Chapter 6

11 1 1
                                    

Ilang taon na rin yung lumipas. Sobrang nagsisisi ako pero wala akong magawa.

Akala ko pagdating niya sa US, tuluy-tuloy yung pagtawag-tawag niya sa bahay. Puro ako 'bukas kakausapin ko na siya'. Siguro isang taon din akong puro ganon. Pero lahat yun sinayang ko kasi dumating ang bukas pero di na kasama noon ang pagtawag niya. Hanggang sa di ko na siya nakausap kasi tumigil yung pagtawag niya. Nawala lahat. Di ko na alam anong nangyari.

Pag nagkakasakit ako, wala na siya para mag-alaga sakin. Wala nang gumagawa ng juice pag may hang over ako. Wala nang nagsasabi sakin na ang kalat ng kwarto ko. Wala nang nagluluto ng almusal ko. Wala na kong naaasar. Walang kumakatok sa kwarto ko. Walang nagtatapon ng teddy bear sakin 'pag umaga. Walang nabubully. Wala na, kasi wala na siya. Wala na siya sakin.

Sinabi kong iimprove ko sarili ko pero siguro mga isang taon bago nangyari yun. Sobrang sama sa pakiramdam na sinayang ko lang yung effort niya.

Nung tumigil siya sa pag tawag, ako pa yung galit sa kanya. Inisip ko pa na ang hina niya, na agad siyang nawalan ng pasensya pero, taena, makapal talaga mukha ko eh.

Nagmove on-move on pa ko. Di ko man lang inisip kung nakapagmove on din ba siya sa pang iiwan ko sa kanya, kumusta na ba siya doon. Pero makasarili ako eh. Kahit na ako talaga yung nang-iwan.

Sobrang dami ng ganap sa mga tao sa paligid ko pero ako, parang tinatangay lang ng oras. Sa drawing lang ako magaling. Haha, shit. Drawing. Kaya pati yung samin ni Carli dinrawing ko lang. Haha ayan tuloy, nabura na ng panahon. Shit talaga. Di ko man lang nakulayan, nasira na ng panahon.

Pwede bang i-drawing nalang ulit? Magtatatlong araw na naman akong walang tulog dahil sa mga plates na ginagawa ko.

"Sir Martin, dapat nagpeprepare ka na sa paglilipat mo sa main. Kami na tatapos dito sa plano. Naayos mo naman na distribution eh."

Pag nakadalawang araw na kong walang tulog, nakaantabay na sakin tong team ko. Pinagpapahinga ako.

"Sir, sobrang hands on mo na naman! Mas pagod pag nalipat ka sa main. Dahan-dahan lang. Pahinga-pahinga din." Eto talagang pinakabata sa team naming si Riri chill na chill palibhasa di pa ganong mabigat workload.

"Sige. Dinner tayo mamaya. Treat ko bago umalis. Inform niyo kahit yung mga naka-off." Inaya ko na sila. Lahat naman ng mga projects na nililead ko, basta natapos tinitreat ko sila. Para di ako iwan. Hehe. Pero may one month pa ko bago pumunta sa main. Kailangan ko raw kasi magtrain at mag-screen kung sino dapat ipalit sa pwesto ko.

"Yun oh! Kaya di kami pumapayat dito, sir. Pinakamadaming kaen at projects team natin eh." Di naman ako aalis dito kung di ako nirequest ng VP ng main eh.
"Mamimiss namin to, sir!"

Kung andito kaya si Carli, masaya kaya siya sa mga nagagawa ko?

Nung matapos ako, nagpaalam ako sa grupo ko at humiga na ako sa sofa ng office ko. Kailangan ko na ng tulog. Mamaya na ko kakain. Naalala ko na naman si Carli. Pag di ako kumakaen siya nagpeprepare ng makakaen ko eh. Taena. No gutom days noon. Ngayon puro gutom days. Taena talaga. Mas masarap pa kasi matulog ngayon kesa kumain.

Kung makikita ako ni Carli, sasabihin niyang ang payat ko na. Pagagalitan ako nun. Sabi ko iimprove ko sarili ko pero nagdedeteriorate ata ako physically. Baka di pa kami nagkikita, mamatay na ko sa pagod. Hehe. Joke lang.

Andito na kaya siya sa Pinas? Nung isang beses sobrang gulat ako nung akala ko siya yung sumagot sa phone ni Gab. Wala akong masabi. Nung narinig ko yung boses, parang gusto ko magteleport bigla kung nasan man siya pero sabi naman ni Drei eh baka kaboses lang. Nakausap din naman ni Drei, mukhang di naman daw si Carli. Sayang talaga. Akala ko pa naman andito na siya.

For the First Time AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon