Chapter 8

5 1 0
                                    

April

"Shemay! Shemay! Shemay!" Paulit-ulit kong sambit habang tumatakbo patungo sa MOA Arena kung saan gaganapin ang concert ng Bangtan. Kung di ba naman ako isa't-kalahating tanga nakatulog pa ako doon sa coffee shop at di nalang daw ako ginising ng mga crew since mukha daw akong pagod.

Alas singko na at kelangan kong pumila ng maaga para makakuha ng magandang pwesto. Nang makarating ako doon, halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang makita ko ang haba ng pila. Kingina!

Pumila ako sa pinaka-dulo nang nakasimangot. Kingina niyong lahat.

Around 6 na nang magsimula silang papasukin ang lahat. Hindi magkamayaw ang lahat sa pagbigkas ng fanchants habang papasok kami sa venue. Naki-join rin ako sa kanila. Syempre naman no.

Nang makapasok kami, dumiretso ako sa designated area ng mga nakabili ng VIP ticket. Ang pwesto ko ay nasa harap ng extended stage kaya't kitang-kitang ko ang buong stage. I intentionally chose this kasi I don't want to miss every moment. Gusto kong makita ang lahat ng pangyayari sa once in a lifetime experience na ito.

Nagulat ako ng slight nang biglang tunugtog ang 'Fire'. Naghiyawan ang lahat kaya nakihiyaw narin ako with matching talon-talon pa. Wooooooohhhhhhhh!!

"Unnie reserve your energy para mamaya" Natatawang sabi sakin ng isang cute na babae. Ang ganda niya! ><

Awkward naman akong napatawa saka napakamot sa ulo "Sorry nadala lang ako ehehehe"

She chuckled. "Okay lang yan. By the way, mag-isa ka ba?"

Tumango naman ako. "Oo. I'm supposed to be with my friends kaya lang di sila pinayagan ng parents nila." Naalala ko sina Thea at Arkray. Gustong-gusto nilang pumunta pero against kasi yung parents nila sa pagiging fangirl nila.

"Oh I see. Do you want me to accompany you? Wala rin kasi akong kasama." She said while smiling.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Sige!" Awww~ ARMYs are so friendly talaga!

And I'm talking like Kris Aquino na! Ha-ha-ha Darla~

Kingina parang nababaliw na ako!

After how many minutes nang paghihintay, nagulat ako nang biglang dumilim ang paligid. Kinuha ko ang ARMY bomb ko sa sling bag ko na nakalimutan kong kunin kanina saka winagayway ito. Nagsimula nang mag play ang VCR.

Di mapigilang mangilid ng luha ko dahil iba ang VCR na ito. It showed what they had experience when they were still starting. Yung mga panahon na minamaliit pa sila ng mga tao. Yung panahon na they're still called as the "nugu group". 

Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang pinakita nila yung mga hate tweets ng nga antis. My heart broke nang pinakita rin yung mga nag-trend na hashtags ng mga haters against Bangtan. Sajaegi. Plagiarism boys. Mga lintek na hashtag na nai-trend ng mga kinginang antis.

The screen went all black again. "Unnie, alam mo ba bakit special ang concert na 'to?" Rinig kong sabi nung babaeng na-meet ko kanina

"B-Bakit?" I asked.

"This concert is looking back. They're performing not just their new songs kundi pati narin yung mga old songs nila. This concert is looking back on what they had experience and how they were able to get through it." Paliwanag niya sakin. I was shocked.

I am so lucky para masaksihan ang concert na 'to. Very lucky.

"Hey you, what’s your dream?
Hey you, what’s your dream?
Hey you, what’s your dream?
Is that all your dream is?"

 A FANGIRL'S LIFE STORYWhere stories live. Discover now