01•

3.4K 53 1
                                    

Ciara

Masakit. Sobrang sakit, hindi ko alam kung maalis pa ba itong sakit na nararamdaman ko.

Pagka-tapos sabihin ni Dave na kailangan naming tapusin kung anong meron kami ay hindi halos ma-digest ng utak ko kung nag-bibiro ba sya o ano. Tila kusa na lang nag-bingi bingihan ang dalawang tainga ko at nagpanggap na hindi ko naririnig ang mga sinasabi n'ya. I just felt the warm liquid rolling down on my cheeks. Why can't I stop myself from crying?
Kahit sinabi ko na sa sarili kong hindi na ko iiyak, eh iba ang inaaksyon ng katawan ko. Sumasaliwat.

"Shoulder or hanky?" I immediately divert my gaze on the person in front of me.

Pinalis ko ang mga luhang naglalandas sa mukha ko.

"Fort?" gulat 'kong tanong. Why he's here?

Nagkibit balikat lang ito at nag-iwas ng tingin.

"I guess kailangan mo 'to" aniya sabay abot ng panyo sa akin.

Inabot ko naman ito at bahagyang ngumiti. Pinunasan 'ko ang mga luhang tumakas sa aking mga mata. Nag-mumukha na naman akong tanga. Ito 'yung ayaw ko sa lahat eh. 'Yung nag-mumukha akong kawawa sa harap ng iba.

"Uh, thank you for this" I uttered at iwinagayway ng konti ang panyo.

"No problem. By the way, what are you doing here in the park? And at the middle of the night huh." panunuya n'yang tanong sa akin.

"Uh... I just.." nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Alangang sabihin ko sa kanyang pumunta ko rito para umiyak?

Pinag-masdan ko naman ang mukha n'ya na tila nag-aantay ng sagot.

"Napadaan lang ako, tama napadaan lang." I hesitantly replied. Of course it was a lie. Napadaan? How lame.

Nakita ang pag-ngiwi n'ya sa sinabi ko. Pilit na napangiti ako.

"I see. Gabi na. Should I ride you home then? Wala na gaanong masasakyan dito." he offered. 'Di na ako tumanggi pa. Knowing, Fort, mangungulit lang ito hanggang mapapayag ako.

Tahimik lang ako buong biyahe at ganon din naman siya. Ihave nothing to say so I just focused my attention on the window, ignoring the awkward presence inside the car.

"Dito na lang Fort. Salamat pala," I said. He smiled genuinely and bid goodbye.

Nang makapasok ako sa dorm ay hinanap ko agad ang susi ng kwartong tinutuluyan ko. Wala akong roommate. I pay for the whole room, mas gusto ko kasi 'yung tahimik.

I took a quick shower and change into my pajamas. Saglit din akong nag-review para sa mga surprise quizzes bukas. Agad naman akong hinila ng antok.

--

It was 5:30 in the morning ng magising ako dahil sa alarm clock sa side table ng kama ko. I yawned. I want more time to sleep!

No matter how badly I want to stuck myself in bed ay hindi pwede dahil my pasok pa ako. So I immediately rushed to the comfort room to took a shower. Matapos 'kong maligo ay nag prepare ako ng breakfast. I'm not good at cooking so I just fry some bacon and eggs. Nang ma-satisfy na ako sa kinain ko ay inayos ko na ang sarili ko. Mugto pa rin ang mga mata ko hanggang ngayon. Matatakpan ba ng concealer 'to? I guess not.

Nang makuntento na ko sa itsura ko ay agad ko ng kinuha ang bag at libro ko. Ni-lock ko na rin ang pintuan at tinungo ang daan palabas.

-----------------------

how's the first chapter?

Last Glimpse [Completed]Where stories live. Discover now