Chapter 3

30 2 0
                                    

April's POV

"UNNIE BUKAS NA YUNG DANCE CONTEST!"

"HA?!" WHAT THE--

"PAANO NAGING KINABUKASAN EH SABI NA NEXT NEXT WEEK PA?!" Tanong ko kay Arky. Di maari!

"Sabi ni Ms. Ann ini-announce daw ni Mayor yung changes sa date para isabay sa battle of the bands pero ngayon lang daw dumating yung letter na galing kay mayor!" Paliwanag ni Arky.

"Aish! Eotteoke?! Di pa natin masyadong napa-polish yung sayaw natin!" Paano nato? Baka di kami manalo! Nakasalalay dito ang pang-concert ko.

"Kaya we are excused for the whole day para mag practice!" Anunsyo ni Arky. Kahit papaano, nabuhayan naman ako ng loob.

"What are we waiting for? Tara na!" Aya ko sa kanya.

Bumaling naman ako kay Althea. "Beshy.."

"Gaga I understand! Go na bes! FTC!" Sambit niya.

"FTC?" Sabay naming tanong ni Arky.

"FOR THE CONCERT! WOOT WOOT!" Sigaw niya kaya pinagtinginan sya ng iba.

"Tara na" Aya ko kay Arky. Kakahiya si beshy -_-

Nandoon na lahat ng members ng grupo namin nang makarating ako sa dance room namin.

"Okay guys, gather here!" Anunsyo ko. Lumapit naman silang anim sakin. Tiningnan ko sila isa-isa.

"Wala akong tip na mabibigay sa inyo kundi ibigay nyo ang best nyo at isipin nyo kung bakit nyo ito ginagawa" Sabi ko sa kanila habang tinitingnan sila isa-isa.

"Para sa pagkain!" Sigaw ni Leya sabay lagay ng kamay nya sa harap namin

"Para sa pang-mall namin!" Sabay na sigaw ni Faye at Gemma tapos ipinatong ang kamay nila sa kamay ni Leya.

"Para sa pambili ng bagong cellphone!" Sigaw rin ni Dianne at ipinatong rin ang kamay niya sa magkapatong na kamay nina Leya.

"Para sa pang DOTA!" Sigaw ng vice president na si Ella sabay patong ng kamay niya sa mga kamay nila.

"Para sa uhmmm.."

Napatingin kami lahat kay Arky at hinintay ang sasabihin niya.

"Para sa pambili ng........panty? Ehehe" Sabi nya kaya binatukan namin sya.

"Ayusin mo oy!" Saway ko sa kanya.

"Wala akong maisip eh! Yun na!" Reklamo nya sabay pout tapos ipinatong niya na yung kamay niya dun.

Napatingin naman silang lahat sakin at hinintay ang sasabihin ko.

"Para sa passion natin..." Napangiti naman sila.

"At para sa Bangtan, lalo na sa bias ko" Sambit ko sabay patong ng kamay ko sa magkakapatong na kamay nila.

"Hana, dul, set!" Sigaw ko.

"FIGHTING!"

----------

Hindi namin namalayan ang oras dahil sa matinding practice namin. Natapos kami ng 9:00 na ng gabi. Pinayagan naman kami ng guard at nagpaalam narin kami sa parents namin.

Nag-decide na kaming umuwi dahil malayo pa yung uuwian ng iba. Kasama ko si Arky palabas ng gate nang makita ko si Bembem na naghihintay dun.

"Uy Bem! What'cha doin' here?" Sigaw ko kaya napalingon sya at nakita ko ang nakasimangot niyang mukha........habang kumakain ng burger -_-

"Pinasundo ka sakin ni papa--"

Napakunot ang noo ko nang tumigil syang magsalita. Nakatunganga lang sya. Baliw naba 'to?

 A FANGIRL'S LIFE STORYWhere stories live. Discover now