Chapter 25:
Almost CompleteNasa labas na sila ng office at ewan niya ba kung saan siya dadalhin ni Tj ngayon basta nagpahila lang siya rito.
"Halika, ipapakilala kita sa bestfriend ko" sabi ni Tj sa kanya habang malapit na sila sa canteen.
"Ahh ok? Pano yung mga makakita sating mga estudyante?" tanong niya dahil marami na kasing nakapansin sa kanila eh pero alam naman ni Zann na hindi sila marerecognize kung sino sila dahil sa maskara.
"Don't worry, akong bahala" kalmadong sabi nito.
Nakita naman niya sa dulo ang dalawang babaeng nakatingin sa direksyon nila at mukhang dun yata sila papunta.
"Hi Din" bati ni Tj sa babaeng nakalugay ang buhok at mukhang eleganteng tignan.
"Hello Tj, so siya ba si Zanneah?" mabait na sabi nito.
"Ahmm oo, Zann meet Dina, my bestfriend"
"Hi Dina, nice meeting you" bati niya rito.
Nginitian lang siya nito.
"Have a sit, Zanneah" sabi ng isang babaeng kasama ni Dina na mukhang kapareho ni Georga ng aura.
"Oo nga pala, sige Zann umupo ka muna.Ako nalang oorder sa inyo" sabi ni Tj sabay alis.
"Tsk.Hindi man lang tinanong kung ano ang oorderin natin psshh, napaka talaga ng isang yun" asar na sabi ni Dina.
Natawa nalang siya.
"Pasensya ka na dun Zann ah, ganun talaga yun" sabi pa nito.
"Ok lang" sabi niya.
"By the way si Clarissa pala kaibigan ko din" pagpapakilala ni Dina sa babaeng kasama nito.
"Mabuti at napag-isipan mo pang ipakikilala ako sa kanya ah, akala ko kasi wala ka ng balak" malditang sabi nito.
"Ito naman, galit agad? Ipinakilala na nga kita eh" sabi ni Dina.
"Che" sabi nito sabay roll eyes kay Dina.
Natawa nalang siya at maging si Dina ay natawa nalang din.
"Pasensya ka na, Zann ah" pagpaumanhin ni Dina sa kanya.
"Ok lang"
"So kayo na ba ni Tj?" tanong nito na ikinagulat niya.
"Hindi.Sa totoo niyan may gusto akong iba" diretsahang sabi niya sa dalawa.
"Ouch." sabi ni Clarissa.
"Buti nga sa kanya haha" natatawang sabi ni Dina.
"Anong mabuti nga sa kanya?" sabi ni Tj na kararating lang ag bitbit na ang mga inorder nito para sa kanila.
"Basted ka pala bespren, kawawa naman" pang-aasar ni Dina rito.
Nag-iba naman ang aura ni Tj.
"If I know magdidiwang ka dahil hindi ako magiging taken, asus in love ka kaya sakin" nakangising sabi ni Tj kay Dina sabay kindat kaya tumahimik naman ito.
BINABASA MO ANG
Masquerade Academy
Teen FictionAng MASQUERADE ACADEMY ay isang pribadong paaralan...,normal lang naman ang paaralang ito ,normal ang mga estudyante at walang sinusunod na kahit ano mang rules "NOON".Pero dahil sa hindi magandang pangyayari noon naging literal ito na Masquerade Ac...