III. It Started With Noobs!

2.9K 142 44
                                    


○ ● ○ ● ○

o 3 || It Started with... NOOBS! 



Eleonor Malicsi Dimaculangan

Siguro nga problemang maituturing minsan ang pagiging LOYAL ko. Ganito raw talaga ang mga Aquarius masyadong devoted sa mga bagay o taong pinahahalagahan nila. Kita niyo nga, sa sobrang LOYAL ko hirap na hirap akong mag-move on! Pag may gusto ko, gusto ko SIYA lang wala ng iba. Sobrang hirap talaga lalo na kung umabot na sa punto na ako na lang 'yung may gusto. Ako na lang 'yung namumukod tanging nakakapit. Ito tuloy pakiramdam, para kong napagiwanan. Para bang tumigil 'yung oras. Hindi gumagalaw.

Problema ko na 'to kahit noon pa man. I have trouble of letting go. Mapa-tao o mapa-bagay pa yan. When I get attached, I get too sentimental. I become protective. Ako 'yung unang nasasaktan kapag meron akong naririnig na kahit ano pa mang panlalait.

"Trust me, bro! Ang noobs ng mga taga-MUP!"

Pagkarinig ko nun, parang merong bomba na gustong sumabog sa dibdib ko. I felt a surge of anger. Sino sila para sabihing noob ang lahat ng mga taga MUP? Naalala ko agad ang lahat ng mga matatalik kong kaibigan na nakilala ko sa MUP – sila Japo, Borge, Manong Guard. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sumanib sa'kin... kung bakit bigla kong hinamon ang mga anakshutang animales na mga sales rep namin.

HINDI KO PALALAGPASIN ANG MGA ANAKSHUTANG ANIMALES NA 'TO!!!

'Wag ako mga kapatid!

Pramis.

DON'T ME.

'Wag ang Eleonor Malicsi Dimaculangan.

"ELLIE!!!" Hindi ko alam kung dapat ba kong matawa o matakot sa itsura ng barkada kong si Japo. "ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!?!"

Nagkakagulo ngayon sa loob nitong computer shop dito sa may Makati. Hindi lang siya basta-bastang computer shop. Mga pumupunta dito para mag-laro eh mga taong nagtratrabaho sa corporate world. Mga tipong naka blazer pa kung manumit at nagda-drive ng BMW o kaya Audi. There were beers and finger foods and cigarettes. And everyone was looming over us. Para bang merong laban si Pacquiao.

"KILALA MO BA 'YANG HINAMON MO?" Japo had to yell just so I could hear him. Busy sa pakikipagpustahan 'yung crowd kaya sobrang ingay tuloy.

I stared at him and shook my head. In all fairness kay Japo ah, pumayat ang loko at pumuti pa siya lalo. Naka ng toots, pumo-pogi si John Paul Sy Crisostomo! Haha. Siguro may girlfriend na 'to. Gusto ko sana siyang tuksuhin, kaya lang masyadong intense ang mga kaganapan sa paligid namin ngayon. Wrong timing. Matagal-tagal na rin kaming hindi nag-kita nitong kaibigan kong 'to – mga halos 9 months na. Kung hindi ako nagkakamali halos nagkanya-kanya na kami right after graduation. Busy na kami sa mga kanya-kayang work. Once in a blue moon lang kami nakakapag-reunion.

"Hindi." Inis kong sagot. "Ang alam ko lang nainsulto ako."

Napakamot si Japo sa ulo. "Wow! Nainsulto, nasaktan, nag-hamon ng league of legends? Ibang klase ka talaga Ellie!"

Hindi ko napigilan. Natawa na lang ako bigla. "Pakyu, Japo!"

"Ha." He scoffed. "I miss you too!"

I only replied with a smile.

At that moment, I've realized how BORING I have become. Being an adult SUCKS! Wala akong ginawa kung hindi mag-work at mag-aral para sa law school. It has been an on-going routine. I've shut everyone out in my life. And I think ito na ata ang pinaka exciting na nangyari sa'kin for the past 2 years of my life.

LOVE-NOT: Ang Pag-ibig Kong Ayaw Na Ayaw Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon