06•

1.4K 40 1
                                    

Pagbukas ko ng pinto ay mukha ni Fort ang bumungad sa'kin. Hindi na ako nagulat dahil ine-expect ko rin namang dadating siya ng maaga.

"You look good. You prepared a lot for me, huh." nakangisi n'yang tanong na ikinasimangot 'ko naman.

"I'm not." inis na tugon ko. Lalo lamang itong natawa sa pagtataray ko.

"If that's what you say." mas lalong lumawak ang ngisi nito. Napa-padyak na lang ako sa inis.

"Tara na? Nandoon na sa labas ang kotse." habol n'ya at nagpaunang maglakad.

Sumunod naman ako hanggang marating ang kotse n'ya. Agad akong pumunta sa backseat ngunit sinamaan ako nito ng tingin mula sa rear mirror.

"What?" Inosenteng tanong ko.

"Dito ka sa tabi ko." turo n'ya pa sa katabing nyang upuan.

"Ayaw ko. Okay na 'ko rito." sagot ko. This time ay mas masamang tingin na ang ipinukol nito sa akin.

Fine! I lose. Inis na lumipat ako sa front seat at padabog na isinara ang pinto ng kotse. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Fort. Abnormal? Kanina galit. Ngayon patawa-tawa d'yan.

It was a total silence habang nasa biyahe. 'Di ko rin alam kung saan kami pupunta. I didn't bother to ask him. Tutal ay siya naman ang nagyaya sa'kin.

"Sounds tayo ah? Masyadong tahimik eh." pagbabasag n'ya sa katahimikan.

Tumango na lang ako sa kanya. nakita 'kong kinonnect n'ya sa speaker ng sasakyan ang cellphone n'ya.

Inis akong napalingon sa speaker ng narinig ko ang kanta mula roon.

Stay...

Feeling 'ko ay nananadya ang kanta sa pinagdadaanan ko. Nakaka-asar.

Why did you have to leave me? When you said that love would conquer all.

Ba't mo nga ba 'ko iniwan? Sa pagkaka-alam ko kasi ay di naman ako nagkulang eh. Dahil sa kanta ay nagiging emosyonal na naman ako.

Siguro sa paningin ng iba napaka-babaw ko. Madali lang naman sabihin 'yon eh, lalo kung hindi ikaw ang nakakaramdam.

Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas at inenjoy ang view. 'Di ko namalayang nandito na pala kami.

I fix my hair dahil nagulo ito dahil sa hangin. I turned it into a bun para kumportable at lumabas na ng kotse.

"Simbahan?" takang tanong ko kay Fort ngunit ngiti at tango lang ang isinukli nito sa'kin.

Mukha ba 'kong 'di nagsisimba at dito n'ya ko dinala?

"'Di naman sa mukha kang hindi nagsisimba, dadaan lang tayo pero malapit lang rito 'yung pupuntahan natin." ani Fort. Nabasa n'ya ang nasa isip ko? Teka, kailan pa naging mind reader 'to?

"Psh. Hindi 'ko binabasa ang isip mo. Masyado lang talagang halata sa facial expressions mo." aniya at bahagyang tumawa.

Pilit din akong napatawa.

"Tara, pasok na tayo sa loob." sabi n'ya at hinawakan ang kamay ko. H-hinawakan nya ang kamay ko!? What the fudge?

Sinubukan 'kong tanggalin ang kamay 'ko sa kamay n'ya ngunit pakiramdam 'ko ay mas lalo n'yang hinihigpitan ang hawak rito. Napatingin ako sa kanya pero diretso lang ang tingin nito. Nakaka-asar! Bakit kailangan pang hawakan ang kamay ko?

Hinayaan ko na lang ito hanggang maka-upo kami at sa wakas binitawan n'ya na rin ito. Sabay kaming lumuhod upang magdasal. Napasulyap naman ako kay Fort na ngayon ay seryosong nakapikit at nagdarasal.

Kung ikaw kaya ang pinili 'ko noon, hindi ba ako masasaktan ng ganito? Hindi ko alam kung bakit sumagi sa isip 'ko ang tanong na 'yan. Pero paano nga kung siya ang pinili 'ko at hindi si Dave?

Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang sitwasyong 'yon at taimtim na nagdasal.

---

Last Glimpse [Completed]Where stories live. Discover now