Chapter 19:
'Punish'
NANG makapasok na sina Zann sa loob ng dormitory nila ay saka naman sumagi sa isip ni Zann ang sinabi ni Georga sa kanya kanina tungkol sa pagkikita nilang dalawa mamayang 8:30."Twirl anong oras na?" tanong niya kay Twirl kaya tinignan naman nito ang sariling relo.
"7:16.Why?" tanong ni Twirl sa kanya.
"Ahmm may sinabi kasi si Georga sakin kanina" honest na sabi niya.
"At ano naman yun?" tanong ni Patricia.
"Na magkikita daw kami mamayang 8:30 sa gym natin" sabi niya.
"Bakit naman daw kayo magkikita? Eh gabi na kaya at may curfew pa baka maabutan ka Zann" concern na sabi ni Yana.
"Ewan hindi ko din alam kung ano ang dahilan kung bakit niya gustong makipagkita sakin mamaya eh.At hindi naman daw dapat ikabahala ko kung gabi na dahil siya na daw ang bahala" pagpapaliwanag niya sa tatlo.
"Naku baka naman may masamang balak yun sayo" sabi ni Twirl.
"Oo nga naman dahil alam mo namang masama ang budhi ng babaeng yun" malditang sabi ni Patricia.
"Sabagay.Sige hindi nalang ako sisipot mamaya" sabi niya.
"Buti pa nga Zann" sabi ni Yana.
At dahil dun napagpasyahan nalang ni Zann na matulog na tutal inaantok na din naman ang tatlo niyang kaibigan kaya mabuti pang matulog na din siya.
Kaso nang nakahiga na siya sa kanyang higaan ay hindi naman siya makatulog dahil may gumugulo pa din sa isipan niya tungkol sa pagkikita nilang dalawa ni Georga.
Dahil baka naman importante talaga ang sasabihin ni Georga sa kanya.At bothered na bothered talaga siya...
Aissh bakit ba niya yun iniisip mabuti pa matulog nalang siya.Pinikit nalang niya ang kanyang mga mata kaso hindi talaga siya makatulog eh kaya sa huli bumangon nalang siya at tinignan ang wall clock nila kung anong oras...
"7:57" mahinang sambit niya dahil baka magising ang tatlo.
"Ang bilis naman makatulog nila samantalang ako binabagabag parin" sabi niya sa sarili.
Nagbihis nalang siya ng maayos dahil buo na ang desisyon niyang makipagkita nalang kay Georga tutal may ilang minuto pa naman bago mag 8:30 kaya pupunta nalang siya.
Pagkatapos niyang mag-ayos ay dahan-dahan na siyang lumabas sa dorm nila.Habang naglalakad siya papunta sa gym ay may nakasalubong naman siyang konting estudyante na papunta na ata sa kani-kanilang dorm.
Hayss hindi tuloy niya mapigilang hindi kabahan dahil malapit na ang curfew hours nila.May iba pa ngang dorm na nalalagpasan niyang sobrang tahimik na dahil siguro tulog na ang ibang estudyante.
---
Nang nakarating na siya sa labas ng gym ay may nakasalamuha siyang ibang players ng basketball ang papalabas na.Hindi nalang niya ito pinapansin at patuloy lang siya sa pagpasok hanggang sa wala ng natirang estudyante sa loob kundi siya lang.
"Asan ka na ba Georga?" mahinang sambit niya sa sarili.
Dahil hindi na siya mapakali, tinignan niya na ang relo kung anong oras na at...
BINABASA MO ANG
Masquerade Academy
Teen FictionAng MASQUERADE ACADEMY ay isang pribadong paaralan...,normal lang naman ang paaralang ito ,normal ang mga estudyante at walang sinusunod na kahit ano mang rules "NOON".Pero dahil sa hindi magandang pangyayari noon naging literal ito na Masquerade Ac...