Chapter 21

28 4 0
                                    

Chapter 21:
             🎉Christmas Vacation🎉

              "Kitakits nalang guyss next year" masayang sabi ni Yana habang inaayos ang pagkakaimpake ng mga gamit niya sa loob ng maleta.

              "Yup.Kitakits din" sabi ni Zann habang may inalalagay pang ibang gamit sa kanyang maleta.

               "Excited na akong umuwi samin dahil makikita ko na sina Mommy at Daddy" excited na sabi ni Twirl habang nakaupo nalang at pinagmamasdan silang tatlo habang nag-iimpake sa mga gamit nila.

               "Halata namang excited ka dahil kagabi palang nagsimula ka ng mag-impake ng mga gamit mo kaya tapos ka na ngayon" natatawang sabi ni Patricia na halatang excited na din sa kanilang christmas vacation with their parents.

               "Haha syempre excited ako noh dahil miss na miss ko na kaya sila" nakangiting sabi ni Twirl.

               "Ako nga din miss na miss ko na sina Mama at Papa" nakangiti ring sabi ni Yana.

               "Akala niyo kayo lang ang excited ah, ako din kaya dahil miss na miss ko na din sina Mommy at Daddy" nakangiti ding sabi ni Zann habang sinasarado na ang kanyang maleta.

               "Siguro mamimiss mo din si Zander noh ayeee" panunukso na sabi ni Patricia kay Zann at pati na din sina Yana at Twirl ay nakisabay na din sa panunukso sa kanya.

              Bigla namang namula ang dalawang pisngi ni Zann.Ikaw ba naman tuksuhin sa taong gusto mo ewan ko lang kung hindi ka mamumula.

                "Hay naku wag niyo na nga akong tuksuhin alam ko namang mamimiss mo din si Brent,Tricia.Ikaw din Twirl sigurado akong mamimiss mo din si Nicolas, lalo ka na Yana I'm really sure na mamimiss mo din si Clyde" tukso din na sabi ni Zann kaya tumahimik ang mga ito at namumula na ang mga pisngi ng tatlo kaya natawa nalang siya.

              "Oh ano? Akala niyo kayo lang ang marunong manukso ah haha" natatawang sabi ni Zann at bigla namang nagkatinginan ang tatlo na para bang may ibang binabalak kaya napatigil siya sa pagtawa.

              At nang ma-gets niya kung ano ang binabalak ng tatlo ay napatakbo nalang siya papunta sa loob ng banyo pero hindi pa siya nakapasok ng tuluyan dahil naabutan na siya ng mga ito tapos napahagikgik nalang siya dahil sinimulan na siyang kilitiin ng tatlo.

               "Tama na haha" halos maiyak na siya sa kakatawa hanggang sa napaupo nalang siya sa sahig at talagang pinagtatawanan lang siya ng tatlo matapos kilitiin siya.

               "Humanda talaga kayo sakin huhu" iyak na arte ni Zann pero pinagtatawanan pa din siya nina Patricia.

              "Mamimiss ko kayo guyss" lambing na sabi ni Twirl sabay lapit sa kanilang tatlo.

               "Ako din mamimiss ko kayo" sabi ni din ni Yana at nagyakapan na silang tatlo.

               Pagkatapos nilang magyakapan ay nagsalita si Zann.

                "Grabe naman tayo magyakapan mukhang 10 years tayong hindi magkikita pagkatapos nito ah" sabi ni Zann at natawa nalang sila.

----

          
               "Mommy, Daddy" tawag ni Zann nang makapasok na siya sa bahay nila at nakita niya ang kanyang Mommy at Daddy na kababa lang sa hagdan galing sa kwarto nito at bihis na bihis.

Masquerade AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon