Huli na 03

8.1K 146 87
                                    

Sinabunutan na naman ako ni Inay, halos araw-araw na lang.
Palagi nga rin pala akong pinapagalitan ni Itay.

"Bumili ka nga ng toyo sa kanto." Sambit ni Inay na agad ko namang sinunod kahit pagod na pagod na ang pakiramdam ko.

Tumawid ako para makaliko sa kabilang kanto. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay may paparating pa lang sasakyan.
Huh, muntik na ako roon, sabi ko sa sarili ko.

Pero bakit ganito, pakiramdam ko inaantok ako. Dapat na ba akong matulog?

Gumising ako dahil sa aking mga naririnig na ingay. Lumabas ako ng kuwarto para alamin kung ano ang nangyayari at nagulat na lang ako sa aking nakita.

Lungkot at saya ang aking nararamdaman...
Nalulungkot ako dahil nakita ko ang sarili ko sa kabaong. Pero ang saya ko parin kasi kahit isang beses lang naramdaman ko ang pagmamahal ng mga magulang ko.

Salamat dahil naramdaman ko 'yung pagmamahal niyo, kahit huli na ang lahat.

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon