Chapter Seven "We're Childhood Friends. NO ERASE."

3.1K 77 12
                                    

Sarah Salcedo Point of View

>> KINABUKASAN ay 10AM na ako nagising. hindi muna ako pumasok sa opisina ngayon dahil sa nangyaring panggagago sa akin ni Reggie kahapon.

Hindi pa nga ako nakababangon sa kama ay may kumatok na sa pintuan.

"Sandali lang poooo..!!" sabi ko.

Nang binuksan ko na ang pinto ay biglang bumungad sa akin si Reggie.

"hoy bakit hindi ka pumasok?" tanong niya.

"at bakit naman ako papasok aber? diba ang sabi mo kahapon sakin "you're fired"? tapos ngayon pupuntahan mo ako't tatanungin mo lang kung bakit hindi ako pumasok sa opisina? eh sira ka pala eh!" sagot ko.

"Kaya ko lang naman sinabi yun dahil nabigla lang ako sa mga pakikialam na ginawa mo. ikaw naman naniwala agad. uto uto ka talaga." sabi ni Reggie.

Dahil sa pagkainis ko kay Reggie ay bigla kong dinampot ang isang pirasong orange sa mesa at ibinato ko sa kanya.

>Poink!<

Ikaw ba naman kagigising mo pa lang eh bigla kang ha-highbloodin sa mga pinagsasasabi ng loko na 'to hindi ka ba mapapabato ng dalandan sa ulo?

"Aray! hoy sarah 'bat mo ko binato ang sakit ang...... u FF**!!"

"Buti nga sayo. ano magsasalita ka pa? baka naman gusto mong ibato ko sayo 'tong isa ko pang tsinelas?!" sabi ko.

"Sige subukan mong ibato sakin yan tsinelas mong mabaho, ibabato ko sayo pabalik 'tong orange na 'to! tignan ko lang kung hindi ka mabukulan pag natamaan ka neto!" sagot ni Reggie.

Dahil dun ay binato ko sa kanya ang isang pares ng tsinelas ko at ibinato niya rin sakin ang dalandan. hanggang sa.... batuhan dito, batuhan doon ang nangyari sa amin. pero natigil dun yun ng umatras siya.

"o ano pagod ka na? ikaw kasi eh! ang daldal mo!!" sabi ko.

"hindi... may naalala lang ako." sabi niya.

"Ano naman yun?" tanong ko.

pumasok siya sa loob ng condo ko at nakiupo sa upuan ng dining area ko.

"naalala o lang yung kababata ko sa cortland new york. ganitong-ganito ang nangyari samin dati. binato ko siya ng dalandan. at binato niya rin ako ng tsinelas niyang mabaho." sagot ni Reggie. at lumapit ako sa kanya dahil nakukutuban na ako na baka siya si Rr.

"Sino siya? at paano mo siya nakilala?" tanong ko ulit sa kanya.

"nakilala ko siya sa cortland new york gaya ng sinabi ko. lumabas ako sandali kasi nagalit ako sa desisyon ng tatay ko na sa Harvard ako mag-aaral. at dahil mainit ang ulo ko nun ay binato ko ng hawak kong dalandan ang isang batang nakikipaglaro ng volleyball sa mga kasama niya. syempre nagalit siya kaya binato niya ako ng tsinelas niya." sagot ni Reggie.

"Ha? pa..papaano nangyarin ikaw yun este ano bang pangalan niya?" tanong ko ulit. para makumpirma ang hinala ko.

"Sa... sasa. short for Sarah. magkapangalan kayo pero magkaiba ng ugali at alam ko naman na hindi ikaw yun. sige na aalis na ako." sabi niya.

"at hoy ms. salcedo, ihanda mo yung powerpoint presentation ko para bukas. eto ang flashdrive ko." dagdag pa niya. at ibinigay niya sakin ang flashdrive niya sabay umalis na siya.

Nang makaalis na si sir Reggie sa condo ko ay bigla akong nagkamot at nagtaka.

"Siya si Rr? siya ang kababata ko? pero bakit siya pa? sa dami-dami namang lintek na pwedeng maging Rr paglaki, bakit siya pa? pero kung siya talaga si Rr, bakit hindi niya nararamdaman na nasa tabi lang niya si Sasa at ako yun?" tanong ko sa sarili ko.

-------------------------------------------------------------

To be continue in chapter 8.

Kung ikaw si Sarah,

Dapat mo bang sabihin kay Reggie ang totoo na ikaw si Sasa

kahit na hindi ka pa sigurado kung talagang siya ang

kababata mong si Rr?

Comment Below!

and Vote

:)

That Sassy and Brassy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon