XIII. Tokwa't Baboy (Part 3)

5.1K 151 146
                                    

NOTE: Para sa eksena nila Ellie at Nico -- kindly refer to Love-Nat: isang makulit na lovestory (Book 1), Chapter 20. Burger Trouble, para mas ma-picture out niyo 'yung eksena. :) Tinatamad akong i-copy paste dito eh. HAHAHAHA. 

--------

Chapter 13. Tokwa't Baboy (Part 3)

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Alam mo... nakakatawa... kasi kapag nasubukan mo palang mag-mahal at masaktan nang sobra, you won't be the same person ever again. Kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik 'yung dating ikaw.

Madalas akong nauubusan ng salita. Madalas akong nawawalan ng isusulat sa nobelang 'to.

I used to love writing. Lahat kasi naibubuhos ko sa pamamagitan ng pag-sulat ng simpleng tula o nobela. Lahat ng gusto kong ipahiwatig sa mundo nadadaan ko sa pamamagitan ng mga titik at pagtabi-tabihin ang mga alpabeto hanggang sa makagawa ako ng larawan, ng tula.

Ngayon? Para bang parusa ang mag-sulat ng tula. Para ba akong nagluluksa sa tuwing gagawa ako ng istorya.

Lintek na 'yan! Hindi lang pala puso ko 'yung ninakaw ni Miguel Josef Uy Monteverde, pati pala 'yung mga letrang nagpapasaya sa'kin tinangay niya.

Oo.

'Yung mga letrang nakakapagpangiti sa'kin dati ay 'yung mismong mga letrang nagpapaiyak na sa'kin ngayon.

Siguro nagtataka ka kung apektado pa rin ako hanggang ngayon bakit ko pa rin pinilit isulat 'tong Love-Not? Bakit kailangan ko pang pahirapan ang sarili ko ng paulit-ulit? Bakit ba hindi na lang ako mag-move on at kalimutan ang lahat? Bakit ba... pucha, ang sakit-sakit pa rin hanggang ngayon?

"Ellie..."

Nakatitig ako sa kawalan habang naka-upo sa bench ng MUP field. May mga freshmen na naglalaro ng soccer nung mga sandaling 'yun. Pero para kong nanonood ng isang lumang pelikula. Ang nakikita ko sa gitna nung field eh 'yung college version ni Miguel Josef Uy Monteverde. 'Yun 'yung version niya na halos kakakakilala pa lang namin at para kaming aso't pusa na laging nagaaway. 'Yun 'yung Sef na walang humpay sa kakatawag sa'kin ng Clown (oo, binansagan niya kong Clown noon!). 'Yung Sef na umaapaw sa self-confidence. 'Yung Sef na nag-tanggal ng tshirt niya para mag-laro ng soccer.

Tumakbo 'yung version na 'yun ni Sef sa field at isinigaw 'yung mga katagang hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin: "Oy, Eleonor Malicsi Dimaculangan! 'Yung date natin sa sabado ah! 'Wag mong kalimutan!"

"Ellie..."

Of all the memories I have with Sef, talagang 'yung eksena na SHIRTLESS siya 'yung nakatatak sa utak ko 'no? Haha.

"Ellie..."

I snapped out of my reverie when I realized that Ralph Nico Villaflor literally shoved his face in front of mine. Kamuntik na kaming magkapalit ng mukha! Dios mio! Nagulat ako at napa-upo ng maayos.

"Kanina pa kita tinatawag." He said, softly tapping me on my head like I'm a small puppy. "Pwede bang sa'kin lang ang atensyon mo, Miss Dimaculangan?" Tanong niya. Nakangiti naman si Nico pero walang bakas ng biro sa mga titig niya.

Hindi ako nakaimik. I simply casted my gaze on the floor, unable to look him in the eye.

Umupo siya sa tabi ko. Nag-bukas ng bottled iced tea at saka inabot sa'kin.

Aayaw sana ko eh. Pero sayang naman 'yung effort niyang buksan 'yun 'di ba? Haha. Sabihin mo Elyonor, marami ng nag-bago sa'yo... pero isang bagay lang ang mananatili sa'yo -- 'yang ugali mong kailan man eh hinding-hindi makakatanggi sa PAGKAIN!!!

LOVE-NOT: Ang Pag-ibig Kong Ayaw Na Ayaw Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon