Uy! Birthday ni author pakibati naman oh! wawa naman wala kasing handa!
-Sarah "Ang Dyosang Pineapple" Salcedo
July 11, 2014
Katrina Bennett Point of View
"Shucks bitin!" sabi ko habang nakasilip ako sa bintana ng kotse at pinapanood ang boring na kissing scene nila Sarah at Kuya Reggie. totoo naman readers diba? nakakabitin talaga? at di lang yun, ang nakakabwisit pa dito, niloko tayo ni Author. akala ko sa lips hinalikan ni Reggie si Sarah. yun pala sa pisngi lang!
(A/N: wow trina ako pa ang mangloloko ah? sige magsama kayo ni Reggie. kayo nalang ang mag kiss!)
Ayoko author baka REGlahin ako eh... hahahaha
"What are you Trina? syempre ganyan talaga si Reggie. kapag hinalikan niya sa pisngi ang isang babae, meaning SERYOSO SIYA SA BABAE." sabat pa ni Mike habang tinatapik ang balikat ko.
"Hmp. di ako naniniwala sa kanya." sabi ko na may kasama pang takip ng bibig.
"Ha? akala mo naman niloloko kita. totoo nga. mas kilala ko si Reggie kesa kay Sarah. kapag naman hinalikan niya ang isang babae sa unang pagkakataon sa LIPS, meaning lolokohin niya lang yun. tsaka nakikita ko rin sa kanya na sincere siya kay Sarah. akala ko ba psychic ka? bat di mo alam yun?" tanong ni Mike sakin na siyang kinainis ko kaya tuloy, nagaya ako tuloy kay Richelle Torres ng shoulder bag attack style niya. (see my previous story, Bullying Can Lead To Fall In Love chapter 7)
"Shoulder bag attack!"
>pong!<
"aray! ano ba trina ang sakit ah!" O_O
"ikaw naman kasi! oo psychic ako! pero tao rin ako! may mga bagay ako na alam ko at di ko alam! at kasama na dun ang relationship ni Kuya Reggie! ngayon ko lang naman nakilala yang si Kuya Reggie eh!" sabi ko at maya't maya ay may kumatok na sa bintana ng kotse ni Kuya Reggie.
"Si Sarah.. wait basang basa sila ah? buksan ko lang"
_opens the car_
"Bakit ba nagpakabasa kayo sa ulan?" tanong ni Mike.
"tara na guys.. pinagkakaguluhan na kami ng mga media. akala nila nagshu-shooting kami ng pilikula. nakakainis." sabi pa ni Kuya Reggie.
"Bakit naman kasi dun kayo naghalikan ni Sarah sa may harapan pa? ayan tuloy nakunan kayo ng media." sabi ko sabay kuya ng basahan para ipampunas kay Sarah.
"Bat di mo kaya itanong dyan sa utak mo ano po?"
"oo nga kanina ko pa tinatanong yang si Katrina eh.. ayaw niyang tanungin ang konsensya at utak niya." sabi ni Mike kaya nakatikim siya ulit sakin ng shoulder bag attack.
>pong!<
"Aray kuh! hay jusmiyo ayoko na trina masaket!" at nagsisisigaw si Mike sa loob ng kotse. habang si Sarah eh di mapuknat sa kakatext.
Malapit na kaming makarating sa condo pero napansin kong walang imik ang dalawa (sarah at reggie) siguro nagulat lang sa mga nangyari. pero kung ako si Sarah, baka hindi ko lang tinodo ang pagkiss kay kuya Reggie!
(A/N: yung totoo katrina may crush ka ba kay Reggie?)
Waaala author! wala! alam ng utak ko yun at kung sakali mang magka-crush ako kay Kuya Reggie, siguro sirang sira na ang pagka-psychic ko!
"Ang awkward naman..." parinig ko pero walang nagsalita.
"Hay naku makapag-soundtrip na nga lang!"
"huh bahala ka katrina. sana hindi maihampas ni Reggie ang manibela sayo pag kumanta ka ng Waka waka!" sabi pa ni Sarah pero di ko sinasadyang mahampas ko sa kanya ang headset ko at pumulupot pa sa leeg niya.
"Anak ng... URITAMNE!! yung headset mo...! papatayin mo ba ako trina?!" sigaw niya sa kotse tsaka tinakpan naman ni Kuya Reggie ang bibig ninto. sino ba naman ang hindi mabibingi sa sigaw niya diba?
"Would you please shut up Sarah ang ingay ingay mo! para kang leong nakawala sa zoo!" sigaw ni Kuya kay Sarah.
"Eh eto naman kasi eh! pinuluputan ako ng headset di tuloy ako makahinga..."
at nanahimik nalang silang dalawa hanggang sa makauwi kami ng condominium.
PAGDATING SA CONDO NI SARAH...
Agad akong tumakbo papuntang salas para manuod ng paborito kong koreanovela. patapos na kasi friday na eh!
The Master's Sun.. nakakamiss!
Pero biglang nag commercial break at lumabas naman ang pagmumukha ng kinaiinisan kong si Mike Enriquez.
24 Oras
...
Mike E: Excuse me po! kapapasok lang po ng balita, sa isang restaurant, may isang couple na huling huling naghahalikan habang rumaragasa ang bagyong SARAH!
akala ng marami ay merong shooting na nagaganap sa isang restaurant sa new york, pero hindi pala dahil rumaragasa na ang Hurricane Sarah. marami ang nakasaksi sa pangyayari!
Sinubukan naming kunin ang panig ng dalawa pero huli na dahil BUMABAGYO NGA!"
at napatingin sina Sarah at Kuya Reggie sa tv at tinitignan mabuti kung talagang sila yun.
"URRRIIITAMNNNEEE!! bakit kami nasa tv ha? bwisit pakamatay na ang kumuha ng video sa amin!" sigaw ni Sarah habang pilit na tinatanggal sa turnilyo ang tv.
"What the F****!! i don't like this Sarah i'm sorry." sabi ni Kuya Reggie.
"Wag ka nang magsorry! pareho nating kasalanan! ayan tuloy kumalat na sa buong mundo ang kalandian nating dalawa! bwiset!" sagot naman ni Sarah habang kami ni Mike ay walang humpay ang kakatawa.
"HAHAHAHAHA!! ang cute kaya nun diba mike!" at tumango nalang siya.
"Anong sabi niyo?!"
>pong! pong!<
"Aray ko!! ang sakit Sarah! bakit mo naman pinulupot sakin yung headset ko?"
"Dahil sakal na sakal na ako dyan sa headset mo! pasalamat ka nga't di ko ninakaw yan kaya binabalik ko na sayo! magbibihis na ako. Reggie dito ka na magpalipas ng gabi. baka mapatay ka pa ng kakambal kong bagyo!" (BAGYONG SARAH)
------------------------------------------------------------
To Be Continue In Chapter 32.
Pati si Mike Enriquez nadamay hahaha!
Sa tingin mo, magiging malaking issue ba ang nangyari kila Sarah at Reggie
o tuluyan na silang masasalanta ng bagyong Sarah?
Comment Below
and Don't Forget to Vote
xD
BINABASA MO ANG
That Sassy and Brassy (Completed)
ChickLitTell me who your friends are and I don't care! Si Sarah, feeling model na secretary ng isang mamaw boss ng kilalang law firm sa New York. That's her. Read the story to find more about this woman. Copyright 2014 by faxwhispererpaulsen All Right...