CHAPTER 11 : CAUGHT IN THE ACT

4.4K 90 7
                                    

Caught in the act.

Athena's POV

Nagising ako sa sigawan na naririnig ko. Ang huli kong natatandaan ay ano nga ba?

-Ay ayun! Pinagtulungan nga pala ako ng dalawang impokrita! Nahimatay ba ako? At ang lambot ng higaan ko, at komportable din ako, ang bango pa ng paligid. Parang wala ako sa bahay namin ni Blake. Wait, w nasan ako kung ganun? Ang naalala ko na may sakit ako pero bakit parang wala na?

Ah! Alam ko na, bahay to nila Mommy At Daddy, but bakit ako nandito? Paano ako napunta dito? Hala baka nakita niya ang mga pasa ko, lagot. Chineck ko ang hita at braso ko, ang daming kulay violet, mga pasa. Patay ako neto.

"Buti gising kana, kung hindi pa namin naisipan dumalaw ng ama mo malamang wala ka ng buhok at naghihingalo kana." Napatalon ako nang nay nagsalita sa likod ko. Yung boses nayun! Kay Mommy yun!

"Mom!" tawag ko sakanya. Inirapan niya lang ako, at umupo sa kama. Sunod ay pumasok si Dad, kasama si Tita Monique at Tito Greg. Daddy ni Blake! Hala anong ginagawa nila dito? Alam na kaya nila.

"Athena! Ayos ka lang ba? We're very sorry. Hindi namin alam na ginaganyan ka na pala ng anak namin. Patawarin mo kami." Umiiyak na si Tita habang nakaluhod sa harap ko. Hindi naman niya kasalanan iyon. Walang may kasalanan sa kanila, ako lang ang meron.

"Tita, wala po kayong kasalanan." Nakita ko pang inalalayan siya ni Tito dahil muka siyang matutumba mula sa pagkakaluhod niya. Agad ko namang hinawakan siya sa balikat at dahan dahan siyang inalalayan tumayo.

"Tita, wag ka ngang lumuhod, walang may kasalanan, at kung meron man, ako yun. Di po ako sapat para magustuhan ng anak niyo, nararapat lang po siguro sakin iyon." Tumigil naman siya sa paghikbi at ginagap ang dalawang kamay at pinagsalikop ito.

"Tell me, anong gusto mong gawin ko?" she asked me.

"I want to file annulment mo, sorry tita." Di ko na mapigilan humikbi, ang bigat ng pakiramdam ko. Bakit ba kasi hindi ako sapat?

"If that is what you want, hija." Nakasmile pa si tita habang sinasabi iyan, pero halatang pilit. Nagsorry naman ako sakanya pero sabi niya ayos lang daw iyon. Gusto niya lang daw ako na maging masaya. Ako din e, gusto ko din.

Nagpaalam na sila tito at tita, kakausapin daw nila si Blake para sa annulment. Aantayin daw nilang umuwi dahil umalis daw ito pagkatapos ng nangyari kanina, tinanong ko naman sila kung ano ang nangyari. At kinuwento nga nila.

"Nagbalak kaming isurprise kayong mag-asawa dahil muka kayong nagkakamabutihan dahil iyon ang sinabi ni Blake matapos ko syang itext. May dala kaming cake, at mga handa. Athena it's your birthday but it turns out na nakalimutan mo" I was shocked, shit birthday ko nga nun. Anong date na ngayon?

"Kakatok sana kami sa gate, but bukas pala iyon. At may dalawang kotse pa na nakaparada sa labas, akala namin ay mga barkada niya pero kulay pink kaya kinutuban lahat kami, naabutan ka namin na pinagtutulungan ng dalawang babae, kaya yung dalawa naming cake na dala for the both of you ay lumipad din sa muka nila. Nagigil na talaga ako, sinubsob ko sila sa cake, at ang magaling kong anak ay nakaupo lang sa sofa at natutulog. Agad naming pinalayas ang babae at sinabing wag ng babalik. Mayroon pang isang siniraan ka sakin, pokpok ka daw." Pagkatapos sabihin iyo ay naramdaman kong kumulo ang dugo. How dare her! Ang kapal, dinescribe pako gamit words na para sakanya. Nagthankyou ako kay tita dahil di siya naniwala, nagpaalam naman siya at uuwi na daw sila at mag - aantay.

Umalis nako sa kwarto nila Mommy at lumipat sa kwarto ko. Eto yung kwarto ko nung wala pa si Blake sa mundo ko, nung tahimik pa, nung maayos pa.

"Magiging masaya kaya ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Siguro. Sana.

_____________________________________________

A/N's

Yowwwww, bukas ulit. Di ako mangangako dahil minsan ayaw kong mag update ng sabaw ang utak, thankyou sa mga sumusuporta parin hanggang ngayon, di ko kayo bibiguin. Hahabaan ko narin update ko pag ginaganahan ako sainyo. Feel free to chat me, usap tayo oy hihi. Labyu all 💖💖💖💖💖💖

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon