IX. Dear, Tol... (Part 1)

2.5K 123 45
                                    

Beatrice Gong-gora Natividad

The freezing gust of wind of Baguio City was not helping at all! It didn't help to calm me down, instead it made me feel extremely stupid.

Ang tanga-tanga mo Borge!!! Ni hindi mo man lang naitanong kung anong pangalan niya?!?! Ni isang letra hindi mo man lang alam?!?! Ano ka ba naman 'te?!?! Hindi naman yan yung gusto mo di ba? Bakit mo naman sinuko agad-agad ang Bataan? Kailan man hindi sumagi sa isip mong makipag-one night stand!!! Ang tanga-tanga mooooo!!! Gaaaah!!!

I wrapped my arms around me as I aimlessly walked by the road. Sobrang lamig! 'Yung manipis na barista uniform ko lang yung suot ko. Sa kakamadali kong umalis nung kwarto hindi ko na naisip kumuha ng jacket.

Ang pinaka masaklap. Wala man lang akong dalang pera. At medyo malayo-layo pa ata ang lalakarin ko pabalik dun sa hotel. I heard my stomach grumble. Lamig. Gutom. Pagod. Fvck, I love my life!!!

Unti-unting nag-sink in sakin yung mga pangyayari kagabi. Ang sabog ko! Sobra. Haha. Hindi ko lubos akalain na magagawa ko yun. Hahahaha. Isa kang malaking tanga Beatrice Gong-gora Natividad!!! Pakiramdam ko nagkasala ako... ano ba, tapos na yun. Tapos na! Nangyari na bes! Wala ka ng magagawa! Move on!

At least gwapo siya di ba? Hahahaha. I suddenly remembered his lips & the way he kissed me like he would devour me. Uminit bigla yung mga pisngi ko. Hala siya!!! Ano yan Borge? Naging maniac ka na? Ganern? Paker. I shook my head, and slapped my cheeks a little.

Buti na lang talaga gwapo siya! Aba, it's not everyday you get to sleep with a handsome guy! Ayan. Ganyan. Ganyan ka dapat mag-isip. At least, hindi mo kailangan ma-attach, so hindi ka masasaktan.

But without me realizing it, I was already crying. I cried and wiped my eyes, and cried some more. Puro kagubatan lang naman nakakarinig sakin eh.

Sa totoo lang hindi ko alam kung pa'paano nagagawa ni Ellie na huwag umiyak. Siya lang 'yung kilala kong kayang sarilihin ang lahat ng bagay kahit sobrang nasasaktan na siya. Yun talaga ang isang bagay na pinagkaiba namin ng babaeng 'yun. Ako? I don't know how to bottle it up. I just cry when I'm hurt or when I'm sad.

Honestly, at this point I have mixed emotions. Mostly, galit at disappointed ako sa sarili ko. Para bang tumalon ako sa bangin at hinihintay ko na lang yung pagbagsak ko.

I stopped walking, dropped on my feet... iiyak pa sana ko kaya lang bigla namang nag-ring 'yung cellphone ko. Kainis. Panira ng moment.

I grabbed my phone from my back pocket and saw Ellie's name.

I cleared my throat first and wiped the tears on my eyes before answering her call. "Tol!"

"Tooool!" As usual, parang batang sobrang excited na narinig niya boses ko. Ganyan naman yang si Eleonor. Laging excited sa lahat ng bagay. Katunayan I felt relieved to hear her voice. I don't feel so lonely anymore. "Asan ka?" I suddenly heard the urgency in her voice. Para bang kailangang kailangan niya kong makita.

"Aahh. Bakit? May problema ba?" I asked, slightly feeling concerned. "Nasa ano..." I stammered, looking for an excuse. "Nasa Baguio ko tol, eh." I figured I don't have to lie about that one.

"Ang aga mo naman magbakasyon!" Napa tawa ko. Bakasyon? Kung alam lang niya! I was shaking in the cold. At gustong-gusto kong sabihin sa kanya lahat. Lahat-lahat. Gusto kong humagulgol ng iyak kay Ellie sa mga oras na yun. At gusto kong sabihin sa kanyang, 'Tol, tulungan mo ko! Nalulunod ako. Sagipin mo ko!' I wiped the tears that freely flowed down my face. Alam ko na kahit hindi marunong lumangoy si Ellie, she would dive in the deepest ocean the moment I tell her to save me from drowning. "Tol, kelan uwi mo? Pwede ba tayo magusap?" She paused. Nawala bigla yung excitement sa boses niya. "Gusto ko in person, tol."

LOVE-NOT: Ang Pag-ibig Kong Ayaw Na Ayaw Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon