Sarah Salcedo Point of View
>> KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa opisina. syempre paanong di papasok ng maaga eh tinakot nga ako ng isang manok at isang baboy. (Si Reggie yung manok, si Marlowe yung baboy)
Kesyo, pag hindi ako pumasok, babatuhin raw ako ng sapatos ni sir, at pag hindi ko nilibre ng lunch si Marlowe ay susukahan niya ako sa palda ko.
Pero napansin ko ang mga empleyado, bakit parang busing-busy sila ngayong araw? simula pa lang ng araw ay babad na sila agad sa trabaho? ano bang meron? ngayon ko lang kasi napansin na ganito kasisipag magtrabaho ang mga empleyado dito eh!
Nang papunta na ako sa 34th floor ay nakasalubong ko si Mike.
"Mike Ross, anong meron?" tanong ko.
"Meron saan?"
"Napansin ko kasi ang ibang empleyado dito, ang aga-aga palang, babad na sa trabaho. may mga naiwan bang mga trabaho yang mga yan?" sabi ko.
"Ah.. nag-announce kasi si Mrs. Pearson kahapon na magkakaroon ng holiday bukas hanggang lunes. kailangan kasing paghandaan ng iba ang tungkol sa gaganapin na Fouding Anniversary ng kumpanya. so yun.." sagot ni Mike...
"Ganun ba? edi YES! so anong plano natin for the weekend?" tanong ko.
"Ewan ko sayo. bahala ka. pero.. bakit kaya hindi tayo magpa-extend ng leave? boracay tayo."
"Bungol! tatlong araw lang walang opisina! magbo-boracay ka pa? ang mahal kaya ng pamasahe ngayon papuntang pilipinas!" sabi ko..
"Eh ano nalang ang gagawin natin?"
Bumukas na ang elevator... Ting!
"Hmm... bakit kaya hindi nalang tayo pumunta sa sinehan? isama natin sina Marlowe at Reggie." suggestion ko.
"Hay naku Sarah. boring dun.. sawang sawa na ako sa sinehan. paulit-ulit lang naman ang mga movie na pinapalabas nila dun."
"Paano kasi araw-araw ka dun." sagot ko.
Habang papalakad kami papuntang opisina ni Reggie ay nakasalubong namin siya.
"Pare kamusta?" sabi ni Mike.
"Eto chubby. tumaba ako." sagot ni Reggie.
"Speaking of Taba...bakit hindi nalang tayo pumunta ng gym? dun nalang natin i-spend ang vacation holiday natin?" sabi ko.
"Oh no Sarah, ayoko."
"Bakit naman?"
"Baka kasi makita mo yung...."
"Yung .... yun na? mukha nito hindi naman ako ganun Reggie! tsaka walang magkakainteres sa katawan mong tingting!" sagot ko.
"Eh ikaw kung sakaling sasama ka sa gym, magji-gym ka ba?" tanong ni Reggie sa akin.
"Syempre alangan namang tumunganga lang ako dun tanga." sagot ko.
"Tama na nga yan guys, bumalik nalang tayo sa mga trabaho natin ng makatapos tayo ng maaga." sabi ni Mike.
"Sya nga pala Reggie, hindi ka ba na-inform ni Lourdes na kailangan mong pumunta dito sa lunes? hindi holiday ang lunes sa inyo." dagdag pa niya.
"Oo nga noh.. maghahanda pala kami para sa darating na Founding anniversary. pero hindi ka ba kasama sa mga papasok ng lunes?" tanong ni Reggie.
"Ay oo nga pala kasama ako.. associate mo pala ako."
"Akala mo lulusot ka? huh Sarah let's go to my office." sabi ni Reggie.
BINABASA MO ANG
That Sassy and Brassy (Completed)
Chick-LitTell me who your friends are and I don't care! Si Sarah, feeling model na secretary ng isang mamaw boss ng kilalang law firm sa New York. That's her. Read the story to find more about this woman. Copyright 2014 by faxwhispererpaulsen All Right...