10•

1.3K 39 0
                                    

Inis na itinaklob 'ko ang kumot sa sariling mukha ng marinig ang alarm clock, gustuhin 'ko mang matulog ng matagal ay hindi 'ko magawa. It was Monday, so ibig sabihin ay may pasok. Padabog na kinuha 'ko ang bathrobe na nakasabit sa cabinet at pumasok ng C.R.

Habang naliligo ay 'di 'ko maiwasang kabahan dahil makikita 'ko na naman si Fort. Were in the same school kaya imposibleng 'di kami magkita, unless iiwas ako.

Napangiwi naman ako sa ideya 'kong 'yon, Bakit 'ko naman siya iiwasan? Mamaya mag-isip pa ng kung ano-ano 'yon.

Matapos maligo ay pinagmasdan 'ko ang sarili 'ko sa salamin, ang laki pa rin ng dark circles sa ilalim ng mata 'ko. Kinuha 'ko ang make-up kit sa drawer 'ko at sinimulang lagyan ng concealer ang mukha 'ko. Ewan kung bakit trip 'kong mag-ayos ngayon, for a change, maybe? Matapos makuntento sa hitsura 'ko ay sinuklay 'ko naman ang buhok 'ko, kung dati ay nakaladlad lang ang mahahabang buhok 'ko ngayon ay napiling 'kong i-braid ang bandang gilid nito. Hindi naman porque brokenhearted eh haggard na lagi.

Matapos ang paga-ayos ay kinuha 'ko na ang bag at books ko na nakapatong sa study table. Pinasadahan ko pa muli ng tingin ang sarili ko sa salamin ngunit napagitla ako sa isang katok galing sa pinto ng dorm 'ko.

Takang binuksan ko naman ang pinto at halos namilog ang mga mata 'ko ng makita ko si Fort sa harap ng pintuan ko. What the hell?

"W-Why are you here?" utal na tanong 'ko.

Ngumiti ito.

"To fetch you? Tara?" aya niya sa 'kin at ngumiti.

Holy mother of cows! Kung kahapon ay natuwa ako dahil hindi siya gaano nagparamdam, ngayon naman ay halos magwala ang paruparo sa tiyan 'ko. My heart is beating so fast. Why is that?! Why do I have to feel like this? W-What if I have feelings for him? No, It can't be!

Kabang pumunta ako sa labasan at nakita 'ko naman siyang nakasandal sa kotse n'ya at inaantay ako.

Di 'ko naman maipag kakailang gwapo siya. His slightly fair skin tone was just enough to emphasize his rosy cheeks. His luscious cherry lips were in perfect shape, not that thin but not that ample. He also have this deep dimple on his right cheek that welcomed me when he smiled. His thick and impeccably shaped eyebrows made him extra attractive. For a Grade 12 student, medyo manly na siya kung titingnan.

"You know what, kinikilig ako ngayon kasi kanina ka pa nakatitig sa'kin. Pero kasi mala-late na tayo. Pwede mo naman ako titigan habang nasa biyahe. Tara na?" aniya at ngumisi. Ang kapal ng mukha, ha!

Inirapan ko naman ito at padabog na sinara ang pinto. I can see a big smile plastered on his face through the rear mirror. Ngini-ngiti nito?

Tahimik na nag-drive lang siya at sinasabayan ang music, hindi naman ako nag-reklamo dahil hindi naman masakit sa tenga ang boses n'ya. Yes, he has a good voice. Perfect package na siya kung baga. I should be lucky na gusto ako ng lalaking ito.

Nag-hanap siya ng maayos na spot sa parking lot ng school at mabilis na bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Pilit na napangiti naman ako. Habang papasok sa loob ng University ay panay ang pagkausap nito sa'kin,ngiti na lang isinasagot 'ko dito. Gusto pa nga nitong buhatin ang mga libro ko ngunit agad akong tumanggi. Baka ano pang isipin ng mga makaka-kita.

"Sige. Dito na ko. Doon sa kabilang way ang room mo 'di ba?" I asked.

"Yes, I don't know na alam mo pala." ngumisi ito."

Sabay tayo mamayang lunch break, ah?"

Hindi na 'ko sumagot pa, nag-hurumentado naman ang dibdib ko ng lumapit siya at hinapit ako palapit sa kanya.

Niyakap niya ko! The fudge! Mabilis akong kumawala sa yakap niya at inilibot sa paligid ang paningin ko. Nakita ko ang mga matang nakatitig sa amin. Inis na inirapan ko ito at nagdire-diretso papunta sa room.

Narinig 'ko pa ang pagtawag n'ya sa pangalan 'ko ngunit hindi na ako nag-abalang lingunin pa ito.

Pagdating sa room ay simangot na hinanap ko ang upuan ko at nagsalpak ng earpiece. Nakita 'ko naman si Aly na taka akong tinitingnan.

Inis na napahiga ako sa armchair.

-----------------

Vote and comment is highly recommended. Lol. Thank you!

FB: Reynna Vellarde

Last Glimpse [Completed]Where stories live. Discover now