VI. Hello... from the Other Side?!

2.6K 149 57
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

"Hello?"

.....

.....

.....

I am literally at a loss of words.

Huwaw! Perstaym. Perstaym na walang masabi ang isang Eleonor Malicsi Dimaculangan.

Kung alam niyo lang. Nagpaikot-ikot na ko't lahat-lahat. Tumambling, tumalon, nag-split, nag-cartwheel ng 360 degrees. Wala. Walang ibang salitang pumapasok sa isip ko bukod sa mga sumusunod na kataga: PUCHA ANG SAKIT!

I think my whole world just crumbled once again with just a mere hello.

Parang nabasag ulit ako. Akala ko kasi okay na ko. Akala ko kasi ayos na eh. Akala ko matibay na ko eh. Akala ko kasi sapat na 'yung 3 taon na pagtapal ko ng scotch tape, band aid (at kung anu-ano pang metaphor na pwedeng gamitin) para lang mabuo ulit ang sarili ko.

Pero, pucha!

Hello.

Isang hello lang.

Paker.

Wasak ulit ako.

Nabasag ulit 'yung salamin – 'yung sarili ko – na dahan-dahan kong pinagtagpi-tagpi. Pero sa pagkakataong ito mukhang wala ng pag-asang mabuo pa ulit ang salaming ito dahil lang sa puchang hello na 'yan.

Hello lang. Such a harmless word... but it was enough to open the wounds I've worked so hard to heal in the past 3 years of my life. Ang hirap ipaliwanag. Ang hirap idaan sa salita. Ang bukod tanging magagawa ko lang ay ihalintulad ko lang siya sa pagpapa-wax. Oo, tama! Para kang nagpa-wax sa parehong legs at underarms (pati Brazilian wax isama na natin) tapos sabay-sabay hinaltak. Wala man lang sabi-sabi. Binunot lahat without anyone giving you a heads up – walang warning-warning. Basta bunot agad! Hindi ka prepared! Hindi mo alam kung anong ARAY 'yung gagawin mo.

Ganun.

Mamimilipit ka sa sakit 'di ba?

Oo mga kapatid! Ganun nararamdaman ko ngayon!

"OH!" I gasped, faking the enthusiasm. Kahit 'yung totoo, I was shaking. I was breaking into million pieces right in front of my friends. "SEF! IKAW PALA 'YAN! KAMUSTA? HAHA." Sabay tawa nang malakas. 'Yung malakas na malakas. 'Yung tipo ng tawa na abot hanggang sa langit.

Pero hindi umimik si Sef.

No response. There was only dead air from the other end.

It was the longest, unbearable silence in my entire life.

I could feel my ear burning. I was anticipating for Sef to respond. Alam ko... kahit mahirap aminin... I wanted to hear his voice again. After 3 years ngayon ko na lang kasi ulit narinig boses niya.

"I want to speak to Japo." Si Sef. Si Sef! My heart was drumming wildly, anticipating for him to say more. "Pakibalik na lang ulit sa kanya 'yung telepono." There was poison in Sef's voice - a poison that was enough to make my heart stop beating. He didn't even acknowledge me. Hindi man lang niya binanggit pangalan ko. I wanted to tell him, ako 'to! Ako 'to! Si Ellie!

Anakshuta! Sa sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko nga alam kung pa'paano ko pang nagagawang huminga.

Sa sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung bakit buhay pa ko.

The lump in my throat was getting more painful by the passing minute. Pinipigilan ko pa rin 'yung mga luhang kanina pa gustong kumawala.

In that moment, someone carefully rested a hand on my shoulder and tactfully took the phone away from me. "Hey, bro! How are you doing? It's been a long time. Si Nico 'to!" 

LOVE-NOT: Ang Pag-ibig Kong Ayaw Na Ayaw Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon