Chapter 28

49 3 0
                                    

Chapter 28:
                   Truth

Present time.....

    "Simula nun parang hindi pa rin ako komportable sa babaeng umamin sa akin na siya yung nakasayaw ko, I still doubt her kung siya ba talaga, though halos magkapareho din kasi sila ng mga mata sa babaeng nakasayaw ko sa Masquerade Ball. But something's telling me that she is not 'that' girl whom I danced with" sabi ng daddy ni Zann.

        "And nang nagkataon na magkita kami ni Matthew one time sa canteen namin, he said to me that, that time he concluded na hindi talaga si.....Divine ang babaeng nakasayaw niya.Then, Matthew confronted her about lying to him" pagtutuloy ng mommy ni Zann.

                Parang unti-unti na nilang nalalaman ang dahilang kung ano ba talaga ang nangyari kaya mas nakinig pa sila ng mataman.But ofcourse, they are all shocked about the revelation that maybe Georga's mother loved Zanneah's father.

           
         " After that, Divine got hysterical because Matthew just said to her that she must leave us alone, that he loves me, that no matter what happens he will always be with me and when she heard that, she plans to kill me" huminto mo na ang mommy ni Zann sa pagsasalita na para bang kinakabahan kaya hinawakan ng daddy niya ang nga kamay nito.

           At pati na rin sila ay nagkatinginan then ang mga mata ni Georga ay namumuo na ng mga luha, na para bang hindi siya makapaniwala na kaya itong gawin ng kanyan ina.

     "And luckily, she didn't succeed to her plans because of John--"

       "Wait, my father?" halos maluha-luhang sabi ni Georga kaya hinawakan ni Frits ang kamay nito.

            Napatingin naman ang kanyang mommy kay Georga gamit ang nalulungkot na mga mata.

            "Yes, John loved your mother so much back then, but sad to say that baliw na baliw ang mama mo kay Matthew noon.Nang malaman ni John ang plano ni Divine na lasonin ako hanggang sa mamatay, sinabi niya kaagad sa amin kaya hindi nagtagumpay si Divine sa kanyang mga plano. Hindi ko alam kung bakit sobrang nagpapakabaliw ang mama mo kay Matthew kahit na lubusan naman siyang minahal at inalagaan ni John" malungkot na sabi ng kanyang mommy kay Georga na umiiyak na at napahikbi.

"But, I think minahal naman ni Divine si John kahit papano kaya lang mas nabulag kasi siya sa pagmamahal niya para kay Matthew na gagawin niya ang lahat para lang ma sa kanya niya ito kahit sa masamang gawain" patuloy ng mommy ni Zann.

"Sa ngayon, hindi kami sigurado kung yun ba ang dahilan kung bakit binago ni Divine ang kalakaran ng paaralan na ito pero mas mabuti na ring binahagi namin ito sa inyo dahil alam ko kung ano ang takbo ng utak niya" dagdag na sabi ng daddy ni Zann.

Pagkatapos nun, umalis na rin ang kanyang mga magulang at sila naman ay nananatiling nakaupo sa pribadong lugar pa rin ng MA.Lahat sila ay parang hindi pa halos ma absorb ang mga sinabi ng mga magulang ni Zann kaya isa-isa muna silang nananahimik na parang pinag iisipan din nila kung ano ba talaga ang mas mabisang dahilan kung bakit nagawa iyon ng ina ni Georga.Habang sa sulok naman ay si Georga na patuloy pa rin sa pag iyak dahil mukhang hindi pa nito matanggap ang mga nalamang rebelasyon tungkol sa ina nito.Tinatahan naman ito ni Frits na halatang nag aalala rin para rito.

"Ahmm guyss..so may naisip na ba kayo kung ano talaga ang maaaring naging puno't dulo ng la--" hindi na natuloy ang pagsasalita ni Patricia dahil biglang tumayo si Georga galing sa pagkakaupo at lumapit na sa kanila.

"Actually, may alam ako tungkol kay mommy pero hindi ko lang masabi sabi sa inyo ng madali dahil parang ako din ay mahirap na maniwala sa mga nalaman ko. At dahil nakompirma ko ngayon na may balak talagang masama si mommy noon pa lang, gusto ko ng sabihin ito sa inyo ngayon" matatag na sabi Georga sabay punas sa mga luha nito.Kaya mas tumuon naman ang atensyon nilang lahat dito.

"Sige Georga, spill it" sabi ni Zann sabay hawak sa kamay ni Zander kaya napatingin tuloy ito sa kanya at hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya.

"One time nung papasok sana ako sa office ni mommy nang biglang narinig ko na may kausap siya sa loob at alam ko na si D-daddy yun.Kaya hindi nalang ako tumuloy sa pagpasok at nakinig nalang ako sa kanilang pinag uusapan, tapos..t-tapos dun ko nalaman na m-may sakit si m-mommy sa utak.....s-siguro dahil hanggang ngayon obsessed pa din siya kay tito Matthew.Hindi na naging normal ang pag iisip ni mommy dahil d-don" tumigil muna sandali si Georga dahil naiiyak na din ito habang nagsasakila at hindi na din mapigilan ni Zann na mapatulo ang kanyang mga luha dahil naaawa na siya kay Georga.At dahil mukhang mahihirapan si Georga sa pagpapatuloy sa pagsasalita, si Frits ang tumuloy para rito at tinignan si Zann ng seryoso.

"Then, when her mother knew that you're the daughter of Tito Matthew and Tita Zanhya.May balak na naman siyang hindi maganda para sayo Zanneah.Bumalik na naman ang galit ng mommy niya sa mama at papa mo Zann, nagplano siyang ipapatay ka--"

"Yan ang hindi ako papayag" galit na sabi ni Zander sabay tayo.

"Zander calm down" halos pabulong na sabi niya at pinisil ang magkahawak na kamay nilang dalawa.At si Zann naman ay nagsimula ng kabahan dahil dun.

"Tsk, kailangan nating mapigilan ang mommy mo Georga" nababahalang sabi ni Yana.

"O-ofcourse, we n-need to.Besides, alam ko kung kailan balak ni patayin ni mommy si Zann" medyo kalmado ng sabi ni Georga.

"Kailan nga ba?" medyo galit na rin na sabi ni Tj.

"Balak niyang patayin si Zann sa mismong araw kung kailan wasak na wasak siya and hindi ko alam kung bakit tandang-tanda pa rin ni mommy hanggang ngayon ang araw na iyon and that will be on Friday next week, which is January 18" pagpapaliwanag pa ni Georga.

Dahil don mas kinabahan si Zann at feeling niya nanlalamig ang buo niyang katawan sa nalaman, knowing na kayang gawin lahat ng mama ni Georga para mapatay siya kaya sobra ang kaba ang nararamdaman niya ngayon.

Nilingon naman siya ni Zander at hinalikan sa noo.

"Don't worry Zann, gagawa tayo ng paraan na sa mismong araw na iyon, mabubunyag ang lahat na katotohanan sa buong school. That's why we need to plan this wisely" sabi ni Zander sa kanila.

"Alright bro" sang ayon ni Clyde at sumunod ang silang lahat sa pag sang ayon.

Lumapit kay Zann sina Patricia, Twirl at Yana kaya bumitiw muna siya sa pagkakahawak kay Zander.

"Don't worry Zann, everything will be fine at sisiguruhin naming hindi magtatagumpay ang mommy ni Georga na mapatay ka" nakangiting sabi ni Twirl sa kanya.

"And sa araw na iyon mabubunyag ang katotohanan sa lahat then wola, mission accomplished at hindi na mahigpit ang patakaran ng school nato" sabi ni Patricia.

"In the end, we will both claim the justice we need" nakangiting sabi ni Yana.

" And ofcourse, no need na tayong magwear ng make up masks at kung ano-ano pang masks na yan.In short, we are free.Just like the other school" na eexcite na sabi din ni Dina kaya nagtawanan sila.

Zanneah know that pinapagaan lang ng nga kaibigan niya ang atmosphere para hindi sila kabahan, lalong-lalo na siya.

"Don't worry Zann, I know that my mom will be punished.Pagkatapos ng lahat na ito" sabi ni Georga sa kanya pero kahit na kampi ito sa kanila ay alam naman niya na masakit parin para rito na gawin ang mga ito sa kanyang ina.

"Thank you Georga, I know hindi ito naging madali para sa iyo ang lahat ng ito pero salamat dahil tinulungan mo pa rin kami" nakangiting sabi ni Zann kau Georga tapos nagyakapan sila.

Masquerade AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon