Chapter 4

8 1 0
                                    

Parang siya pa rin yung Chiarlene nung high school kami. Mas maganda at matured lang siya ngayon.

Ngayon na lagi kong kasama si Chiarlene, naiintindihan ko na kung bakit di siya kayang ipagpalit ni Martin sa ibang babae.
Gugustuhin mo pala talaga siyang pakasalan. Lalo na kapag nasa condo niya ako, sobrang maasikaso siya. Sobrang saya ko lang pero sobrang risky lang din.

Si Martin. Nakausap siya ni Martin sa phone pero di nakapagreact si Martin kaya kinuha ni Drei. Alam ni Drei set up ko ngayon. Alam din niyang lagi kaming magkasama ni Chiarlene. Siguro 2 months na rin since nagsimula ako manligaw.

"Hi, napatawag ka?"
"Ah, Gab. Okay lang bang humingi ng favor?"
"Oo naman. Ano ba yun?"
"Alam mo ba papunta ng Pangasinan? May site kasi doon and I need to visit kaso--."
"Sige, I'll take you there. Kailan ba para makapag-leave ako?"
"Oh gosh. Thank you! I'll call you later. Bye!"

Nag-end yung call at umakbay sakin si kambal.
"Bro, be ready lang pag nagkita kayo ni Martin ha. Matanda ka na. Di sa kinukunsinti kita pero nakikita ko naman na masaya sayo si Chiarlene."
"I know. I know. Salamat, Drei."
"Siguro oras na rin para i-explain mo kay Chiarlene kung anong dapat niyang iexpect if bumalik alaala niya. Eto, kambal, real talk, pag bumalik alaala ni Lene at dumating na rin si Martin sa buhay ni Lene, sobrang maiipit si Lene. Si Lene yung magtatanong kung bakit nagkaganyan."

Bigla kong naalala yung nangyari nung gabing nag-stay ako kay Lene.
Martin called me and she answered my phone. Nasabi rin sakin ni Drei na sobrang nablangko si Martin nung narinig niya boses ni Chiarlene kaya kinuha ni Drei yung phone at narealize nga ni Drei na si Chiarlene yun.

Narecognize niya boses ni Chiarlene. Damn. Kahit ilang taon na dumaan, kilala pa rin niya kahit boses lang. Pano pa pag nakita niya si Lene. Pinagtakpan lang ako ni Drei noon. Pero di na raw ako makakaulit sabi ni kambal. Tsk. 'Wag muna ngayon please. Akin muna si Lene. Wala akong pakialam kung selfish ako ngayon, masaya si Lene eh. Pag nagkagulo, at mako-confuse na si Lene, mahihirapan na kaming lahat.

Nagvibrate phone ko. Nagtext si Lene.
"Doc, I have MRI later and dinner with Kuya. Sama ka if you're free please. Meet nalang tayo sa hospital."
"You can stay overnight too. Bring your stuff. I baked something last night. You should try it!"

Syempre sasama ako. Di naman bago sa kuya niya na nanliligaw ako kay Lene. Natutuwa pa nga siya at pumayag daw si Lene na magpaligaw.

Tinawagan ko siya.
"Lene, anong oras ako pupunta sa hospital?"
"3pm. Sorry short notice. Ngayon ko lang din kasi naalala nung nag-alarm reminder ko." Medyo nagiging makakalimutin nga siya recently.
"Next time sabihin mo sakin sched ng mga follow up mo or even diagnostics para maremind din kita."
"Yes, doc. Thank you. Uy, may meeting pa ko. I'll call again later. Mwa!"

Impake na naman ako ng mga uniforms. May mga iniwan na nga akong damit sa kwarto ni Lene eh. Parang bahay ko na rin tuloy.

---
Pagdating ko sa ospital, andun na siya. 2:45 pa lang naman.
"Hi, Lene."
Ngumiti siya sakin at humalik sa pisngi ko. Sana ganito pa rin siya sakin kahit bumalik memories niya.

"Sabi ni Dr. Uy, baka daw di na talaga bumalik memories ko lalo na sobrang konti lang daw ng mga memories na bumabalik-balik sa akin."
"Hm, good thing ba or bad thing yun sayo?" Kita ko naman na malungkot talaga siya.
"Ewan ko. Medyo nanghihinayang, pero sa 6 months ko dito, I feel satisfied with my life. I have a great career, good family, saka syempre I have the best and handsome doctors like you and kuya."

"Flattery."
Bigla niya kong hinampas sa braso. Tinawag na pangalan niya kaya iniwan niya sakin mga gamit niya.
Sobrang tagal ko na nga ba siyang tinatago sa barkada?

For the First Time AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon