Chapter 15

13 1 0
                                    

She looks so perfect. Naglalakad ako palapit sa kanya. She was feeling the water with her feet.

"Carli." Tawag ko sa kanya nung nakalapit na ako.
"Hi, Martin!"

Hindi ko alam ano pang sasabihin ko sa kanya kaya umupo lang ako sa shore at naaabutan na ng tubig yung paa ko.

She walked towards me.
"Are you okay?" Nagulat ako sa tanong niya. Umupo siya sa tabi ko. I miss you, Carli.

"Yup. Namiss lang kita." Bulong ko na bigla akong kinabahan. Eto na naman ako eh.
"Ha? Ano sabi mo?" Buti nalang di niya narinig.
"Wala. Kumusta?" She smiled and nodded.
"You know what, feeling ko talaga may problem ka but you don't wanna tell me, which is okay, pero I'm your friend and I am here to listen." Hinawakan niya yung kamay ko pero agad kong inalis at pinantapik ko sa balikat niya. Ayoko sanang alisin pero mahirap na.

"What would you do if." I am going to kiss you right now kase sobrang lapit mo at miss na miss na kita. Taena. Ano na naman tong naiisip ko.

Hindi siya kumibo at hinihintay lang niya akong magsalita.
"Paano pag yung taong mahal mo may mahal ng iba kasi hindi niya alam na mahal pa rin siya nung dati niyang mahal?"
"I'm confused." Kumunot noo niya. Napangiti ako.
"May girlfriend ako noon pero we decided to break up kahit mahal namin isa't isa because of reasons na alam naming tama and then nag-agree kami na hihintayin ko siya until maging ready kami pero nagkadistance at nawala na yung communication namin kaya akala ni ex, hindi ko na siya mahal. May iba na ngayon si ex. Pero mahal na mahal ko pa rin siya." Mahal na mahal pa rin kita. Ang bigat ng dibdib ko. Shit.

"Bakit nawalan ng communication?"
"It's my fault. I was so selfish and immature that time kaya naglagay ako ng space kasi akala ko kailangan namin. Lumaki ng lumaki yung space hanggang sa wala na. I regretted it and I know I still love her." Tinignan ko siya sa mata.

"Sobrang mahal na mahal pa." Kita, Carli.
"Pero kasalanan ko naman. Hindi ko alam kung mahal pa rin niya ako. Ano sa palagay mo?" Mahal mo pa rin ba ako?

"Why not tell her? Baka she opened her doors to someone else kasi nainip siya sayo? It's not all about waiting kasi for her lalo na if the girl was really broken and somebody mended her, and then she found the love she needs. Nahiya rin siguro si girl mag-approach kasi ikaw yung nag-put up ng space."

I smiled at her. Taena. Gusto ko siyang yakapin. Pag ba sinabi ko sayo, anong mangyayari?

"Pero sabi mo nga you regretted it already. Maybe talk to her about this? Tell her na you are sorry and you wanna let things off of your chest kasi that's sad. Sabihin mo mahal mo pa siya. Do you expect to win her back?"

Mababawi pa naman kita kay Gab diba? I shrugged.

"Kung hindi ka sure, mag-usap nalang muna kayo. Malay mo mutual at akala niya hindi mo na siya mahal kaya nag-open ng doors. Ang problema lang, she's committed already. She might break up with the guy and be with you pero I don't think she'll risk it lalo na kung nag-usap lang. You can't win her back with words. You can also have closure. Kasi malalaman mo kung mahal ka pa o hindi at least magkakapeace of mind ka at makakamove on kasi alam mo na."

I cannot put you in that situation. Napabuntong hininga ako.

"Thanks, Carli. Okay din talaga na may nakakausap na babae."
"Anytime." Nginitian niya ko. Iniayos ko yung buhok na nasa mukha niya at nilagay sa likod ng tenga niya. I love you, Carlisle.

"Okay ka lang?" Nabalik ako sa katotohanan nung hinawakan ni Carli kamay ko at dahan-dahang inalis sa pisngi niya. Shit. Hawak ko pala mukha niya.
"Ay. Sorry. Thanks ha. Okay na muna siguro to."

Di ko kayang mahirapan ka ulit lalo na ngayong nakikita ko gaano ka kasaya kay Gab.

Tumayo ako at maglalakad na palayo sa kanya pero tinawag niya ko.

"It's not okay, you know. Just talk to her. Close mo yung gap na ginawa mo then you'll understand. Para di ka tormented. Here, you need this."

She hugged me. Gusto kong maiyak pero taena hindi pwede. Niyakap ko siya. I miss you, Carli. Mahal na mahal pa rin kita.

"I'm sorry." I hugged her tight. Sorry talaga. Paano ba kita mababawi? Galit ka ba sakin?
"Okay lang, ano ka ba? Kuya Gelo and Gabby hug me when I'm sad. Nakakatulong." I nodded and let go. Nadudurog lalo puso ko. So near yet so far na set up ko. Tang ina.

Ngumiti ako sa kanya at nakita ko si Gab na nakatayo mga 15 feet away pero tumalikod siya at naglakad palayo.

"Samahan mo muna ako. Wala pa si Gab."
"Sige. Magsuswimming ka ba?" Malamang. Anong gagawin niya diba?

"Yup."
"Wag ka masyadong lalayo para agad kang makita ni Gab." Para malapit ka lang din sa akin.

Para akong kuya na nakabantay sa kapatid na nagsuswimming.

May dumampi na malamig sa balikat ko. Pag tingin ko, si Gab. Inaalok ako ng beer.

Nag-wave sa kanya si Carli at tinaas niya yung bote ng juice na dala niya. Oo nga pala, hindi umiinom ng alak si Carli. Medyo awkward lalo na nung tumabi sakin si Gab saka wala kasing nagsasalita sa aming dalawa. Pucha.

Napapabilis tuloy pag-inom ko ng beer.
Lumapit si Carli at tumabi kay Gab. May twalyang binalot si Gab sa kanya. Teka, ilan ba kamay neto at nakapagdala siya ng apat na beer, twalya at isang bote ng juice?

"Ang lamig. Di ka magsuswimming?"
"Hindi na. Sinusundo talaga kita kasi late na."
"Anong oras na ba?"
"Eleven." Ang tipid sumagot ni Gab. Uminom si Carli ng juice at nagpaalam kay Gab na bigyan pa sya ng 10minutes para lumangoy-langoy.

"Thanks." Nag-kiss siya kay Gab sa lips. Napainom ako ulit ng madami sa pangalawang lata ng beer ko. Tang ina. Nakakaselos.
"Ang alat mo. Hehe." Tang ina mo, Gab. Inom ulit ako. Tae. Di na nga inom ginagawa ko eh, lagok na.

Nagsalita si Gab nung nasa tubig na ulit si Carli.
"Ang hilig niya mag-kiss."
"Ha? Ah. Si Carli?" Malambing talaga siya.
Tumango-tango si Gab habang umiinom ng beer.

"Paps, sorry. Di ko siya kayang bitawan. Babawiin mo na ba?"
"Gago, wala naman akong pinahiram sayo na babawiin ko." Tsk. Para akong ninakawan eh.
"Bakit di mo hinanap?"
"Ewan." Bakit nga ba? Ah, kasi gusto kong ayusin sarili ko para pag hinanap ko siya at makita ko siya, hindi na ko aayawan ng pamilya niya.

"Mahal mo ba siya, Gab?"
"Oo naman. Okay lang naman diba?" Pucha. Ano, o-oo ba ako o hihindi? Tang ina mo, Gab.
"Masaya si Carli eh. Pano pag bumalik na alaala niya?"
"Ewan. Saka ko na poproblemahin kapag bumalik na."
"Tss. Gago. Kunin ko siya sayo pag naalala na niya."

"Ah, sige. Sigurado ka ba na hindi ka niya mahal ngayon kasi may amnesia pa siya?"
Tss. Nakakabwiset. Walang bahid ng pangpo-provoke yung mukha niya. Parang bata lang siyang nagtatanong out of curiosity.

"Baka naman wala na talaga sa kanya?"
"Alin?" Tsk. Nagtanong pa ko eh alam ko naman anong tinutukoy ni Gab.
"Baka di ka na niya mahal bago pa nagka-amnesia?"
"Tang ina mo, Gab." Tumayo ako at naglakad na palayo. Nakakashit talaga yung ugaling ganito ni Gab.

For the First Time AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon