Umiyak ako ng walang tigil dahil sa sakit na aking nararamdaman. May lagnat nga pala ako pero pakiramdam ko, ang bigat bigat na nitong dalhin.Kahit hirap ay pinilit ko paring tumayo at maging matatag. Ganyan naman dapat ang buhay diba, kailangan mong magpanggap na masaya, kung ito lang ang tanging paraan para maniwala silang masaya ka nga, kahit ang totoo, hindi naman talaga.
Malakas ako kahit mayroon akong sakit na nadarama, pero ang totoo, malakas lang ako sa paningin nila.
Dahil kapag wala na sila, parang gusto ko ng magpakamatay at sumuko.
Sawa na kase akong masaktan!Inabot ko ang bimpong nakababad sa tubig upang ipahid sa noo ko, pero kasabay nito ang pagtunog ng aking telepono.
Wala na akong nagawa kundi sagutin. Pero dapat pala hindi ko na ginawa, kase mas lalo lang pala akong masasaktan ng dahil sa pagsagot kong iyon.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na basa na aking pisngi dulot ng luha. Ang sakit sakit na bakit dinagdagan pa!
Hindi naman kase sakit na lagnat ang iniiyakan ko eh, kundi itong puso ko. Ang tanga, yan tuloy nasasaktan ako ng todo!
BINABASA MO ANG
DAGLI
Short Story×Flash Fiction× Iba't ibang halimbawa ng dagli na mula sa imahinasyon ng may akda. Huwag mag-expect ng malaki dahil maaaring malaki rin ang chance na masaktan ka. (COMPLETED)