II. W E L P !

3K 129 20
                                    

"And in that moment,

She was broken,

But she was fearless,

And she was utterly alive."

- unknown

○ ● ○ ● ○

o 2 || W E L P !

Friday – 9:30pm

MT Park Corp – 15th floor

Hindi naman daw kasalanan ang maging bitter.

Wala namang nag-sabing requirement ang mag-move on agad-agad!

'Di naman kabawasan ng pagkatao mo kung hirap kang makalimot... kung aaminin mong -- Oo, nasasaktan ka pa rin.

At higit sa lahat, hindi mo naman kailangan ipagkaila yung katotohanan na -- Oo. Oo, hanggang ngayon siya pa rin.

Eleonor Malicsi Dimaculangan sat back and stretched her arms and cracked her neck from left to right. She needed a break from all these reports. Akalain niyong siya na lang ang namumukod tangi mula sa accounting department na nandito pa sa opisina. Himala't nago-overtime si Ellie. 9:30 pm na kaya!

She then glanced out the office window of MT Park Corp. Tuwang-tuwa siya sa location ng desk niya kasi isa siya sa mga mapapalad na nilalang na malapit doon sa may bintana.

She stared at the city lights. Ang ganda pagmasdan ng Makati kapag gabi. Sa taas ba naman ng building ng MT Park Corp kitang-kita ni Ellie ang buong Makati. Nag-mistulang mga maliliit na bituin ang mga ilaw mula sa mga kotse at mga building.

Suddenly, Eleonor Malicsi Dimaculangan found herself asking, 'Kamusta na kaya siya?'

A twinge of pain.

Paker.

Pumikit si Ellie at minasahe ang noo niya. Animales. Pagod lang 'to. She then gritted her teeth in annoyance. Nagalit siya sa sarili niya. Anakshutang animales Ellie!!! HINDI KA PA BA NAGSASAWA?!?!?! Utang na loob naman, tama na!

"HAHAHAHAHA." There was a sudden, deafening roar of laughter in the office. Nag-mula 'yun sa cubicle ng Sales Team dun sa kabilang dulo nung kuwarto. Usually, until 10pm merong tao sa department na 'yun kaya hindi naman nagulat si Ellie. "Bro, I'm telling you walang kuwenta kalaro ang mga taga-MUP!"

Parang nag-alarm 'yung tenga ni Ellie. MUP? As in 'yung alma mater niya? Matute University of the Philippines? Kumunot ang noo ni Elyonor.

"Imposible 'yan Erik!" Mga boses ng binatilyo. Mukhang 'yung mga makukulit na sales representative ng Sales Team ang naka-duty ngayong gabi. "Saan ka ba nag-laro?"

"Does it matter? Seryoso ko, mga noobs mga taga-MUP! They're freaking weak Monty! Hahaha."

"Babalik ba kayo dun?" Tanong nung Monty. "Parang gusto kong sumama. League of Legends 'no? Yan 'yung parang Dota?"

"Yeah, Mon!" Excited na sagot nung Erik. "Gay shit mga taga-MUP pramis. Easy money! Pusta tayo tig-500 pesos. Ma-tri-triple pera natin. Pizza tayo sa next shift natin."

BAM!!!

Halos mapatalon 'yung apat na binatilyo nang biglang may lumitaw na babae at nag-baba ng 500 pesos sa lamesa nila.

LOVE-NOT: Ang Pag-ibig Kong Ayaw Na Ayaw Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon