Part 1: It Hurts

11.9K 179 1
                                    

"Aray ko! bitawan mo ang buhok ko. A-aray. Nasasaktan ako" iyak ko.

Eto ko, nakaluhod sa sahig habang nagmamakaawa wag na niya akong saktan.

"Hindi kita titigilan, malandi kang p*ta ka. Sana hindi nalang ikaw ang pinakasalan ko. Sana si Amanda nalang ang pinakasal sakin at hindi ikaw!" bulyaw nya sakin sabay sipa sa binti ko. Aray!

Muli niyang hinigit ang buhok ko at nginudngod sa sahig

"Yan ang bagay sayo" sabay hagikgik niya. Lasing siya. Lagi. Umuuwi ng gabi ng lasing. Galing sa inuman. Nagsisi siya dahil pinakasalan niya ko kase malandi daw ako. Sinasaktan niya ko sa at sinisisi sa bagay na kahit kelan di ko ginawa at di ko gagawin.

"Ano?! Di ka makasagot noh? Kase napagtanto mong malandi ka talaga!" Di nalang ako umimik dahil alam kong sa oras na magsalita ako, sasaktan niya nanaman ako.

Tinayo niya ako at tinulak ng marahas. Nauntog ang ulo ko sa pader. Biglang namanhid ang buong katawan ko, parang nawalan ako ng pakiramdam. Nakita ko nalang na may dugong tumutulo mula sa ulo ko.

"Tama na!" di ko na napigilang sigawan siya. Nagitla siya  dahil kahit kelan di ko siya sinigawan kahit paulit-ulit niya na akong sinasaktan. Lumisik ang mata niya.

"LUMALABAN KANA HA! ANO! KAYA MO NA KO! KAYA MO NA BA KATAWAN MO HA!" sigaw niya na mas lalong nagpatindih ng balahibo ko.

"S-sorry h-hindi k-ko sina-sa-sadya." sagot ko habang humhikbi. Hindi ako natatakot sakanya. Natatakot ako sa maaari nyang magawa. Anytime pwede niya ko mapatay. Dahil lasing siya at wala sa sarili.

"BITCH KA TALAGA HA! SUMAGOT KA"

*pak*

Sinampal ko siya. Sinampal ko siya na dapat hindi ko na pala ginawa. Tinignan niya ako ng masama at sinikmuraan nya ko.

"Tama na. Hindi ko na kaya. Tama na. Hindi ko naman ginawa yung binibintang mo, bat mo ginagawa sakin 'to" sabi ko na halos pabulong. Dahil nahihilo nako. Sobrang sakit ng tiyan ko sa ginawa niya. Pero handa akong magtiis para lang mapatawad niya ko kahit wala akong kasalanan. Ganyan ako ka-martir.

"Naisip mo ba yung naramdaman ko nung nalaman kong may nangyari sainyo mismo ng Bestfriend ko?" sabi nya, pero malumanay. Tumalikod siya sakin. Ramdam ko ang lungkot niya. Kahit nakatalikod siya alam kong malungkot siya.

"Hindi ko ginawa yon. Maniwala ka. Hindi kita nagawang pagtaksilan." Nilapitan ko siya at hinaplos ang mukha niya.

Pero tinabig niya lang yon ng marahas.

"Anong hinde? Sinabi sa akin ni Amanda! sinabi niya sakin na kitang kita ng dalawa niya kung pano kayo maghalikan!" sigaw nya. Nabigla ako ng may luhang pumatak mula sa mata niya.

Nilapitan ko siya pero tinulak niya lang ako ng malakas, sa pagkatulak niya na yon tumilapon ako sa gilid. Napa-aray nalang ako dahil wala na akong magagawa. Naimpluwensyahan na siya ni Amanda.





































Amanda.














































Ang babaeng walang ginawa kundi sirain kaming mag-asawa.



























Ang babaeng dahilan kung bakit pati tiwala sakin ng asawa ko ay nasira na at nawala.


























At ang babaeng walang ginawa kundi siraan ako sa asawa ko at ang babaeng dahilan kung bakit puro galos,sugat at pasa ang buong katawan ko.





















Ako si Hera Athena Adrastea-Rivera .

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon