Chapter 1: First Warning

24 0 0
                                    

Cover by Glossyyy_Queennn
Thanks! Mwa. ♡

Heira

"Buljangan ~ uh-oh uh-oh uh-oh. Yea!" Masigla at masaya akong naglalakad pauwi ng bahay, medyo malayo yung school sa amin. Pero dahil tamad akong maghintay ng masasakyan at hindi makakarating si Tito Jun-- ang service namin --ay naglakad nalang ako.

4:32pm. Hindi pa naman gabi. Mga 15 mins pa bago ako makauwi. Ayaw man akong papaglakarin ni ate, bahala na. Gusto kong mapagisa ngayon. "My love is on fire! Whooo, so don't play with me boy!"

Pero habang nakikinig sa music, biglang nahulog ang headset sa magkabilang tainga ko. Fudge? Kailangan sabay? Tss. Pinulot ko iyon, pero pagkatayo ko ng maayos, naalis ang pagkaka-saksak ng headset sa phone ko.

"Pinagtitripan ba 'ko? Seriously?" Tanong ko at tumingala. Medyo makulimlim at malamig ang simoy ng hangin. Nagshrug nalang ako at hindi nalang nagheadset. Walang tao dito sa dinadaanan ko, kakaunti lang ang nakatira sa street na ito.

Nagsimul nanaman akong maglakad. I can see our house pero malayo pa ito. Tinodo ko ang volume ng phone ko at sumabay sa kanta. Pero nang biglaang mas lalong dumilim ang ulap, doon na ako kinilabutan. Ano'ng nangyayari? I haven't even seen on the weather broadcast na uulan o may bagyo.

I took my phone and opened it. Dinala ko sa Facebook at hinanap ang municipality page sa lugar namin. And there I saw it--- "The heck?"

Walang ulan. Araw. Maaraw. Pero hayaan na nga. Mas gusto ko ang makulimlim kaysa sa maaraw. Mas malamig ang simoy ng hangin at nakakakilabot. Pero binilisan ko nalang ang lakad. First day na first day baka maulanan ako, wala pa naman akong dalang payong. Nang marating ko ang gate ng bahay, naramdaman kong may nakamasid sa akin sa harap ng bahay namin, ang katapat nitong maliit na bahay na medyo classy ang dating.

Si Lolo Caloy. Umiinom ito ng kape, prenteng nakaupo sa isa sa mga upuan sa may garden nila. Malawak ang lupa nila pero medyo may kaliitan ang bahay. Nakatingin sya sa akin na para bang sinusuri ako. Matagal na syang naninirahan dito. Nauna sya sa amin, last year lang kami nakalipat dito pinagawa lang kasi ni dad ang bahay na 'to at binili ang lupa.

Nginitian ko sya. Pero ang hindi ko nagustuhan ay ang ngiti nya. Nakakatakot. Mabilis kong binuksan ang gate. Pero nakalock ito. Humarap ako kay Lolo Caloy pero wala na sya. Ang kape nya ay wala na doon. Mas kinilabutan ako. Kinatok ko na ng kinatok ang gate habang nakaharap pa rin sa bahay nila Lolo Caloy.

Pero pagharap ko sa gate nagulat at napaatras ako nang nandoon si Lola Adel. Sya ang pinakamatandang katulong dito at ang namumuno sa mga katulong namin. Simula kasi bata ako at nasa US pa, sya ang nagalaga sa akin at tiwala sakanya sila dad na hindi nya ako pababayaan kaya pinaalaga nya ako sakanya at nanirahan muli sa Pilipinas.

I was born in US, San Fransisco, but I am a half-Filipino and half-American. Half din si dad. Half-American and Half-Korean! Hehe. Pinapasok na nya ako at tinatanong kung bakit mukha akong nakakita ng multo. "I swear, manang, if he can be called a ghost, he's seriously a ghost!" Sabi ko na may pa-taas taas pa ng kamay.

"Hahaha. Stop that, young lady. Kailangan nyo nang magpahinga. Gigisingin nalang kita kapag nakahain na ang pagkain"

"But, manang. Believe me---"

"Okay okay. Sige na ho. Kailangan nyo nang magpahinga at baka pagalitan ako ng mga magulang mo, young lady"

Bumuntong hininga nalang ako. Maybe guni-guni ko nga lang iyon. Pumunta lang ako sa kusina at kumuha ng cake. Hehe. Birthday ni ate kahapon. June 12! At may cake sya galing sa manliligaw nya kahapon pero ako ang kumain, at ako nanaman ang kakain ngayon.

Second VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon