Chapter 2

12 1 0
                                    

Text ng text si Riel sa phone niya.

"Hoy, Riel. Alam ko namang gusto mo si Chiarlene pero 'wag ka munang kumilos. Di pa alam to ni Martin."

"So? Anong dapat kong gawin? Palampasin ko ulit to?" Iritang sagot niya.
"What the f*ck, dude? Si Martin yun. Nakita mo naman anong ginawa-gawa ni Martin nung nawala si Lene eh."

"It's none of my business."
"Hoy, nakinig ka ba sa sinabi ko? Bro code, kambal. Bro. Code."

"Bahala ka sa buhay mo."
P*cha. Iniwan niya ko. Wtf. Hahaha.

Akala ko late na kaming dalawa pero hindi pala. Mas late pala si Martin dahil wala pa siya.

"Oh? Kala ko ba andito na si Miggy? Nasan na yung si Juan Miguelito?"
"Sinundo chikas. Hehe. Paparentahan ko na sa kanya yung guest room namin mamaya. Dinadalasan niya pagdadala ng babae dito sa bahay eh."
"Makapagdala nga rin dito." Biro ko pero agad naman akong binatukan ni Ed.

"Si Migz, dalawa palang dinadala niyan dito pero madalas. Ikaw, baka araw-araw iba."
"Grabe ka naman!"

"Pano kung ako magdadala ng babae dito, paps? May promo ba?"

"Free breakfast, lunch, snacks at dinner, Gab. First night's on me din."
"Ayos pala eh." Nag-fist bump silang dalawa at nagsimula nang kumain si kambal.

Seryosong wala siyang pakialam. Casual lang siyang kumakain at nakikipag interact kay Ed. Kumuha pa ng beer si Ed. Nung inalok niya ako, agad kong tinungga.

"Drei, laki ata ng problema mo?"
"Nakakita yan ng chix na di niya pwedeng galawin." Ngumisi pa si loko.

"G*gu. Umayos ka, Gab ha."
Bigla niya kong tinaasan ng middle finger. Tsk.

Magsasalita sana ako pero biglang pumasok na sa bahay si Martin at si Migz.

"What's up, bitches?! Hahaha!"
Tuwang tuwa si Migz na nakipag-high five aming lahat.
"Hoy, kala ko ba may susunduin kang chicks?"

Inakbayan niya si Martin.
"Eto, chicks ko." Hinalikan pa niya sa pisngi si Martin. P*ta.
"Iba na pala preference mo?"
"G*go, Drei. Kahit itanong mo pa kay Ed kung gano ako kadalas dito. Hahah!"

Tinabihan ni Martin si kambal. Nyeta. Mag-aaway din kayo.
"Daming plates ba, Marts?"
"Oo, dalawang araw na ko walang ayos na tulog." Inalok bigla ni Riel ng alak si Martin.

"Tulog ka muna p're. Hirap din pag mademand kasi kliyente mo."
"Hindi na. Pumunta nga ko dito kasi andito lahat eh."
"Sweet naman talaga ni Martin! Pakiss nga ulit." Akmang hahalik na si Migz, binatukan siya ni Ed.

"Migz, kung type mo si Martin kausapin mo kami. Ok lang naman samin kung nababakla ka na eh. Tropa pa rin pero walang talo-talo."
Napatawa ako ng malakas.
Si Gab ininom lang yung beer nya.
Si Martin natatawa tawa nalang.
Si Migz dinidipensahan ang sarili sa pagiging straight niya.

"Miggy, mas okay mga babae. Gwapo tayong lahat dito pero napapansin naming iba ka kay Marts eh." Panloloko ko sa kanya.
"Mga ul*l! Eh malungkot kasi tong si Marts eh. Chini-cheer up ko lang!"
"Pareho na ba ang pagchi-cheer up at pangmamanyak?" Banat ni doc.

"P*kyu all! 10 times."
"Bigyan nga natin ng babae tong si Marts. Baka need lang ng chikas. Ilan ba gusto, Marts?"
Pinakitaan namin siya ng mga pics ng mga girls namin. Natawa lang siya at umiiling.

"Isa lang gusto niyan. Si Chiarlene."
Natigilan ako. Ah, mali. Natigilan kaming lahat.

"Seryoso ba, Marts?" Miggy. Yung mukha niya parang inagaw sa kanya si Martin.
Tumagay muna si Martin bago nagsalita.

"Ewan ko. Sinubukan ko naman eh. Pero wala kasi sa kanila yung feeling na pwede kong uwian anytime. Wala kasing nag-aalaga tulad niya."
"Eh di ikaw mang-uwi. 'Wag ikaw yung uuwi sa kanila!" Migz.
"Open 24/7 tong bahay ni Ed!" Hirit ko.
"Binababoy niyo bahay ko."
"Di niyo pa nakikita yun no, Drei? Miggy?" Gab.
"Ikaw ba?" Taena sabay pa kami ni Migz.

Nagkibit-balikat nalang si Gab at tumingin sakin. Oo na. Alam ko tinutukoy mo.

"Nag-live in kasi kayo eh."
Hoy, Gabby. Awat na.
"Umuuwi ka pa ba sa bahay niyong dalawa?" Sabing awat na eh.
"Minsan pag sobrang stressed."
"Wala pa rin bang contact? Si kuya niya? Kay tita? Nakikita mo pa ba si Jonas? Baka sa kanya?" Nag-alala tuloy bigla si Ed. Sunud-sunod mga tanong eh.
"Wala. Kung ilan yang tanong mo Ed, ganun din kadami wala ko. Tsk. I miss her so much." Parang narinig ko rin si Gab sa kanya.

Inabutan na naman siya ni Ed ng bote ng beer.

"Mamatay ko agad sa inyo eh."
"Eh kailangan mo eh." Natatawang sabi ni Ed.
"Kape nalang."
"Ayos ka din eh. Gusto mo pa na gising ka? Hindi nga babae kailangan mo. Tulog kailangan mo, p're." Tinapik ko sa baikat si Martin.

Nabanyo ako at bigla kong naalala.

"Martin! Diba may condo ka sa East Tower?" Dun namin hinatid si Chiarlene!
"Ah, oo. Binigyan na ako nung owner ng space nung dino-drawing palang namin."
"Stay ka nalang dun para di ka masyadong pagod kakabyahe pag stressed ka."
"Samahan niyo ko. Gawin nalang nating tambayan condo ko dun."
"Oo nga. Yun nalang babuyin mo, Miggy. Para makapagpahinga naman bahay ko."
"Ul*l. Hahaha. Sige sige! Kelan ba ko pwedeng maglipat?"

Tumawa bigla si Martin. "Di ko sinabing gawin mong bahay, Migz. Tambayan lang. Sige, gawin ko kayong co-tenants. Penge nalang ng ID's para di kayo guluhin sa lobby."

Sabay-sabay kaming nagpalad ng mga ID's na ikinatawa ng lahat.

For the First Time AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon