Chapter 1

47 1 2
                                    

HER POV

*tententenen tententenen*
Umaalingaw-ngaw ngayon ang tunog ng wedding song sa loob ng simbahan. Nang buksan ng dalawang lalaki ang pintuan kung saan ako papasok, napanganga ang lahat nang makita nila ako....

Ang bride na kanina pa nila hinihintay.

Suot ang isang wedding gown na pinagawa pa sa isang sikat na designer sa South Korea, dahan-dahan akong naglakad patungo sa altar habang nginingitian ang mga bisitang nadadaanan ko.

Ang wedding song na kanina pa tumutugtog ay napalitan nang kantang inaasam kong marinig sa araw ng kasal ko.

"I give it to you
Although it was a bit awkward, I want to give it all to you
I give it to you
To me, who sometimes cries and laughs, it's only you
For you"

Napatingin ako sa mga kumakanta at napangiti ako nang makilala ko kung sino sila.

Ang paborito kong K-pop group.

Bangtan Sonyeondan....

"The moment I first saw you
With short hair and a pretty school uniform
I only remember that image
You can't go anywhere
You have to only look at me too"

Napangiti ako nang maramdaman kong hinigpitan ng nanay ko ang hawak niya sa kamay ko. Nginitian naman ako ni papa kaya napangiti rin ako pabalik.

"I don't know why my heart is like this
I only think of you always
I'll become a rhythm and a song
And sing it for you"

Napahinto ako nang makita ko ang lalaking naghihintay sakin sa harap ng altar. Suot ang isang puting tuxedo, malapad syang nakangiti habang nakatingin sakin. Nanubig naman ang mga mata ko.

Ang lalaking pinangarap kong makasama habang buhay. Ang lalaking ni sa panaginip, di ko inaakalang maghihintay sakin sa harap ng altar.

Ang bias ko.

"(Good to you)
I only have you
(Good to you)
Even if I'm far away
Always stay by my side
(Good to you)
You're my everything
Even if the difficult tomorrow comes
Hold my hand"

Nang makarating kami sa dulo, kinuha nya ang kamay ko mula sa mga magulang ko at ipinangakong aalagaan at mamahalin ako habang buhay.

"I give it to you
Although it was a bit awkward, I want to give it all to you
I give it to you
To me, who sometimes cries and laughs, it's only you
For you
(Good to you)
(Good to you)
Good to you"

Natapos ang kanta at haharap na sana kami sa altar nang marinig ko ang tunog ng......hinahampas na kawali?

Napalingon ako at nakita kong ang lahat ng bisita ay nakahawak ng dalawang kawali at hinahampas nila yun. Ha?

Napatingin ako sa bias ko at nagulat ako nang makita ko na sya ang may hawak ng pinakamalaking kawali. WTF?

Patuloy nage-echo ang tunog ng kawali sa tenga ko hanggang sa biglang dumilim ang paligid ko.

"HOY BABAE GUMISING KA NA DYAN!" Narinig kong sigaw ng nanay ko. Unti-unti ko namang iminulat ang mata ko at nakita ko syang may hawak na kawali.

Napahawak ako sa ulo ko nang maalala ko ang panaginip ko. Teka-- panaginip? PANAGINIP?! PANAGINIP LANG?!

Dali-dali akong napaupo. "Ma naman eh! Kitang ansarap na ng panaganip ko tapos nanggigising ka pa" Reklamo ko sabay gulo ng buhok ko with matching padyak padyak pa.

 A FANGIRL'S LIFE STORYWhere stories live. Discover now