Chapter 4: Too Late!

8 0 0
                                    

Heira

"Aish!" Ginulo pa ni kuya ang buhok nya at sumandal padabog sa upuan. Problema nito?

"Oh, kuya? Ano nangyari? Akala ko ba okay ka naman kanina sa sleepover mo kagabi?"

"Nagsumbong kasi si ate kay mama!"

Oh, no. PAANO NA AKO ILILIBRE NG CAKE NI KUYA MAMAYA?!

"No! It can't be!"

Pareho na kaming bugnot ni kuya simula pagkatapos kumain ng almusal hanggang makaalis ng bahay at makapasok ng school, ganito pa rin.

Sinisisi pa rin namin si ate at pinangakong sa paguwi nya ay bubugbugin namin sya. Humanda ka ate, magdurusa ka sa kamay namin ng kapatid mo. Wengya.

"Oh? Hahaha!"

"Beshy! Meron ka ba ngayon?"

Tinignan ko lang si Jian at patuloy na naglakad hanggang sa marating ang upuan, last row, right side, sa may bintana. Binuksan ko ang bintana at nilanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa labas papasok ng kwarto naming--- AIR CONDITIONED?!

"HEIRA!"

"Aishttt! Sorry!"

Kung kelan naman ako mag se-senti, doon biglang may magpapaalala na hindi pa tamang oras. Jusko. Ayoko na!

"Ano ba'ng problema mo't kahapon ka pa nagkakaganyan?" Tanong bigla ni Jian nang makalapit sa akin. "Doon ka na sa pwesto mo Jian Ericka Dominguez. Maya maya darating na ang teacher"

"Eeehh! Ayoko! Sabihin mo muna kung ano'ng problema mo! Kaibigan mo kami, oh. Nagaantay kami ng sasabihin mo simula kahapon tapos tatabuyin mo lang kami?!"

"Wag muna ngayon, okay?! Hindi ko naman kasi pinilit na kaibiganin ninyo ako, kung ayaw ninyong maghintay ng oras na magoopen-up ako sainyo, edi lubayan ninyo ako! Hindi naman kasi habang buhay wala ako sa mood, ita-try ko naman e. Haist, basta!"

Tumayo nalang ako at iniwan silang nakatunganga doon. Lumabas ako ng kwarto, sya namang pagdating ng guro namin.

Nang makalabas, hinanap ko agad ang garden ng campus at naupo sa may puno, sa may gilid ng garden.

Naupo ako roon at itinabi sa akin ang bag ko. Sinandal ko ang ulo ko sa trunk at pumikit. Ang sakit sa bangs ng mga problema, jusko. Stressful!

E ano nga bang problema ko?

Nasabi lang naman sa akin kagabi na matatagalan ng uwi si mommy dahil daw sa business partner ng company sa Korea na nag back-out sa plano nila. Ewan ko ba, napaka-arte. Sya na ngang nagsend ng request noon kina mommy na maging business partners sila tapos sya ngayon yung aatras.

Si daddy naman, hindi ma-contact. As in, kagabi ko lang talaga lahat nalaman 'to ah? Yung guard na pinabantay ni ate sa akin? Sya lahat nagsasabi. Parang may kung anong connection si kuyang tagabantay ko kina ate at mommy at daddy e.

They have used any devices para macontact si daddy pero wala. Even his members. The only person we can ask for help is their boss. And we don't even know him. Even a single information about him? Nah.

Si ate naman? Nagpaka-sarap sa buhay. Hindi man lang ata iniisip si daddy or tinutulungan si mommy. Si kuya! Paano na nyan yung cake ko?!

Oh, by the way, hahaha, iba iba ang tawag namin sa mga magulang namin. Hindi kami sanay na isa lang ang tawag sakanila. Ewan lang. Haha!

"Aaahhh!" Pakinig kong tili ng babae. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at napatingin sa paligid kung saan nanggaling ang sigaw na iyon.

"HELP!"

Second VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon