Heira
*kring*kring*kring*
UGH!!!
Bakit ba kasi?! Bakasyon pa naman ---
"Heira Liza Seon!!!" Dinig kong sigaw mula sa kanang tainga ko kaya napapitlag ako at napaupo sa kama. Tatawa-tawa pang umayos nang upo si ate at kuya. TSS.
"Buti nagising ka. Kakain na sa ibaba at dalawang beses nang nag-alarm 'yang alarm clock mo hindi ka pa nagising. Baba na!"
Hinila-hila pa ako ni ate. Ano ba'ng mer --
SECOND DAY OF SCHOOL!!!
Mabilis akong napabangon sa kama at dali-daling tumakbo sa banyo sa kwarto ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nina ate na lumalabas na ng kwarto ko. Napagisipan ko munang tignan ang oras bago maligo.
6:07am.
Ghad! Six o' clock ko iyon tinime. Haist. Pero kailangan ko na magmadali. Sino bang may matinong isip ang principal at Seven O' Clock AM ang pasok? Tss.
If I'm not mistaken, I took only 6 minutes and a half in taking a bath. Dati rati 10 to 15 minutes ang inaabot ko sa pagligo palang. Ngayon, hindi ko na inisip ang conditioner, ngayon lang naman. May pagkamalayo pa ang school mula sa bahay namin kaya nakakainis lang.
Hindi ako sanay na magsuklay, natutulungan naman ng pag-conditioner ko ang hindi paggut-got ng buhok ko kaya okay lang. Mas napapabilis pa akong magayos kaysa ayusin ko ang buhok ko. After I choose what to wear, sinuot ko na ito at naglagay ng liptint sa labi. Pati sa pisngi ko. Isa pa, hindi rin ako mapahpolbo. Ayoko ng lipstick kasi masyado silang makapal at halata.
Nagsuot nalang ako ng loosen white shirt at denim jacket with black jeans and sneakers. Inayos ko ang mahabang brownish na buhok ko na pinony tail-style ko at kinuha na ang mini backpack. Ba't ba ang tagal irelease ng ID at Uniform? Kainis. At isa pa, bakit ako naiinis ngayon?
Lumabas na ako ng kwarto pero bago ang lahat, isang bagay ang hinding-hindi ko kalilimutan ang notebook ko at phone. Nagmumukha akong secretary dahil ang notebook na dala ko ay notes and reminders. Sa mga ginagawa at gagawin namin. Assignments, projects, performance tasks, grades, activities, etc.
Paglabas ko, dinig na dinig ang tawanan nila sa ibaba. Ang saya nila, huh. Pakasaya sila. Tss.
Sa hagdan palang ako, mas lumalakas ang tawanan nila. At talaga bang inaasar nila ako? Binilisan ko na dahil hindi nakatakas sa peripheral vision ko ang oras galing sa watch na suot ko, 6:35am.
Pagdating sa living room, iniwan ko muna ang lahat ng dala ko but not my phone. Tumakbo agad ako sa dining room at BOOM! Nandito nga sila at nagtatawanan. Pero natigil ito dahil sa pagdating ko. Umagang-umaga nang-aasar, tsk. "What?!" Iritadong tanong ko at padabog na umupo sa pwesto ko. Para naman kaming nasa school, may kaniya-kaniyang pwesto sa hapag-kainan. -___________-
"What made my little daughter ---" nakangiting bungad sa akin ni dad pero hindi ko na sya pinatapos pa. Gigil na ako e.
"Oh, dad, shut up. Magkwentuhan nalang kayo at magtawanan dyan, wala pa ako sa wisyong makipagusap ngayon" asar na sagot ko at nagdasal muna bago kumain.
Pansin kong sabay-sabay silang nag-shrug. K.
7:02am
Nasa school na ako at hindi pa naman naguumpisa ang klase dahil halos kasabay ko lang sa pagpasok ang teacher namin para sa first subject. "Almost late, huh" inirapan ko nalang sya at nagpatuloy sa upuan ko.
"Besh, sama ng gising mo? Haha." AYAN NANAMAN! TAWA NANAMAN, BWISIT.
"Ano ba'ng meron at ang saya-saya nyong lahat?! Tawa kayo ng tawa, tss. Nakakairita ha. Wala akong alam sa nangyayari. OP ako sa Earth, gano'n?" Pa-irap na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Second Victim
Horror"The life of Hide and Seek" Author: mochinesscutie Language: TagLish Genre: Horror/Romance/Psychology Date started: October 2017 Just to remind 'ya, I don't do prologues and whatsoever introductions. Direct na ko na chap 1 agad. Sorna. Mwa. ♡ Cover...