"O-Oy!" Pilit ko siyang pinapatigil sa pagngawa niya. Napapatingin narin ang mga dumadaan sa amin. Shemay!
"Sorry naaaaaaa waaaaaahhhhhhhhhh!" Ngawa nya with matching padyak padyak. Tumutulo narin pati uhog niya. Yuck!
YOU ARE READING
A FANGIRL'S LIFE STORY
FanfictionA fangirl, as defined by the Merriam Webster Dictionary, is a girl or woman who is an extremely or overly enthusiastic fan of someone or something. But for me, a fangirl is someone who supports and loves an idol........"Even if he can't love her ba...