Chapter 6

6 1 0
                                    


"Kim Taehyung"

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. I can't take my eyes off him. I just can't.

Mas nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mas lumapad ang ngiti nya. Naiyukom ko ang mga kamao ko upang mapigilang ang pagtili. Shemay ang gwapo!

"Annyeonghaseyo~" Bati niya.

"A-Annyeonghaseyo" Yumuko ako kaya nabangga ang ulo ko sa dibdib nya. Arouch!

Tumawa naman siya saka hinawakan ang ulo ko. "Kwaenchanayo?"

Di ako nakasagot dahil natanga ako sa chuckle nya. How can everything about him be this perfect? How can he make my heart flutter with his simple gestures or movements?

I snapped out of my thoughts when he snapped his fingers in front of me.

"N-Ne?"

"Kwaenchana?" He asked while pointing at my head.

"A-Ah ne. Ne~ Nan kwaenchanayo" Sagot ko.

Oy nga pala nakakaintindi na ako ng Korean no! Hahahahaha ilang buwan ko tong puspusang pinag aralan. Dugo, pawis at luha ang ginugol ko para lang matuto ng korean. Nae pi ttam nun mul~

"How do we get out from here?" Mahinang sabi ni Taehyung.

(A/N: Di ko na iko-korean mga bes! Mahihirapan lang tayong lahat charot~)

"D-Di mo ba mako-contact yung m-manager nyo?" Nakayuko kong tanong.

"Hindi eh. Naiwan ko yung phone ko sa kotse hehehe" Nahihiyang sabi nya sabay kamot ng ulo.

"Taehyung lumabas ka dyan! Anakan mo ako kahit sampu tangnaaaaaaa" Narinig kong sigaw ng isang ARMY sa labas. Napapikit ako nang mariin. Papaanak sya? Sampu? Kingina! Kung ako yun bente eh!

"Ano daw sabi nya?" Nagtatakang tanong ni Taehyung.

"A-Ah wala. Wag m-mo nang pansinin y-yun" Shemay di ko mapigilang mautal.

"Hmmm" He pressed his lips together saka tumango-tango. Kingina Taehyung wag mo akong subukan magkakaanak talaga tayo ng bente makikita mo.

"Ang init." Pinunasan nya ang noo nya. Para namang nag slow motion ang paligid nang ginawa nya yun kaya napatanga ulit ako. Napalunok ako unconsciously. Inaakit ba ako nito?

Napaigtad ako dahil sa sunod sunod na kalabog sa pinto ng fitting room nato. "Taehyuuuunnnggg!" Sigaw nung may balak sumira sa pinto.

Napaabante naman si Taehyung kasi nakadikit ang likod nya sa pinto at nararamdaman nya siguro yung lakas ng kalabog. Para naman nahigit ko ang hininga ko dahil mas napalapit sya sa akin.

"Sorry ha? Masakit kasi sa likod eh" Paghingi nya ng paumanhin.

"O-Okay lang" Kingina bakit parang pinapalabas ko na gusto ko yung ganito?

"I mean, sige...ahmm..hindi....okay lang na umusog....ah hindi....ano...ahh--"

"Ne~ Haha. Kuha ko na" Natatawang sabi nya. Shemay nakakahiya.

*insert kuliglig sound*

"ARMY ka ba?" Napaigtad ako nang magsalita sya. Tumawa naman sya. Shemay pigilan nyo ko >_<

"H-Ha? O-Oo"

"Jinjja? Kaya pala niligtas mo ako mula sa kanila." Masigla nyang sabi.

"K-Kahit sino naman siguro, ililigtas ka k-kapag nakita ka nilang ganun" Tugon ko.

Umiling sya. "Hindi rin. Kita mo sila? Pinagkaguluhan nga nila ako imbes na bigyan ng privacy" Naka pout nyang sabi. Napalunok naman ako sabay iwas ng tingin.

 A FANGIRL'S LIFE STORYWhere stories live. Discover now