Chapter 8: What did I do

2 0 0
                                    

Third Person

"Mmmm! Mm, mmm-- mmmmm!!"

Nakagapos ang mga kamay at paa, protektadong nakatakip ng duct tape ang bibig at panyo ang mata.

Ilang araw ang lumipas, ganito lamang ang posisyon niya't hindi niya alam kung paano makakatakas sa impyernong ito.

"Dear, kumain ka muna" pilit siyang pinapakain ni Secpfra na binabantayan siya magmula nang kunin siya nito.

"Mmm!" Iling lamang siya ng iling. Inalis ni Secpfra ang duct tape na nagpoprotekta sa bibig ni Heira upang gumawa ng ingay at pilit itong sinusubuan.

Nagtagumpay si Secpfra sa pagpasok ng kutsara sa bibig ni Heira ngunit sa nakagawian niya'y niluwa lamang niya ito at dinuraan ang buto't-balat na mukha ni Secpfra.

"Sabi nang hindi ako kakain! Hindi ako gutom kaya pwede ba?! Hindi ka pa ba nagsasawang inisin ako, ha?! Palabasin mo nalang kaya ako dito nang matahimik 'yang walang kwenta mong buhay?!"

Sigaw niya ngunit tinawanan lamang siya nito dahilan upang maginit lalo ang ulo ni Heira.

Ilang araw na siyang narito't nakakulong. Binigyan na siya ng pagkakataon ni Secpfra ngunit nagbigay ito ng kundisyon na tiyak hindi magugustuhan ni Heira kaya't hindi ito makapayag-payag.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, kaibigan? Hinding--"

"I am not your fckng friend, you stupid bastard! And I will never be your friend so stop calling me your friend! I may know you since I was younger but the hell? Do you need to call me your friend?!"

"Ofcourse, my dear" ngumiti nanaman ito ng napakalapad na lalong ikinagalit ni Heira. Hindi na siya makapagpigil pa.

Ilang araw na pagtitimpi ang ginagawa niya. Alam niyang wala siyang laya ngunit kung papatulan niya ito'y tiyak na makalalaya siya.

"You killed my auntie. You killed my cousin. You killed their family. How many times do I have to fckng help you remember that fckng memory?! That you killed a fckng family! And this? Uumpisahan mo nanaman sa akin?! Oh come on, btch. You got no jams!" Natatawa nitong saad ngunit may halong pagkagalit na.

Sa nakagawian, tinawanan lamang siya ulit ni Secpfra.

"Oh. How did you learned to curse?" Nagkunwari itong gulat at naiinis.

"Hindi kita tinuruan niyan" mahina nitong sambit at tinignan ako ng deretso sa mata.

Minsan nakakakilabot din yung mata nitong halos mahulog na e. Pero ba't wala akong maramdamang takot?

"You want to remember?" Ngumiti ito ngayon na makahulugan kaya kumiling ng kaunti ang ulo ko at nagtaka sa kinilos niya.

"Remember what? I'm clearly fine, I don't have anything to remember" pagkatapos ay inirapan ko siya at pinikit ng mariin ang mata ko. Nahihilo pa rin ako simula kahapon. Sa gutom na siguro 'to. Bahagya kong tinaas at sinandal sa upuan ang ulo ko.

"Remember anything. Childhood memories, your past. The moments when you were still a demo---"

Hindi niya ito natapos at natingin sa pinto. I can't hear anything nor see anything from the door or outside. What's the matter?

"Stay here. Don't do anything stupid. Huwag na huwag kang magiingay o gagawa ng ingay" pinanlisikan niya ako ng mata kaya inirapan ko nalang siya.

As if makakatakas ako at makakagawa ng kahit anong kabaliwan. Nakatali po ako, oh?

Pinagmasdan ko nalang ang kwartong ilang araw kong napagtiisan. Pansin kong hindi lang ito isang simpleng kwarto.

Dahil nang mabuksan ni Secpfra ang pinto ay nakita ko lang ang madilim na kapaligiran sa labas pati ang mga naglalakihang puno at malakas na simoy ng hangin na pumasok sa loob.

Second VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon