Chapter 4:
Masquerade Ball"Ang ganda mo Zann bagay na bagay sayo yang evening gown mo na color violet" sabi ni Patricia habang nagpapabango ito.
"Girls napakabagay satin ang mga sinusuot natin bagay sa mask natin" sabi ni Twirl habang inaayos ang maskara nito.
Ang pinasuot kasi nila na mask sa Masquerade Ball ay ang mask lang na mask talaga hindi yung make-up mask na araw-araw na sinusuot nila.At dapat talaga doble ang ingat nila na hindi mahulog ang mga mask nila dahil baka makilala sila ng ibang estudyante at lalo na ng mga taga MAB.
Ang Masquerade Ball kasi ay para sa MAG at MAB at talagang magtitipon sila ngayon sa malaking gym ng buong MA.
"Naku girls mapapanis yata ang laway natin mamaya" sabi ni Yana habang inaayos ang cocktail dress nito na color blue na kumikinang sa dulo.At mas lumitaw ang pagkaputi ng kutis nito bagay na bagay kasi nito ang dress at talagang lumilitaw ang kagandahan nito kahit naka maskara.
"Oo nga masaya sana ang Masquerade Ball kaso pano naman tayo mas sasaya ng todo kung hindi naman tayo pwedeng makipag usap sa mga taga MAB?" napailing-iling na sabi ni Patricia habang nakaharap sa salamin at tinitignan ang backless gown nito na hanggang paanan nito at kulay silver, bagay na bagay kasi talaga nito ang gown na suot nito mas lalo lang lumitaw ang pagkakasopistikada nito at ang kagandahan nitong taglay.
"Girls lets take a selfie after nitong gabing to para may remembrance tayo" sabi ni Twirl habang pumapaso na mukhang model sa loob ng dorm nila.Well maganda kasi ang hanggang tuhod lang at fitting na dress na suot nito na kulay black at may leather jacket na suot ito sa balikat.Talagang bagay na bagay nito ang suot at lumilitaw din ang kagandahang taglay at ang pagiging fashionista nito.
"Sige ba" sabi ni Zann na nakaharap din sa salamin at tinitignan ang sarili, ang suot niya ay isang long fitted gown na ang kulay ay purple at nakasuot din siya ng leather lavender jacket na inilagay lang niya sa balikat niya at ang buhok niya ay nakatali ng maayos na may dalawang buhok na curly sa kabilang gilid ng mukha niya.
Bagay na na bagay talaga sa kanila ang mga outfit nila dahil matatangkad sila, makinis at maputi ang kutis, sexy din sila dahil hindi ganun karami ang kanilang body fats at inaalagaan kasi nila ang katawan nila ng maayos kaya coca-cola shape ang katawan nila pero si Twirl lang ang medyo slim sa kanila dahil may dugong koreana kasi ito ng mga 1/4.At si Patricia naman ay ang pinakasexy sa kanila at sinundan nina Yana at Zanneah.
"Lets go girls" sabi ni Patricia at nauna ng lumabas sa kanilang tatlo kaya sumunod nalang din sila.
Pero ewan ba kasi ni Zann dahil nakaramdam siya ng kaba sa dibdib niya.
♡♡♡
"Good evening MABs and MAGs" bati ng MC sa kanila.
"GOOD EVENING" full energy na bati din ng mga estudyante sabay hiyawan.
"Wow ang energetic niyo naman, are you that excited?" natatawang tanong ng MC sa kanila.
"Yesss" sabi ng mga estudyante sabay hiyawan parin.
Napahalukipkip nalang si Zander sa kinauupuan niya, kasama niya kasi ang co-teammate niya sa basketball na kasama niya sa first five na sina Clyde,Frits,Brent at Nicolas.
"Ok so we will start the first part of our program tonight" sabi ng MC hanggang sa nasimulan na ang program ng Masquerade Ball.
---
Malapit ng matapos ang last part ng program nila at pagkatapos nito ay magsasayaw na sa gitna ang mga babae at lalaki pero ang MC lang ng pipili kung sino ang makakasayaw nila.
"Sana makapartner ko yung babaeng na kacocktail dress na kulay blue naaattract kasi ako sa kanya, oh men" sabi ni Clyde sabay turo sa isang babae sa kabilang table kasama ang tatlo ding babae.
"Tsk sabihin mo type na type mo" sabi ni Nicolas kay Clyde at nagtawanan mga ito pagkatapos.Napailing-iling nalang si Zand.
"Well type ko yung babaeng mukhang sopistikada tignan" nakangising sabi ni Brent dahil hanggang ilong lang din naman kasi ang mask nila katulad ng mga babae, kumbaga yung lips lang nila ang nakikita pero hindi naman masyadong makita ng maayos.
"Asus gusto ko yung slim, oh haven" pilyong sabi ni Nicolas.
"Tsk tumigil nga kayo" saway ni Frits sa tatlo at napangisi nalang si Zander sa inasta ni Frits.Si Frits kasi ang mukhang kuya sa kanila dahil palagi silang sinasaway nito.
"Opo kuya" natatawang sabi ni Clyde.
"Pfft.."pigil-pigil nalang na tawa ni Zand.
After ng ilang segundo tumahimik naman sila.
"So magsisimula na kaming magpartner sa inyo para sa sayaw" sabi ng MC at naghiyawan naman ang mga estudyante.
♡♡♡
Ewan ba ni Zanneah ngunit kinakabahan siya kung sino ang magiging kapartner niya dahil feeling niya pagnalaman niya kung sino ang makakapartner niya ay baka nalang biglang sumabog ang dibdib niya.
"Naka purple na girl na may kulay lavender na leather jacket sa balikat kapartner mo si guy nakablack tuxedo na nakaupo malapit sa table din ni girl" sabi ng MC kaya nilingon naman niya kung sino yung lalaking makakapartner niya at nang lingunin niya ito ay parang huminto ang mundo niya dahil sa mga mata ng lalaking makakapartner niya.
Maganda kasi talaga ang mga mata nito at tila din natigilan din ito sa kanya pero baka assuming lang siya.
Sabay silang tumayo at pumunta na sa gitna, hindi naman kinakabahan ng grabe si Zanneah sa pagpunta sa gitna dahil may mga estudyante na din ang nagsasayaw.
Nang nakarating na sila sa gitna nagkatitigan lang silang dalawa ng lalaki tapos tumikhim din ito at napaigtad siya ng konti dahil inilagay na kasi nito ang kaliwang kamay sa kanang beywang niya.At ng makabawi na siya sa pagkagulat niya inilagay nalang niya ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat nito tapos nagkahawak ang kanyang kaliwang kamay sa kanang kamay din nito.
At sumayaw na sila ng dahan-dahan.Hindi man masyadong marunong sumayaw si Zann, natuto nalang din siya ng bigla.Para maiwasan ang awkwardness nilang dalawa nginitian niya nalang ito ng pagkatamis-tamis at tila nagulat ito sa pagngiti niya pero nginitian lang din siya nito.
But wait bakit parang familiar sa kanya ang mga ngiti nito? At ang mga mata nito parang familiar din siya.Di kaya---ah kalimutan na nga lang niya basta ang mahalaga hindi na sila mukhang awkward sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Masquerade Academy
Teen FictionAng MASQUERADE ACADEMY ay isang pribadong paaralan...,normal lang naman ang paaralang ito ,normal ang mga estudyante at walang sinusunod na kahit ano mang rules "NOON".Pero dahil sa hindi magandang pangyayari noon naging literal ito na Masquerade Ac...