04•

1.5K 37 0
                                    

"Fort..." usal ko ng makita 'ko siyang nakatayo sa harap ko at pinapayungan ako.

"Kailangan mo ng magpalit. Magkakasakit ka n'yan. Hop in." utos n'ya at tinuro ang kotse n'yang nasa harapan namin.

Napatitig ako dito bago nag-salita.

"No, iwan mo na 'ko." I exlaimed. He look at me intently.

"Why would I? Get inside the car now." He demanded. His voice was full of authority.

Pasiring ko siyang tiningnan at pumasok sa loob ng kotse.

Basa na ang passengers seat dahil sa damit ko.

"Dry yourself." wika n'ya at binato sa akin ang isang hand towel.

Sinamaan ko naman ito ng tingin but he just smirk at me. Annoying smirk.

"Noong una sa park mo napiling mag-drama, ngayon sa gitna ng ulan naman?" tanong n'ya na ikinainis ko. Hindi ako nag d-drama! I want to shout that at his face ngunit mas pinili kong hindi na lang.

"Mag-drive ka na lang." I said at tumingin sa labas. Silently enjoying the view.

"Kumain ka na?" tanong n'ya. Diretso lang ang tingin nito.

"It's none of your business. Just drive me home. I want to rest." inis 'kong sagot. I know that masyado akong demanding samantalang sa kanya ang kotseng 'to pero naiinis lang talaga 'ko ngayon.

"Okay then. But we should eat first." aniya. Hindi na 'ko tumutol dahil in the first place ay gutom na rin ako.

Dinala n'ya ako sa isang reastaurant. Hindi siya 'yung restaurant na high class. Puro lutong bahay 'yung nasa Menu.

Pagpasok namin ay naagaw ko agad ang atensyon ng ibang mga kumakain. What? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng naka-uniform at basang-basa? I prevent myself to roll my eyes on them.

"Just don't mind them." wika ni Fort at hinawakan ako sa pala-pulsuhan. Bahagya akong nagulat pero hinayaan ko na lang.

Iginaya kami ng waiter sa mesa na pandalawahan. Nandito kami sa bandang dulo. tanaw na tanaw ang city lights ng downtown at mahangin.

"What do you want?"

"Kung ano 'yung sayo ayun lang din 'yung akin." I replied.

Maganda ang ambiance ng reastaurant. Nakaka-relax.

"Alright." wika n'ya at sinabi sa waiter ang order namin.

"Nakita mo na naman si Dave?" he asked. Nagulat ako pero hindi ko ito pinahalata.

"No." I replied. His brows furrowed.

"Talaga? But you're eyes tells it is." wika n'ya at bahagyang inilapit ang mukha sa akin.

Sinamaan ko ito ng tingin at pinitik ang noo n'ya. He hissed but I just mockingly smiled at him.

Dumating na ang inorder naming pagkain at agad ko naman itong nilantakan. Nakita ko namang bahagyang natawa si Fort sa paraan ng pagkain ko pero inismiran ko lang siya. Matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa kotse n'ya.

"Thanks." I uttered, he smiled at me.

"Your welcome. I miss this." he said. Napatingin ako sa kanya. I see a glint of sadness in his eyes.

"Me too." I replied and smiled

"Maybe mas dalasan natin 'yung ganito. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakalabas ng ganito."

"Kailan 'yung last?" I asked him. Alanganin siya ngumiti bago sumagot.

"'Nung magka-ayos pa kami ni Dave." aniya at bahagyang lumungkot ang tono.

"Matagal na nga." I replied then look away.

"Tara na? Ihahatid na kita sa dorm mo. Gabi na rin."

"Sige." sagot ko at tinuon ang atensyon sa labas ng kotse.

Nang makarating sa kinaroroonan ng dorm ko ay inihinto n'ya na ang sasakyan at bumaba na ako mula rito.

"Salamat ulit."

"Wala 'yon. Goodnight. " he said and lean closer to me. I was stunned when he kiss me on my forehead. H-he kiss me?

"Bye!" he said. Ngunit masyado yata akong naapektuhan sa halik n'ya at hindi ko namalayang nakaalis na ito.

"I-Ingat!" I said. But I don't think na narinig n'ya pa iyon dahil medyo nakalayo na ang sasakyan n'ya.

Mabilis pa sa alas kwatro akong sumalampak sa kama at iniisip kung bakit n'ya ako hinalikan sa noo. But on the second thought ay inisip ko na lang na isa itong friendly kiss.

------------------


Last Glimpse [Completed]Where stories live. Discover now