07•

1.3K 35 0
                                    

Matapos naming pumunta sa simbahan ay muli kaming bumiyahe. Tahimik lang ang buong biyahe namin, hindi 'ko nga namalayang nandito na kami.

Amusement Park? Sa dami ng pwedeng puntahan?

"Tara, kain muna tayo." saad niya at hinawakan na naman ang kamay ko. Abuso 'to ah.

Hindi na ako nag-inarte at sumunod na lang sa kanya. Pumasok kami sa isang food court habang umo-order siya ay naghanap na ako ng mauupuan namin.

When he come back ay nakita 'kong may dala itong shawarma at soft drinks. I slowly eat the food. Medyo naiilang naman ako sa pagsulyap-sulyap ni Fort sa'kin

"Where do you wanna go first?" pagbabasag nito sa katahimikan,

"Huh? Ikaw bahala." I replied and return my attention to my food.

"Roller Coaster?" He asked. Naubo ako. No way. I will not ride in a roller coaster.

"Ikaw nalang." I said then look away.

"Hahaha. I just remembered, may scare of heights ka pala." aniya at nagpipigil ng tawa. Duh, anong nakakatawa 'don?

Inirapan 'ko lamang ito.

"Sige na, akong bahala sayo?" pagpupumilit pa nito.

I let a heavy sigh.

"No. Ayoko! Ikaw na lang sumakay 'don kung gusto mo." inis na sagot ko sa kanya.

"Sige na nga, minsan na nga lang mamasyal ayaw pa. Hays, nakakalungkot. Ang lungkot lungkot ko talaga ngayon." he said in a very sad voice na tila iiyak na ito. Damn! How can I say no this time?

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at napakagat ng labi sa inis.

"Fine. I will join you!" asar na sigaw ko at nakita 'kong lumaki naman ang ngiti nito. Psh.

Matapos kumain ay naglakad-lakad muna kami at pagkatapos ay bumili na siya ng ticket pa sa roller coaster. Paano nga ba ako napa'payag nito?

Honestly I'm so scared of heights since I'm a kid, and obviously until now.

Kung ako ay halos mamutla na sa kaba ang katabi ko naman ngayon ay napaka-lapad ng ngiti. He isn't scared, aren't he?

"Tara na?" aya n'ya sakin at sumampa na kami sa loob ng coaster. Wala na akong pakialam sa mukha ko ngayon, dahil alam 'kong sobrang takot na ang nararamdaman 'ko.

"Hey, are you alright? Namumutla ka ata?" tanong nito at sinamaan 'ko naman ito ng tingin. Aware ako sa itsura 'ko, at alam 'kong sobra na akong namumutla ngayon.

Nakita 'ko namang inayos n'ya ang seatbelt n'ya nag-stetching pa. Siraulo.
Agad 'ko ring inayos ang seatbelt 'ko.
Naramdaman 'kong nag-iisatart na ang machine kaya mariin akong napa-pikit at matamang kumapit. Oh diyos 'ko, huwag n'yo ho akong pababayaan.

Halos maubos na ang boses 'ko kakatili pero parang balewala lang ito sa katabi 'ko ngayon dahil pataas-taas pa ito ng kamay n'ya sa ere. Parang gusto tuloy lumabas ng mga kinain 'ko kanina. Gross.

Nang makalabas na sa roller coaster ay parang humiwalay naman ang katawan ko sa kaluluwa 'ko, I'm exaggerating, didn't I? But honestly sobrang nahihilo ako.

Nang magbalik ako sa huwisyo ay inis na pinalo 'ko naman sa braso si Fort na sinamaan ako ng tingin.

"Aww" he hissed. "Inaano kita?" dagdag na tanong pa nito.

"Anong inaano, huh? Alam mo bang sobrang natakot ako don, huh? At ikaw dyan pa ngiti-ngiti pa?" Inis na sagot ko at nag-iwas ng tingin.

"Sorry na." bulong nito, kinilabutan naman ako dahil ramdam 'ko ang hininga n'ya sa leeg 'ko.

What the heck?!

"Ano ba?!" padarag na sagot 'ko at padabog na inilayo ang mukha n'ya
sa'kin.

-------------

Last Glimpse [Completed]Where stories live. Discover now