VIII. Pag-asa!

3.1K 142 56
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Isa talagang malaking palaisipan sa'kin kung ano kaya ako noong past life ko.

May posibilidad kaya na isa akong alipin ni Cleopatra noon sa Ehipto? O baka naman isa akong dukhang manunulat mula sa Roma na nawala at napadpad sa India? O kaya naman isa akong monghe na pinalayas sa templo?

Teka nga Elyonor, bakit mo naman agad inassume na isa kang tao noong past life mo? Malay mo isa ka palang napaka ganda at malnourished na ipis. Hahaha. Oo! Tama! 'Yung tipong mala-rainbow color pa 'yung kulay ng mga pakpak mo!

Oh 'di ba? Ang lawak ng imahinasyon ko?

Ang akin lang naman mga kapatid eh... I must have done something wrong in my past life, something unacceptable. Bakit naman kasi wala akong nakuhang ni isang TALENTO sa mundong 'to? Wala. Walang-wala talaga! Nakaka-frustrate!

Animales na buhay 'to oh! Bakeeeet?

"OH! JUSKO! ANO BA NAMAN ITO 'DI BA? LANGHIYAAAAAA!" Feel na feel ko pa ang pag-sigaw dun sa mic. Kahit wala ako sa tono todo pa rin ako sa pag-birit! Walang basagan ng trip! Haha. Wala akong pakialam kahit mabasag eardrum ng mga kaibigan ko. Libre ni Ken ang KTV na 'to! Kailangan sulitin! "NAGMUKHA AKONG TANGA! PINAASA NIYA LANG AKO!!! LECHENG PAGIBIG TOOOOO!"

"May hugot lang, Ellie? May hugot?" Banat naman agad ng birthday girl na si Meg. Nakatutok 'yung cellphone niya sa'kin. Kumukuha 'yan ng video para sa snapchat o insta story.

"SABI NIYA AYAW NIYA MUNANG MAGKASYOTA! DEHINS AKONG NANIWALA!" Tuloy naman ni Kenneth Paolo Fernandez habang hawak-hawak ni Jill 'yung mic para sa kanya. Nasa tono naman siya. Katunayan 'di hamak na mas maganda boses niya kesa sa'kin. Haha. "DI NAGTAGAL, NAGING GANUN NA RIN ANG TEMA! KULANG NA LANG ANG SAGOT NIYA!" Sa parteng 'yun malagkit ang mga tingin niya kay Jill. Parang nagpapa-cute na ewan.

Jill pouted, though smiling still. I've never seen her look so happy and confident and inspired and so in love. Jill playfully smacked her hand on Ken's cheek, forcing him to look away from her. Noon, 'yung Jill na kilala ko hinding-hindi magagawa 'yan. Siya 'yung tipong hindi makagalaw kapag nandyan si Ken. Ngayon? Look at them. They look so comfortable together. Wala na 'yung hiya effect between them. Sa totoo lang, I didn't know when it started... ako ata pinaka huli sa balita sa aming magbabarkada. Ako huling naka-alam na pumoporma si Ken kay Jill. Kung hindi ako nagkakamali they started going out a year after ng graduation.

Oo nga pala, medyo na-overwhelm kasi ako pagkarinig ko nung boses ni Sef kanina dun sa resto. Sorry naman! Hindi tuloy ako nakapag-chismis masyado sa inyo.

Kenneth Paolo Fernandez is now working as an accounting professor in MUP. Oo, kabilang na siya sa hanay nung mga binabansagan naming terror na mga prof noong freshman years namin. Haha. Ang galing nga niya eh. Hindi ko talaga lubos akalain na titino ng ganyan 'yang si Ken. Siya kasi 'yung parang walang kaplano-plano sa buhay dati. Haha.

Si Jillian Martinez naman auditor sa isang malaking accounting firm, but at the same time she's taking her Masters at MUP. Siya lang ata sa'min ang kumuha ng boards at ang natatanging CPA. At ayun. Nagkikita ata sila sa MUP. At doon sila mas lalong naging close na dalawa.

I'm actually happy for them. It feels nice to see two of my closest friends like this. 'Yun bang meron pa rin palang magagandang bagay na nakapalibot sa'kin... despite the turmoil and chaos that's going on in my personal life.

Eh ikaw kaya Ellie? Kamusta naman ang lovelife mo? Kailan mo balak mag-move on? Excuse me. Excuse lang 'no? Matagal na kong nakapag-move on! At pwede ba hindi lang lovelife ang mahalaga sa mundo!!!

"Guys," Biglang tumayo si Japo. All of a sudden, he looked too exhausted. "I need to go. Kailangan na ko dun sa bar." Paker. Oo nga pala. John Paul Sy Crisostomo used to be head-over-heels crazy in love with Jillian Martinez. Kaya lang kasi isang dakilang torpe itong si Japo. Kaya ayan tuloy... naunahan na siya ni Ken at lahat-lahat, wala pa ring kamalay-malay si Jill na may gusto sa kanya si Japo. Kita niyo na? Animales na lovelife 'yan! Ayoko na niyan! Masaya na ko sa law school at sa trabaho ko sa Mt. Park Corp. "Nico, you good to go bro?"

LOVE-NOT: Ang Pag-ibig Kong Ayaw Na Ayaw Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon