Chapter 16

19 1 0
                                    

Binalutan ko siya ng twalya at hinalikan sa noo.

"Alat mo talaga."
"Kasi nagswimming po ako sa dagat, doc."
Bumungisngis siya sakin. Ang cute niya.

"Pagod ka na ba?"
"Hindi pa naman. Why?"
"Ayain sana kita somewhere. Uwi din tayo ng mga 4am."
"Uy, ang late naman! Pero sige, anywhere with you." Hinawakan ko kamay niya at hinalikan. Gagawin ko lang yung promise ko sayo noon.

"Tayong dalawa lang ha? Shower ka muna pag okay ka na, alis na tayo. Dalian mo."
"Aye, aye, captain!" Sumaludo siya sakin at pumasok sa banyo.

Bahala na. Basta pinangako ko sa kaniya na babalik kami doon pagdating niya dito.
Napaisip ako. May dapat nga ba talaga akong ibalik kay Martin? Hindi ba pwedeng akin nalang siya? Ninanakaw ko ba si Lene?

Narinig kong kumakanta sa loob ng banyo si Lene habang naliligo pero hindi mawala sa isip ko yung kanina. Di ko nakita sa mukha ni Martin na galit siya. Mukha lang talaga siyang nagsisisi.

Ano nga bang gagawin ko pag bumalik n memories niya? Anong gagawin ko pag nagalit siya at kinamuhian ako dahil tinago ko sa kanya? Medyo nalungkot ako dahil wala akong nakahandang solusyon pag dumating na sa puntong yan. Sa ngayon, natatakot ako na mangyari iyon.

Lumabas siya sa banyo na nakatwalya lang at lumapit sakin. Nagulat ako nung dumantay sya sa balikat ko.

"Kasali ba ko sa iniisip mo?"
"Oo nam--." Natigilan ako nung makita kong nakatwalya lang siyang nakaupo sa tabi ko. Napatitig ako sa binti niya.

"Matutunaw legs ko, Gabby." Humalik siya sa pisngi ko at kumuha ng damit sabay pasok sa banyo.

Bigla akong di makapag-isip ng maayos. Eto na naman siya. Nakatwalya na naman siyang lumalapit sa akin. Nainitan ako bigla. Shit. Calm down, Gabriel. Hindi ito ang tamang oras sa kung ano mang naiisip mo ngayon. Kalma. Huminga ako ng malalim.

"Gabby!"
I saw her standing in front of me. Napatingin ako sa binti niya. She's not wearing pants. Nakadress siya.

"Okay ka lang? Kasi kanina pa kita inaaya, di ka kumikibo. Oh ano? Let's go?"
I nodded. Binatukan niya ako bigla.

"Nasa binti ko ba mukha ko?" Napatawa ako sa statement niya at tumayo para yakapin siya.
"Hindi ka na naman umiimik. What are you thinking?"
Umiling ako. "Ikaw lang." Humalik ako sa pisngi niya.

"Let's go? Tara na, tara na baka kung ano na naman pong mga kaganapang di inaasahan ang maganap."

I chuckled and she flashed a smile.

"San tayo?"
"Somewhere. Basta, trust me."
"Oo naman. Ikaw pa ba?"

Kinurot niya pisngi ko at nauna na siyang lumabas. Pinagmamasdan ko siyang nauunang maglakad kesa sa akin. Natatakot akong mauntog siya. Baka maalog bigla utak niya at bumalik yung dati at magalit siya sakin, di pa ako handa.

"Why are you smiling?"
Napatingin ako sa kanya habang nilalagay seatbelt niya.
"I'm smiling?" Nangingiti nga ba talaga ako?
"Yes, kahit kanina pang naglalakad ta--." I didn't let her finished and I kissed her. Kanina ko pa gustong gawin sa kanya to.
"Hey!" Hinampas niya ako ng marahan sa braso.
"Hmm. One more."
I didn't wait for her response, I just started kissing her.

I pulled away. Napangiti ako kasi namumula siya.
"One more." Akmang hahalik na ako, tinakpan niya bibig niya ng kamay niya.
"No more. Tara na." I chuckled. Para siyang nahiya bigla sa akin.

I started driving. Walang umiimik sa aming dalawa. Siguro mga 10minutes ding walang nagsasalita sa amin. Pag tinitignan ko siya, kinakagat lang niya lower lip niya at medyo napapangiti lang siya. Para kaming baliw na dalawa, ngumingiti kahit walang nakakatawa.

For the First Time AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon