Heira
Secpfra came late. Too late. That I have killed another-- wait wait, is that a human?
Her eyes were pure black, nails are so long that it could kill me in an instant, have a wide cheek-bones but small lips.
Sa pagpasok niya, gulat na gulat siya sa nakita. Siguro dahil sa nakatakas ako at sa babaeng nakahiga ngayon sa sahig, naliligo sa sariling dugo. Hala? Ba't may dugo siya? Ni hindi ko nga siya nasugatan -,- oa naman.
"Heira?" Gulat nitong tanong na hindi pa rin makaalis sa kinatatayuan.
"Balak mo bang maging istatwa diyan? Kung ganon, sige wag kang aalis diyan ah? Ako muna!" Masigla kong saad at palundag-lundag pa habang palabas.
Pero bago ang lahat ay hinigit niya ang kaliwang braso ko dahilan para halos matumba ako. Jusko.
"Ikaw ba ang may gawa niyan?" Mahina ngunit ma-awtoridad niyang saad. Nawala tuloy ako sa wisyo at halos manlumo ang mga paa ko dahil sa panginginig.
Natatakot ako. Ayokong isipin na ako ang gumawa non. Hindi. Hindi, Heira, hindi ikaw ang may gawa niyan. Walang bahid ng dugo ang kahit na anong parte ng katawan mo, hindi ikaw ang pumatay sakaniya.
"Sumagot ka, ikaw ba ang may gawa niyan?!" Unti unti na siyang sumigaw kaya halos mapatakip na ako ng tainga. Maluha-luha akong pumikit ng mariin.
"H-hindi.. hindi ako ang may gawa niyan. Secpfra, hindi ako ang may gawa niyan!!" Napasigaw na rin ako at pilit na hinila ang kamay ko at nagtatakbo palabas. Hindi naman niya ako pinigilan. Pero alam ko na nakasunod siya.
Humagulgol ako sa tabi ng isang mataas na puno at sumandal na lamang doon.
Napatakip ako sa mukha ko at napapasapo ng noo sa tuwing naaalala ko ang pagsakal ko sa babae--
Hindi. "Hindi siya tao. Hindi siya normal. Gaya lang siya ni Secpfra na mamamatay-tao. Isa lang siyang guni-guni gaya ni Secpfra. Please, Heira.." kinakausap ko na ang sarili ko na para bang tinakasan ng bait.
"Heira" dinig kong may tumawag sa akin kaya lumingon naman agad ako pero sana'y hindi ko nalang ginawa dahil nandito rin si Secpfra na pinagmamasdan ako.
Sa tuwing nakikita ko ang mata niya, naaalala ko ang ginawa ko kanina. Hindi ako mamamatay-tao. Hindi ako ang pumatay sa babae. Walang nangyari kanina. Panaginip yon. O imahinasyon. Tama, tama! Imahinasyon lamang yon.
"That's too bad to be true, right?" Sumandal na rin siya sa puno at nakiupo na rin gaya ko.
Tumango ako ng dahan-dahan at pilit na pinigilan ang luhang unti-unti namamang namumuo.
"Please. Tell me, I didn't do that, right? I didn't killed a person. No one did. Nothing happened. Please!" Sigaw ako ng sigaw pero heto siya't nakikinig lamang sa akin.
"Ikaw! Ikaw ang pumatay sakanya! Pinatay mo ang pamilya nila Swan! Ikaw ang pumatay sa kanila! Wala kang awa! Pati ang simpleng--"
"Heira Liza Carston Seon, you killed one of my friends!" Unti unti akong napaupo mula sa pagkakatayo at napayuko dahil sa narinig.
Fine. He's right. But that was just an accident! It wasn't intentional!
"You've killed Swan and her parents, right?! And I saw on your eyes none but happiness seeing them suffer. Why did you let me go, then?! You could've killed me! I'm not the only killer here" Sigaw ko sakanya.
Natawa siya sa sinabi ko at napatayo na rin. Marahas siyang tumatapak sa maputik na daan at lumalapit sa akin.
"Don't you dare" pagbabanta ko sakanya at sinamaan siya ng tingin.
Here it is, again. Hatred. I hate, hating people! I hate being mad! Why am I mad at this guy?!
Nagsimula siyang magsalita na animo'y nagkukwento dahil sa boses niyang malambing na may tono,
"People might see you, bad. I may now see you bad but that doesn't mean you're really bad. Let's see, they take people for granted. Some of them aren't that good but they blame others for their mistakes. How about, turning someone from an angel to an evil one?"
What? Argh I can't find his point!
"What are you pointing at? That you influenced me with your killer-like self?!" Sigaw ko at para bang inasar pa siya.
"I'm saying that, they all have their flaws, but they blame ME for that. I've had the baddest nightmare than you do, than they do. What's worse? When I'm having the nightmare while I'm wide-awake. You're a killer, too, Heira. Your family are the killers in this story" at nagtatakbo siya palapit sa direksyon ko bigla kaya napapikit ako pero naramdaman ko ang hangin na humawi sa mahaba kong buhok sa kaliwang bahagi.
Binuksan ko agad ang mata ko at lumingon sa likod. He's fighting someone.
Fudge. That person's familiar. Very familiar. "D-dwayne.." mahina kong sambit. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang lumabas iyon mula sa nakatikom kong bibig.
Nagbubug-bugan sila pero wala na 'kong pake don. Linapitan ko na sila. Wala akong pake kung tamaan ako ng isa sa kanila.
Basta makalapit lang ako don.
Hinila ko ang kamao ni Secpfra na tatama sana sa mukha ni dwayne.
Natigil sila at pinagmasdan ako pero heto ako, nakatitig lang sa sahig na maputik. "Heira?" Hinang-hina si dwayne na lumapit sa akin.
Pipigilan sana siya ni secpfra pero hinigpitan ko lalo ang hawak sa kamao niya. Hala. Bat siya namimilipit?
"I-ikaw ba talaga si heira?"
Tinignan ko siya ng deretso sa mata. Hindi ko talaga alam. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Yayakapin sana niya ako pero umatras ako na alam kong ipinagtaka niya.
Gusto kong umiyak. Ewan ko. Pakiramdam ko nangungulila ako..
Sakanya.
BINABASA MO ANG
Second Victim
Horror"The life of Hide and Seek" Author: mochinesscutie Language: TagLish Genre: Horror/Romance/Psychology Date started: October 2017 Just to remind 'ya, I don't do prologues and whatsoever introductions. Direct na ko na chap 1 agad. Sorna. Mwa. ♡ Cover...