Alas dos ng nagpaload ako sa labas para tawagan si Mike.
"Mike, kilala mo ba si Reggie bilang si Rr nung bata pa siya?" tanong ko kay Mike.
"Ha? sinong Rr?"
"May kababata kasi ako nun eh. Rr ang pangalan niya. may kutob kasi ako na si Reggie yun dahil na kweno niya sakin kanina na may kababata siya na taga cortland new york. Sasa ang pangalan." sagot ko.
"Teka lang Sarah, paano ka naman nakasisigurong siya talaga yung kababata mo?" tanong niya.
"May iba pa kasi siyang kinuwento sa akin about sa kabataan niya. huy mike baka naman may kakilala kang malapt na kamag-anak ni Reggie simula nung bata pa siya?" sabi ko.
"Wala eh. tsaka hindi naman kami sabay na lumaki ni Reggie. at wala rin siyang nabanggit sakin tungkol sa sasa na yun. tungkol sayo. pero may kilala aong Private investigator na pwedeng makatulong sayo para malaman pa ang ibang impormasyon tungkol kay Reggie nung bata pa siya." sagot ni Mike.
"Talaga?" sige tawagan mo ang private investigator na yun. baka sakaling siya ang makatulong sa akin." sagot ko sabay ibinaba ko na ang telepono.
Maya't-maya habang tinatapos ko ang powerpoint na pinapagawa sa akin ni Regge ay dumalit na si Mike at ang private investigator na kilala niya.
"Sarah eto nga pala si Inspector Max Alvarez ng NYPD."
"Nice to meet you."
Nice to meet you too.. ms. salcedo. ano ba ang ipaglilingkod ko sayo?" sabi ng Private investigator.
"Gusto ko lang paimbestigahan sayo si Reginald Specter ng Pearson-Specter firm. gusto kong alamin mo ang tunay na nangyari sa kanya nung kabataan niya hanggang ngayon." sabi ko sabay inabutan ko siya ng sobre na may lamang cash.
"No Need for cash, Ms. Salcedo. Mike has been payed for all the fee. so asahan mo nalang na makakakuha ako ng malaking impormasyon tungkol kay Reginald Specter. it will takes up to 2 weeks din. so i need you patience." sabi ni Max.
"Yes sir. but wait. gusto ko ring alamin mo kung talagang may kababata siyang taga cortland new york. Sasa ang palayaw niya." dagdag ko pa.
"Sure maam. makakaasa ka. sige i will start to investigate this guy at pupuntahan nalang kita dito para sa resulta." sagot ni Max Alvarez at umalis na siya.
"Teka nga Sarah, bakit ba kasi kailangan pa nating pa-imbestigahan si Reggie?" tanong ni Mike.
"Kasi nga sinuggest mo sakin yang private investigator mo. naisip ko na pwedeng makatulong yan satin. tsaka kahit na saktong-sakto yung mga detalyeng kinuwento ni Reggie sakin kanina, hindi parin ako naniniwala sa kanya. malay mo, nambuburaot lang pala yan para pagtripan ako." sagot ko.
"hindi naman siguro ganun si Reggie." sabi niya.
"Hinde! siya yun! tsaka baka nga nag-hire din yan ng private investigator para imbestigahan ang pagkatao ko. pero hindi niya ako maloloko kung saka-sakali. uunahan ko siya!" sabi ko sabay bumalik na ako sa kama para tapusin ang pinapagawa ni sir.
Then 15 minutes later ay tumawag si sir.
"Tapos na ba Ms. Salcedo?"
"Hindi pa noh! kita mong ang dami ko pang-itatype dito!" sagot ko.
"Pusang gala yan! ang dali-dali lang ng pinapagawa ko sayo hindi mo pa matapos yan? i need that tomorrow." sabi ni Reggie.
"Yes sir kong halimaw.." sagot ko.
"Ano?"
"Wala sabi ko sige na... ubos na ang load ko sayo." sabi ko.
"sira. ako ang tumawag sayo. ako ang makakaltasan ng load! maswerte ka pa nga't ako pa ang tumatawag sayo." sagot ni sir Reggie.
----------------------------------------
To be continue in Chapter 9.
Sorry po kung bitin :)
Malalaman ba agad ni Sarah ang totoo o meron pang unang makakaalam?
Hmmm....
Comment Below
and Vote
!! :)
BINABASA MO ANG
That Sassy and Brassy (Completed)
ChickLitTell me who your friends are and I don't care! Si Sarah, feeling model na secretary ng isang mamaw boss ng kilalang law firm sa New York. That's her. Read the story to find more about this woman. Copyright 2014 by faxwhispererpaulsen All Right...