CHAPTER 13 : REJECTED

4.8K 94 18
                                    

Kabado akong pumunta sa bahay namin ni Blake. Her mom, Tita Monique called me. She told me that I am the one who need to convince her son. Kaya eto ako, nakatayo lamang sa tapat ng bahay namin. Ayaw ko man pumunta pero kailangan, kailangan para matapos na ito, kailangan din para matapos na ang lahat ng meron sa amin o kung meron bang matatawag na samin.

Bago pa man ako makapagdoorbell, nagbukas na ang gate, at ayun siya malamlam ang mga mata at namumula, pinapasok niya ako nang walang sinasabi.

Pagkapasok ko sa bahay ay tinanong niya agad ako kung anong gusto ko, kung kape ba o juice pero tubig lang ang sinabi ko. Ayaw ko nang patagalin pa kaya sinimulan ko nang kausapin siya, binuksan ko ang topic na kailangan kong sabihin sa kanya.

"Masaya ka pa ba?" Tanong ko, kahit alam ko na agad ang sagot, nagtanong parin ako, tanga ako eh.

Tumikhim lamang siya, hindi niya sinagot ang tanong ko.

Binago ko nalang ang tanong ko.

"Gusto mo pa bang --" Ako na mismo ang pumutol sa sasabihin ko, mali parin ang tanong ko.

"Maghiwalay na tayo." Yun na lamang ang nasabi ko dahil wala akong maitanong, wala akong makapa sa dila ko.

Nakita kong bumuka ang bibig niya, pero wala akong boses na narinig doon. Hindi ko alam kung asyumera ako, o naghahallucinate lamang ako, nang makita kong unti-unting nagtubig ang mga mata niya ngunit bago pa iyon tumulo ay agad siyang tumalikod para punasan ang mga luha niya.

"Ano nga ulit gusto mo? Kape o juice?" tanong niya. Nasabi ko na namang tubig pero umalis siya patungo sa kusina at kumuha ng baso at nagtimpla at ayun, naglapag ng isang baso ng juice.

"Ayaw ko na itong patagalin Blake. As I said maghiwalay na tayo." Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya iyon.

"Hera, ayoko." Nagulat ako sa sagot niya. Ayaw niya? Bakit? Gusto niya pa ba akong pahirapan? Gusto niya pa kong mahirapan sa kanya? Gusto niya pa ba kong saktan?

"Pero Blake, parehas na tayong hindi masaya." Tinry kong kumbisihin siya pero ayaw pa rin. Hindi ko alam bakit ayaw niya. Hindi na naman siya masaya sa akin, hindi nga siya naging masaya sakin. Puro sakit lamang ako ng ulo.

"Hindi ka na masaya, kasalanan ko lahat to, kaya dapat tapusin na natin to. " Hindi ko na napigilan maging emosyonal.

As usual , hindi niya ko sinagot, hindi niya muli sinagot ang ang tanong at imbes ay







hinalikan niya ko.

It was soft and gentle, hindi ko na alam ang dapat maramdaman, magiging tanga nanaman ba ko? Ititigil ko ba ang pagfifile mg annulment? Babalik nanaman ba ko sa kanya?

"Please wag, hindi ko kayang wala ka."

Hindi ko na alam, nalilito na ko.




__________________________________________$

Yow, short ud ulit hihi, baka mamaya ulit mag update ako, wag muna umasa, baka lang hehe. Thankyou sa patuloy na sumusuporta. Labyuuuuuuuuu all

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon